ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ᶠⁱᶠᵗʰᵗᵉᵉⁿ

172 7 1
                                    

"Tangina ano to? Huyyyy" naguguluhan ko paring saad.

Inalalayan nila akong maupo sa gilid ng bangka. Hinawakan ni Iyn ang kamay ko.

"Wag kang malikot" sabay senyas niya kay Rhyn sa likod, ramdam ko ang pagdampi ng tela sa aking mga mata.

"Matapos niyo akong patakbuhin ng napaka layo, sabihin niyong may bomba, tapos yung mga tao kanina bat may mga Tulips na ibinigay" itaas ko ang kanang kamay ko na may hawak ng bulaklak. "Tapos ngayon naman may pa blindfold kayo?Ano ba to" reklamo ko.

"Sabihin nalang nating naglalaro tayong tatlo tapos ikaw yung taya" napatahimik ako hanggang sa huminto ang bangkang sinasakyan namin. Inalalayan na naman nila ako ulit. Hanggang sa nakaapak na ako sa matigas na bagay siguro kahoy?

"Pag ako talaga pinagtitripan niyo kakalimutan ko talagang kaibigan ko kayo" saad ko ngunit ni hindi manlang sila kumibo "Iyn? Rhyn?" ngunit hindi na sila nagsasalita. Humakbang ako pa unahan tska lumina linga huli kona napagtanto na naka blindfold nga pala ako "Tanga" saad ko sa sarili ko kung kaya kinuha ko ito.

Pagkamulat ko ng aking mga mata nakita ko silang lahat. Bigla nalang akong umiyak dahil sa sobrang saya na aking nararamdaman. Tinakpan ko ang aking mukha.

"Happy Birthdayyy, Happy Birthday, Haha-happy Birthday, Happy Birthday, Haha-happpyyyy birthday" kanta nilang lahat it was another chant of Happy Birthday sobrang sarap pakinggan "Happy Birthday Yuna" sabay nilang saad.

"Nakakainis kayo" sabay pahid ko ng aking luha. Lumapit saakin si Denvic sabay bigay ng isang pirasong Tulips.

"Happy Birthday Yuna HAHA sana na surprise ka HAHA" saad nito tska tumugtog ang kantang Beautiful Girl ni Christian Bautista. Isinayaw ako ni Denvic hindi ko talaga expect na ganito, na sa ganitong paraan sila kung mag surprise pinakaba muna ako bago ito na.

Inilibot ko ang aking mata same place lang nong kahapon nandito parin kami sa cottage sa pinaka dulo.Napaka beach vibe naman nito sobrang ganda ng pagka gawa, sobrang ganda ng decorations,simple lang pero sobrang ganda.

"Tangina niyo talaga nakakainis kayo" saad ko habang naka ngiti kay Denvic.

"HAHAH suprise nga daw kasi" saad nito. Sunod na nagbigay ng Tulips si Mac

"Happy 18th Birthday Yuna HAHA pinakaba namin ?" tanong niya habang isinasayaw ako.

"Oo nakakainis pinatakbo niyo ako mula sa suite papuntang baybayin nakakahingal alam niyo ba yon" reklamo ko sa kanya.

"HAHA hindi kanaman haggard ah" saad niya "Maganda ka pa rin" bulong nito ngumiti lang ako saka siya bumitaw saakin.

Nakangiting lumapit si Vios, ano bayan bakit ganito sila?

"Happy Birthday Yuna HAHA sana all"

"Salamat Vios HAHA natawa pa talaga kayo sa mga pinang gagawa niyo ha" saad ko tumawa lang si Vios bago niya ako binigay kay Kuya Ys.

"Happy Birthday" saad ni Kuya tska ibinigay ang tulips. "I just want to say something Yluna Ysabelle" saad nito kaya medyo namula na naman yong mata ko "Wala pa nga akong sinasabi umiiyak ka agad" pang aasar niya habang sinasayaw ako.

"Nakakainis kana man eh"

"HAHA chill, Ito na ah, lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo. I will protect you no matter what Yuna. Ikaw lang yung nag iisa kong kapatid. Oo tanggap kona ngayon na kapatid kita noong una mahirap kasi ampon kalang eh" sinampal ko ang kanyang braso "Aray ko naman nagbibiro lang ako eh".

Moon Above (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon