ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ˢᵉᵛᵉⁿᵗᵉᵉⁿ

137 8 0
                                    

Alas kwatro palang ng umaga ngunit nagising naako. Dahil siguro sa patuloy na pag ulan, kinakabahan ako baka bumaha dito o di kaya'y tumaas ang alon.Itinaas ko ang aking tingin upang pagmasdan ang maamong mukha ni EL. Sana ganito nalang lagi mahal ko, alam kong may kapalit na kalungkutan ang kasayahang nararamdaman natin pareho.


Lalong humigpit ang kanyang yakap at mas lalo niya akong idinikit sa kanyang dibdib. Itinalukbong niya ang kumot sa aming dalawa.

"Baka matunaw ako"

"Kapal mo"

"Tsk it's too early bat parang dika mapa kali?"

"I'm just scared tho baka bumaha o baka tumaas ang alon at umabot dito sa bahay"

"Ano bang pinag iisip mo? Tsunami ? Kaka Netflix mo yan, tska ilang Ilan taon na dito sila Ti... Mommy Rona ano."

"I know pero hindi na ako maka tulog."

"Let's go downstairs?"

"Uhmm"

"Hindi kaba nilalamig? Use my extra clothes idoble molang sa damit mo"

Agad kaming bumangon at tska nagpalit ako ng damit. Sinunod ko yong utos ni EL na idoble yong kanyang damit. Napaka laki nito para sa akin. Sobrang aga naming nagising siguro kapag ganitong may bagyo kapag nasa Davao ako tanghali naako nagigising.

"Hindi na gaanong malakas ang ulan siguro'y titila din ito mamayang umaga."

"Dito kaba magpapasko?" I asked

"Kung kasama ka Oo, pero hindi ko pa alam.Siguro sa Davao kasama si Dad"

"Okey, sa tingin mo gising na kaya si Tita?"

"Hindi ko alam masyado pa kasing maaga, tara ?" aya niya sakin kung kaya't bumaba na kami. Madilim ang sala at kusina ibig sabihin tulog pa si Tita.

"Tulog pa si Tita"

"Halika tulungan mo akong magluto ng almusal." saad nito tumungo kami sa kusina. Pinindot ko ang switch para sa ilaw. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni EL.

"Ikaw, ikaw yong gusto ko." ngumisi ako ng nakakaloko tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kinilabutan tuloy ako the way his eyes hooked into mine damn it.

"Don't tease me like that baka ano pang magawa ko dito kung hindi ako maka pag pigil." lumapit siya sakin tska ako hinalikan sa noo. "Understand ?" tumango lamang ako at niyakap ko siya. "So what do you want?" tanong niya ulit.

"Kung anong meron"

"Okey, tingnan mo yung ref pumili ka kung ano gusto mong kainin. Nakita ko kagabi na maraming imbak na pagkain si Tit..... Mommy pala" napangiti ako sa kanya bago tumungo sa ref at binuksan ito.

"I'm happy for you and for Tita"

"Konting konti nalang kapag siguro maka usap kona si Dad dun na siguro magiging panatag tong loob ko." ngumiti ako sa kanya bago ibinalik ang aking tingin sa kung anong pwede lutuin para sa almusal. "Anong meron ? Yong pang almusal ha." pang aasar niya.

"Tskk itlog tska" binuksan ko yong nasa tupperware "Ano to? Tapa?" saad ko.

"Uhm pwede na yan karamihan ba gulay yong nandiyan?"

"Yeah tska bangus tapos hipon."

Tumulong ako sa pag luto kahit na hindi ako kagalingan. Ako yong nag sangag ng kanin nilagyan niya ng kaunting margarine para daw mas masarap iwan ko sa kanya bago dahon ng sibuyas sosyal hindi ba siya din naman ang nagluto ng ulam. Noong matapos kaming magluto ako na ang nag presintang mag ayos ng hapag.Mag aalas sais na ng umaga noong nagising si Tita nagulat siyang nauna kaming magising kaysa sa kanya.Sumisilip na ang araw pero uma-ambon parin.

Moon Above (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon