ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ᵗʰʳᵉᵉ

501 94 2
                                    


Nagising ako sakto alas singko ng umaaga. Maaga pa pero kailangan dahil may pasok. Nahirapan pa akong maligo dahil kumikirot pa yong sugat, medyo mahapdi pero kaya naman. After kong maligo nagbihis na ako ng uniform, I put liptint on my lips and fix my things first before I leave my room.Pagka baba ko nakita ko na si Kuya na kumain at pinagsisilbihan ni Manang Cely at iba pa naming kasambahay.

"Good Morning Yuna halika na at mag almusal" aya ni Manang

"How's your sleep?" tanong ni Kuya na may halong panunukso. Ahhh bwisittt talaga to.

"Absolutely fine" I rolled my eyes and give him a huge smile. Kala mo ikaw lang marunong mang asar ha

"I told you Yluna Ysabelle don't you ever rolled your eyes in front of me" pagalit niyang sabi.

"Ohh who's started first ba?" saad ko.

"Pwede ba tama na nandito kayo sa harap ng hapag magsitigil nga kayo para kayong mga bata" saad ni Manang.

"Tskkkkkk" nag madali ako kumain at saka tumayo.

"Let's Go Kuyaaaaa!Goodbye Manang"

"Mag iingat kayo Yuna.Ysrael ang kapatid mo ha" saad ni Manang.

Nauna na akong lumabas at hinintay ko nalang si Kuya sa labas ng gate. habang nasa kotse kami pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa school at ng nasa parking na he asked me if sa sabay ako mamayang uwian.

"Kung mapa aga dismissal mo antayin mo nalang ako okey?" Saad ni kuya

"Yes Kuya nga pala kailan yung uwi nila Mommy and Daddy ba?" palagi nalang silang wala minsan out of the country pa dahil sa business ng pamilya namin.

"I don't know hindi pa tumatawag." tango nalang ang itinugon ko sa kanya kinalas kona ang seat belt sabay labas sa kotse. Nakalimutan kong nasa iisang building lang pala kami kaya kadalasan sabay rin kaming maglakad papunta sa kanya kanya naming room. Minsan nga napagkakamalan pa kaming magjowa eh duhhh.

"Akala ko iiwan mo na ako bakit ba nagmamadali ka ha? tanong ni Kuya

" Wala inaantay nga kita diba. Let's go na"

Naglalakad na kami patungo sa aming kanya kanyang silid ng may tumawag kay Kuya. Una hindi ako lumingon pero nong narining ko ang pamilyar na boses lumigon ako at nagulat ako ng si...

"Eldridge" bulong ko sabay lingon ko ulit kay Kuya ngunit sinuklian niya ako ng nakaka pang asar na ngiti.

"Oh EL akala ko sa Ateneo ka bakit napadpad ka dito sa Northwich?" Kuya asked.

"Nagkaroon ako ng interest na dito mag-aral because of someone" sabay kindat kay Kuya bago ako pinasadahan ng tingin. "Uyy girlfriend mo?" he asked kuya

"Ah hell no she's my sister" sabay tingin sakin. I gave Kuya a awkward smile. Naabutan kong nakatingin si Eldridge sa aking sugat kung kaya napagtanto kong umalis na. Marami nadin kasing mga nakiki chissmiss at mga nagbubulungan. Ikaw ba naman maka kita ng dalawang gwapo tapos mag kasama pa hayy nako.Pero bago paako maka alis nag salita na si Eldridge.

"Hey Ms. Forza kamusta na yang sugat mo. Look I'm so sorry Bro pa sensya na talaga." Saad ni Eldridge.

"No it's Okey, nag uusap na kami kagabi" at pinasadahan ako ng tingin ni Kuya.

"Uhmm Kuya I have to go" tango nalang ang isinukli ni kuya kung kaya't pumanhik naako.

Bago pa ako makarating sa room namin hinila na agad ako ni Iyn at Rhyn sa likuran kung saan nandun nadin si Mac at Denvic.

Moon Above (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon