ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ˢⁱˣᵗᵉᵉⁿ

176 10 0
                                    

"Wag ka ngang malikot EL baka tumaob yung bangka" saway ko sa kanya.Nasa loob na kami ng underground river kaya sobrang dilim tanging liwanag lang ng flashlight ang nagsisilbing ilaw para makita kong ano ang nasa loob nito. Ang mga rock formation na kung minsa'y kumikinang kapag nadadampian ng liwanag. Marami ding paniki na minsa'y nagsisiliparan.

"Hindi ka naman malulunod nandito naman ako eh" pang aasar niya.

"Nakakatakot baka may ahas diyan sa ilalim"

"Mas matakot ka sa ahas na may paa Maam" singit ng bangkero.

"HAHA siya yong matakot Manong dahil babalatan ko talaga siya" saad ko.Bigla tuloy sumagi sa aking isipan yong Margoo? Margoat? Margaux abay iwan basta yong babaeng na kasama ni EL dito sa Palawan.

"Bakit meron ba?" tanong ni EL.

"Wala naman kapag may magtangka" humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.

Malapit na siguro kami dahil meron na kaming liwanag na natatanaw. Kapag siguro hindi ako natatakot maeenjoy ko kasi sobrang ganda nong mga rock formation nakaka aliw pag masdan.Kaso hindi eh natatakot ako baka may ahas o baka tumaob yong bangka tapos madilim pa. Kakapanood ko to ng mga movies eh kaya ganito.

Kapag siguro ibang tao yong kasama ko hinding hindi ako papasok dito noong una excited ako kasi sikat na sikat tong Underground River mabuti nalang talaga at si EL ang kasama ko.Noong makalabas kami doon lang ako nakahinga ng malalim. Pinagpawisan ako putek. Hindi ko alam kong saan kami pupunta hindi ko kabisado ang nga pasyalan dito.

"Manong ? Pwede pong magpahatid sa karatig Isla?" saad ni EL.

"Aba'y pwede naman?" tanong ni Mamang bangkero.

"Maraming salamat po" ngumiti lamang ito tska ini start ulit ang makina.

"Kayo ba ay mag nobyo at nobya?" tanong nito.

"Opo Manong" sagot ni EL

"Ganon ba? Parang napaka bata niyo pa, alam ba ng mga magulang niyo na magkasama kayo" ngumisi si EL sakin bago sumagot.

"Actually po Manong mag ta-tanan po kaming dalawa" napalaki ang mata ko tska ko siya siniko.

"Ano ?" lumingon samin si Manong. "Nako kayo talagang mga bata ngayon oh. Taga saan ba kayo? At ihahatid ko kayo pauwi. Anong pangalan niyo ?" pa galit na sigaw ni Manong.

"I'm Eldridge Emmanuel Yuzon HAHA" matagal pa bago naka sagot si Manong dahil sa pagka gulat nakatitig lang siya saaming dalawa.

"Ay anak ba kayo ni Sir Edmon?" napakamot pa siya sa kanyang ulo.At pinagmasdan ang mukha ni EL.

"Ako nga po HAHA don't worry kasama namin parents niya." sabay tingin sakin. "Nasa hotel namin sila ngayon. Gusto kolang siyang ipasyal dahil uuwi na kami mamaya." paliwanag ni EL.

"Pasensya kana hijo hindi ko kayo nakilala. Pupunta ba kayo kala Rona?" tanong nito. Ganun ba kakilala pamilya nila pati dito sa Palawan?

"Okey lang po, Ah opo doon nga tska doon kami mag tatanghalian" sagot ni EL.

"Aantayin ko nalang kayo at para maka kain nadin ako sa bahay"

"Mabuti po kung ganon hindi na kami mag pro-problema na aming sasakyan pabalik."

"Taga dito din po pala kayo sa Isla Manong?" tanong ko.

"Oo Hija kapatid ako ni Rona. Nako pasensya na at hindi kita namukhaan agad bata kapa kasi noong dinala ka dito ng Daddy mo" napatingin ako kay EL.Patay ka sakin mamaya marami kapang ikukwento.Ang mga tingin ni Manong bangkero ay nagbibigay kahulugan hindi kolang mawari kong ano ito.

Moon Above (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon