Hayden's Pov
Umuwi na ako ng bahay at nagpalipas ng oras, may date kami ni Kai mamaya.. kyahhh!
Isang tawag lang niya, nawala lahat ng iniisip ko!
"Hey are you ready for tonight?" Kai texted me.
"Yes!" Excited kong text.
Tinignan kong muli ang itsura ko, naka simple dress na red ako then tinernuhan ko ito ng red flat shoes, nakacurly naman ang ibabang parte ng buhok ko.
"Wow! You're so beautiful, Hayden!" Puri sa akin ni Mom pagkapasok niya sa kuwarto ko.
Nginitian ko siya, "Thank you Mom! Syempre mana sainyo!" bola ko.
"Syempre sa akin lang! saan ka pa ba magmamana?" Birong sabi ni Mom kaya napatawa nalang ako.
"Kung wala ako, hindi magiging ganyan kaganda ang anak natin!" singit ni Dad sa usapan, ang sama ah! pero totoo naman. :D
"Hayden, may nagaantay sayo sa labas, boyfriend mo?" seryosong tanong ni Dad sa akin. Patay! di ko pa nga pala nasasabi sa kanila!
Lagi kasi akong nagoopen sa kanila... except nalang sa mga nangyari nung nakaraan.
"Medyo malapit sa boyfriend, Dad." honest kong sabi.
"Hmm, mas guwapo pa din ako."
eh? napaface-palm nalang ako, kala ko papagalitan ako. -___-
"Hayden, Tara! ipakilala mo sa akin magiging son-in-law ko!" Excited na aya sa akin ni Mom, parang barkada ko lang noh! :P
Paglabas namin ng bahay, nakita namin si kai na nakasandal sa kaniyang kotse. Agad naman itong napatayo ng maayos ng makita kami.
"Hi Hayden!" bati niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko, hala hindi ako handa!
"Hello po!" Bati din niya kay Mom na kinikilig sa gilid! Akala ko magmamano siya kay Mom, ayun pala ay hinalikan niya ang kamay ng Mom ko! parang pang prinsesa ba!
"Anong pangalan mo iho?" tanong niya. "Brent Kai po." nakangiti niyang sagot.
"Boto ako sayo! Ingatan mo anak ko ah! Sayong sayo na siya!" walang preno niyang sabi! Hala, pinapamigay na ako ni Mom! :((
"Opo!" natatawang sagot ni Kai. "Oh sige! magdate na kayo! baka maharang kayo ng gurang diyan!" nagmamadaling taboy niya sa amin, nakita niya kasing palapit sa amin si Dad.
"Bye! Ingat kayo!" paalam niya sa amin.
"Nakakatuwa pamilya mo." ani ni Kai habang nakatingin sa daan.
"Oo nga eh, sayang nga lang, wala akong kapatid." sabi ko.
"Ang sarap sa feeling na boto sa akin mama mo." natatawa niyang sabi.
"Hay nako si mom talaga! parang magbarkada nga lang kami eh."
"Ang ganda ng Mom mo." puri niya. Hala! type ba niya si Mom? wag naman! ayaw ko maging tatay to! Char!
"Mom ko lang ba?" nakapout kong tanong.
"Syempre ikaw din no! kaya nga kita nagustuhan eh." sabi niya pero di ko medyo narinig yung dulo. Ano yun?
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.
"Secret!" nakangiti niyang sabi.
Hala! Saan nga?!
BINABASA MO ANG
Unexpected Game (Bloody series #1)
Mystery / ThrillerAng larong nagpapasaya sa amin, Ang kukuha ng buhay namin. "Isang kasalanan magdudulot ng malaking kaguluhan" Ano ang kasalanan ginawa namin? Bakit kami naiipit sa ganitong sitwasyon? Karapat dapat ba kaming maranasan ito? Ang isang madugo at walan...