CHAPTER 5-(ARNMP)

235 5 0
                                    

MASHA POV:

Nandito kami ngayun sa hospital dahil ngayun na operahan si jamica

Nagdadasal kami na sana makayanan ni jamica at lalaban siya

Nung nasa bahay kami sinabi niya lalaban daw siya para sa nanay at tatay niya at para din samin

Ang pinaka magaling na doctor ang nag opera kay jamica kaibigan ito ni daddy .

"Tatay alberto umupo muna kayo wag ka pong mag alala kakayanin yan ni jamica "- pagpakalma ko kay tatay alberto

Tatay alberto na ang tawag ko sa kanya dahil tinuring na nakin itong kapamilya namin

"Kinabahan ako ijah "- kinabahang sabi ni manong alberto

"Manalangin lang tayo sa diyos tatay alberto "- sabi ko

"Wag ka pong mag alala tatay alberto malakas po si jamica "- sabi ni irithel

Mayamaya dumating na sina nanay martha kasama sina nanay hilda at sina mommy at tita nandito narin

Ilang oras kaming nag hintay hanggang sa lumabas na ang doctor .

"Kumusta ang bata doc. Marcos "- tanung ni mommy

"Successful po ang operation sa bata .pwide na siyang mailipat sa private room mamaya. "- sabi ng doctor kaya ang mga kaba namin napalitan ng saya .

Sina nanay martha at  tatay alberto napaiyak sa saya ..

"Thank you lord . Subrang maraming salamat "- sigaw na sabi ni manong alberto

Napaiyak naman kami sa saya .

Tinawagan narin nila mommy sina daddy at tito at binalita na successful ang operation.

Masaya naman sina daddy at tito .

Lumipas ang isang buwan naging okay na si jamica at ang negosyo ni tatay alberto medyo lumago narin ito .
Subra kasing masarap ang sawsawan ni tatay alberto kaya maraming bumibili kahit na mayaman bumibili na sa kanya may sarili na itong pagawaan ng kwek kwek at fishball at kahit saang lugar may mga tindahan na don sila tatay alberto nagpalagay din ako malapit sa paaralan.

Oo nga pala next week pasukan na namin at dahil sa ayaw ko na pinagkaguluhan ako kaya ibahin ko ang hitsura ko ang curly na buhok ko pina straight ko ito . Hindi ako nag me-make up at ang mga damit ko simple lang . Simpre MASHA SARMENTO ang gagamitin kong pangalan .
Ang nakakaalam lang don sa school ang dean at si ate rafaela 

Si best irithel din nag iba ng anyo pero hindi mawala sa kanya ang pagka fasionista kahit simple lang suot namin bagay parin ito samin dahil kay irithel .

Kami ni irithel may sarili na kaming condo
Yung condo na hindi mamahalin yung mura lang .

Nandon na yung mga gamit namin sa condo namin

Hindi na ako kina nanay hilda tumira dahil nandon sina tatay alberto at nanay martha
Nalaman din namin na si tatay alberto pala ang matagal ng nawalay na kapatid ni tatay leo .

Subrang bait ng tadhana no ?!!

Amg condo namin ni irithel malapit lang sa school at malapit lang sa mall 

Maglalakad lang kami ayaw namin na may mag susundo samin .

Excited na ako sa simpleng buhay at simpleng ako .

"Princess magiingat ka ha?"- bilin sakin ni mommy

"Opo mommy"- sagut ko

"Pero may mga tauhan akong magbabantay sa inyo pero hindi sila lalapit sa inyo nasa malayo lang sila "- sabi ni daddy

"Okay daddy "- saguy ko naman kay daddy

Napag usapan na namin yun . Yun ang condition sa hiniling ko kina mommy .

"Itong golding card ang dalhin mo diyan namin ilalagay ang pera basta pag may problema ka ha sabihin mo samin "- binilin na daddy sakin

"Ay ay captain !!"- pasaway kong sabi

"Pasaway ka talaga hehe "- naka tawang sabi ni mommy

Hinatid na kami ni tatay leo sa condo namin ni irithel

"Excited na ako best"- aabi ni irithel

Nasa byahe pa kasi kami ngayun papunta sa condo namin

Mga ilang minuto nakarating narin kami .

Tinulongan naman kami ni tatay leo sa pag pasuk ng mga gamit namin sa condo nandito din ang body guard ni irithel .

Ng naipasuk na lahat umalis na sina tatay leo at ang body guard ni irithel

Kaya kami nalang dalawa dito sa condo ko . Tapus na kasi siya sa pag aayus ng mga gamit niya kunti lang dinala niya dahil bibili lang daw siya ng mga simpleng damit dahil ang mga damit niya dun puro sexy kasi .

"My god im so excited talaga 2days nalang pasukan na "- ngaka ngiting sabi ni irithel

"Haha ako nga rin eh excited na "- sabi ko

Pag katapus naming mag ayus sa mga gamit ko nag pahinga naman kami ni irithel dahil sa subrang pagod .

Marunong naman kami magluto dahil nag aaral talaga kami kong panu mag luto

Alam niyo naman hindi kami kukuha ng katulong dahil gusto namin yung kami lang .

Simply lang ang condo ko kulay skyblue ang luob din. may blue din

May tv naman , sakto lang ang sala ,at kusina may cr din may mini biranda din ako dito kaya pag walang ginawa dito ako mag tatambay kita ko ang school at ang mall at simpre ang plaza. nasa 3rd floor kasi kami

ANG REYNA NG MGA PASAWAY (The Billionaire Daughter) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon