CHAPTER 5 "My new school and new BESTFRIEND?"

13 0 0
                                    

 P.J'S  P.O.V

HAY nako! Enrolment nanaman pala. Ako? Ito balik sa dating gawe. Lilipat kasi ako ng school syempre kasabay ng paglipat ko ay ang pag-iiba ng course ko.

“Princess!” nagmumuni-muni pa ko e.

“Bakit? Tay! Kelangan mo?” HAHAHA. Ganyan kami ka-close ng mga magulang ko. pero hindi ko pa rin talaga maisip ang dahilan ng pag kapariwara ko.

“Ts! Lumabs ka na nga dyan. Kumain na tayo.”

“Aga pa kaya , tay!” 8am pa lang. kadalasan kasi lalabas ako ng mga 10am. Pero gising na ko ng mga 8 ng umaga. Heha!

“Onga! Malapit na ang enrolment.” Onga no! dalawang araw na lang pala simula ngayon. HMP! “makakapag-enrol ba ko tay?” pagka-upong pagka-upo ko, yan aga ang naitanong ko.“Oo naman. At bakit hindi?” “Wala lang.”

“Kung iniisip mong wag ng mag-aral.” Napatingin naman ako sa kanya

“Tigilan muna. Mag-aaral ka!” napangiti naman ako dun. Kasi mukang may tiwala pa rin sila sa akin sa kabila ng mga nagawa ko.

“Pero siguraduhin mong makakatapos ka a. Hindi sa lahat ng panahon makakasama mo kami.” Ano ba naman tong tatay ko. naiiyak na ba ko?

“Dahil dalaga ka na at pwede ka ng ipamigay sa mga mayayamang tao para mapangasawa mo.” *smirks* ABA’T!

“AYOS! Binugaw mo sarili mong anak.”TS! ang gana talaga ng utak ng tatay ko.

“HAHAHA. Nakakatawa ka kase. Teary eye ka pang nalalaman jan. HAHAHAH” ang saya nya diba? Grabe ba’t ba hindi pa rin ako sanay sa mga ganyan ng mga magulang ko.

“na touch lang naman e. TS!”

“Oo na! HAHA” napapangiti talaga ko nitong ama ko ng di niya alam.

“Si nanay?” sabay inom ng tubig.

“Natutulog pa.”

“Tapos ka ng kumain, Tay?!” iwan ba naman ako dito.

“May kukunin lang ako. Pagkatapos mu dyan magligpit at maligo ka na.” Tinatamad pa kaya ako.

“Bilisan mo at pupunta ka sa bagong school na papasukan mo ngayon.” Ah. Kaya naman pala.

“Ngayon? Sa isang araw pa enrolment a.” Tama. Tama ako sa isang araw pa ang enrolment. “Oo nga. Pero hindi mo pa kabisado pasikot-sikot ng school” a! kaya.

***

Papunta na kong ngayon sa nasabing paaralan. HAHA. Ang lalim ba? Hayaan muna lang.

“Manong, sa *** university po. Eto bayad!” intiresado ba kayo sa talang buhay ko?

“Nga pala. Manong, pababa na lang ako sa tapat ng school a. Hindi ko kasi alam e.” Ayos tong si manong ngiti-ngiti lang “Salamat”

Katulad nga ng sinsabi ko. hindi madrama ang buhay ko sa nakalipas na isang taon. Madalas pa nga puro trip, kalokohan at inuman.

Minsan napapa-away, pero minsan lang talaga. PROMISE!

Yea! Umiinon ako. Halos araw-araw nga e. So hindi ko na kailangang i-explain pa ang eksaktong nangyare. Diba?!

“ Miss, paabot naman ng bayad ko.” HA?! Ako ba?

*Lingon*

HAHAHAXD

Sabi ko na nga ba e.

Ako nga yung kausap. Nakakahiya naman tong inaasal ko.

“A, Eh! Sorry may iniisip lang ako.” Sabay abot ng bayad na may kasamang ngiti.

When  They Notice HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon