[ P.J's POV ]
Grabe talaga yung batang yun. Pumunta talaga kami ng ospital dahil gusto niya lang makita yung kanyang paboritong doctor
Kung di nga naman, isip bata talaga. Tapos nung tinanong ko naman siya kung bakit niya pa ko sinama, para daw magkakilala ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya. Ang paborito niyang Doctor na si Doc.Ivan Baldeo at ako daw na Bestfriend niya.
KALOKOHAN! At dahil sa Bestfriend niya nga ako. may shinare siya sa akin tungkol sa buhay niya.
FLASHBACK
“Saan nanaman ba tayo pupunta?” hindi pa ring niya sinasagot ang tanong ko.
Ako ito hanggang ngayon kinakabahan pa rin dunsa ginawa nitong kasama ko kay Ms.EM.
“Sa hospital nga.” Tapos hinatak na nya ko papunta sasakyan nila.
Tahimik lang, walang pumapasok sa utak ko ngayon, hindi na nga ako nakapag-enrol tapos kaaway pa nung anak ng may-ari ng school kung saan ako mag-aaral yung bestfriend ko. Daw?
“Wag mo na ngang isipin yung impaktang yun.”
“Hindi ko maiiwasang hindi ko isipin yun. Lumupit ako para makatapos ng pag-aaral tapos ganito, kaaway ng kaisa-isang kakilala ko yung anak ng may-ari ng school na papasukan ko?” gagshow lang, tumagal kaya ko sa school na yun?
“Wag mong sabihing natatakot ka dun?” natatakot ba ko sa kanya?
“hindi ako takot sa kanya. Ang akin lang ano bang laban ko sa owner’s daugther ng school diba?” tapos nilingon ko sya, nakatingin na pala sya sa akin.
Pinakilala lang naman nya yung paborito niyang Doctor na si Doc.Ivan Baldeo, tapos ako daw ang bestfriend nya.
Mukhang bata pa si Doc. Nasa 26 siguro. Pogi nga e, kaya siguro favorite ni Anie tong si Doc.
Pero may nakakawindang siyang revelation na sinabi sa akin.
Dahil daw kaibigan na nya ako at bestfriend pa kaya sasabihin na nya.
Nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay namin ihahatid na daw nya ko.
“Wag kang magpapa-windang dun sa impaktang nagrereyna-reynahan sa school natin.” Paanong hindi pagkinalaban ko yun, sira ang future ko. 2nd chance ko na to no.
“paanong eag, nasisira nab a tala~” tae yan hindi nanaman ako pinatapos.
Bastos na bata.
“Kapatid ko sya.” O.O k-kapatid?
“pero hindi kami magka-dugo?”
paanong? Magkapatid tapos hindi magka-dugo?
“step sister ko sya.” AAH! Pero paanong?
“Wag ka na muna kasing mag-react ng mag-react, nadidistract ako sa mga expression ng mukha mo e.” halata ba talaga masyado?
Ang init naman ng ulo nito, bipolar talaga, kababaibg tao.
“Halata kasi masyado na madami ka tanong e. making ka muna tapos pag tapos na kong mag-kwento tsaka ka na mag tanong kung may gusto kang itanong. Maliwanag?” TS! Tumango na lang ako. ang hirap hulihin ang isang to.
Tapos pinagpatuloy na nya ang kanyang kwento.
“so, ayun nga. Magkapatid kami half-sister to be exact. Nung 10yrs old ako nawalan na ako ng mommy, malinaw sa akin yun kasi kasama nila ko sa kotse nung binawian sya ng buhay. Pero kami ni Daddy nakaligtas, pagkatapos nun naging busy na si dady lalo, kaya halos nakalimutan na niyang may anak pala sya, pero isang araw umuwi syang Masaya siguro last 2yrs na.” tsaka ngumiti ng mapait.
Lahat nasasaktan pa rin sya sa mga nangyari sa kanya.
“sinabi nya sa akin na uuwi daw kami ng pilipinas kasi daw may guto daw syang ipakilala sa akin. Hindi na ako kumontra dahil nga ngayon ko lang ulit nakitang Masaya at ngayon nya lang ulit ako naalala.”
“Sorry!” nakayuku kong sabi. Tapos nagpatuloy na sya.
“Naging masaya din naman ako kasi ang saya ni papa habang pinakikilala si Tita Isabel yung mama ni Erica, pero dahil ayaw ko namang makagulo sa pamilya nila mas pinili ko na lang na mag-aral sa ibang bansa. Pero pumupunta si papa sa akin siguro katumbas ng isang buwan kung bibilangin mo syang dumalaw taon-taon.” Tapos tumingin na sya sa akin.
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ko.
“Gusto mo pumasok ka muna sa loob? papakilala kita sa magulang ko.” nginitian lang nya ko tsaka umiling.
“wag na baka mainggit pa ako sa inyo e."
“Sorry hindi ko alam na ganyan pala storya ng buhay mo, pasensya na.”
nakakahiya kala ko sya yung tipo ng taong walang ibang iniisip kundi yung kasalukuyan at tipong bahala na ang kinabukasan pero mali pala ako, nakatali pa rin sya hanggang ngayon sa nakaraan.
“Okey lang ano kaba? Para saan pa’t naging bestfriend kita?” napangiti naman ako dun.
Tinuturing nya talaga akong kaibigan at hindi lang basta-basta friend, bestfriend pa.
“pumasok ka na, bukas ko na lang itutuloy yung kwento ko. tsaka wag ka ng mag-alala ako ng bahala sa enrolment mo *wink*”
Oo nga pala hindi pala ko nakapag-enrol patay ako nito.
Pero sya naman daw bahala sa akin e. Sila naman may ari ng school kaya hindi na siguro ako mapapagalitan kung malate ako sa pag-eenrol.
YES! Iwas mahabang pila! WoooH!
END OF FLASHBACK
***
Dito ngayon ako sa kwarto ko, iniisip pa rin yung mga bagay-bagay na nalaman ko, memory full na ata. Pero ang sabi ni Anie, bukas nya daw itutuloy, so? Hindi pa tapos yung kwento nya. Nako naman!
GULAT KA NO?! hindi lang ikaw oi! Pati ako.
HAY! Makatulog na nga.
-ZzzZzzZzzZzz-
BINABASA MO ANG
When They Notice Her
HumorMas pahihirapan mo lang ang sarili mo kung laging kang didipende sa ibang tao. Kaya siguraduhin mong pag lumayo sila sayo, kaya mo na ang sarili mo. Natatakot ka sa pwedeng kahinatnan, kaya hindi mo masabi-sabi ang katotohanan. La...