CHAPER 1 "MAHAL KONG INA"

41 0 0
                                    

P.J’s POV

“AMOY ULAM NA BA KAYO?! Let’s do tha RABADAB~, aray naman!” San ba galing yung, lintik na! Sinusugod na tayo ng kalaban, gamit ang unan sa sofa?! Pero kahit na mga kaibigan. TAGO!

“Ano nanaman yang iniisip mo ha?!” saang lumalop naman nanggaling tong nanay ko? Ayun naman pala, nagbabasa ng balita sa dyaryo. “kung iniisip mong sinusugod tayo ng kaaway.”

“Nadali mo nay!” *DeathGlare*

“Tigil-tigilan muna.”

“hehe.”Galing talaga ng nanay ko noh. Oha! May nanay ba kayong Mind Reader? At dumi-DeathGlare?

“Kaaga-aga ka ingay-ingay mo.”

“Nay! Pang-paGV lang yun. Ano ka ba?”

“GV?” Anakng, ano ba naman tong nanay ko, minsan ang ano din e. =).

HAHAHAHA. Pero labs na labs ko yan. Syempre sino na lang ba magmamahalan diba?

Kaya kayo?! MAGMAHALAN kayo!

“ARAY KO. Ano ba?!” ang bilis ng nanay ko noh. Nasa tabi ko na agad ng di ko namamalayan at take note, nairolyo na niya yung dyaryo. Naipalo na nga kaagad niya sa akin e.

OH! Wala kayo sa nanay ko. Sabi sa inyo e =)

“O my G! Nay, hindi mo alam ang GV?! Pulang aso naman o!”

“Ts! Pwede ba tigil-tigilan mo yang kaartehan mo a. Sagutin mo na lang”

“Tigilan?! At bakit ko titigilan? NAY, naman dun ako masay~.(palo ng dyaryo sa batok) ARAY naman!” ABA’T! hampasin ba naman ulit ako ng dyaryo. Nawiwili na tong nanay ko na saktan ang kaisa-isa niyang masipag na anak. OHA!

Gulat kayo no? Kala niyo kung ano.

HAHAHAHA XD.

Hindi ko sasabihing maganda ako, wag kayong mag-alala. HAHAHA

Mas masaya sa pakiramdam yung pinupuri ang kagandahan mo ng ibang tao, kesa ikaw lang din pumupuri sa sarili mo. OHA!

Ano ka no friends?

O! LAMSNA?! I told you.

“Titigilan mo yang kadramahan mo o paliliguan mo yung aso?”

“Kfine. Alam niyo ba na ang ibig sabihin ng GV ay Good Vibes? (Maala-kuya Kim) G stands for Go~. Oh! Nakakarami ka na a.” Ang nanay ko nga naman o! Naka-amba nanaman at may balak akong hambalusin ng walis tambo. TS!

“Nay! Ito lang ang tatandaan mo. (Serious Face)

.

.

.

.

.

.

.

Lintik lang ang walang ganti.” *Evil Laugh*

“ABA’T! sira ulo kang bata ka.” pfft.

“HAHAHAHAHA. Nay ang epic mo. HAHAHA wag mong sabihing nadala ka sa sinabi ko HAHAHAHAHA”

“Walang kang allowance.” O_O

“O-Ow. Hehe. Ikaw naman nay, hindi na mabiro. Tignan mo o.” sabay turo sa gilid ng mata.

“ANO?! Tumatanda na ko?!”

“Ay hindi sakin nanggaling yan.”

“ABA’T! loka-loka ka talagang bata ka. Seryoso ako wala kang allowance at sasabihin ko yan sa tatay mo.” Anakng! Sa simple AMOY ULAM NA BA KAYO?! Hindi ako mabibigyan ng allowance?

When  They Notice HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon