Chapter 15: Love Spell

222K 2.7K 244
                                    

Chapter 15: Love Spell

Nasa tapat ng bahay si Russel pagkahatid ni Lance sa akin. Malamlam ang mga mata nito at parang wala sa mood.

"you're with Lance, huh?" salubong niya sa akin nung nakababa na ako sa motor

"Russel, i can explain"

"nakulong kami sa bodega." Paliwanag ni Lance

"Nakulong kayo doon, yun na yon? Hindi na kayo nag-abalang tumawag ng makakatulong sa inyo?"

"do you really love Sharlot?" out of this world na tanong ni Lance. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyon na ito. Wala naman kasi kaming masamang ginawa. >.<

Jake nodded as an answer

"Then trust her." Pagkasabi niya niyon ay pinaharurot na nito ang motor niya paalis. Mukhang pareho silang bad mood at ayaw niya nang palalain pa ang sitwasyon ngayon.

Tumingin ako kay Russel dahil sa sinabi ni Lance bago ito umalis. Wala ba talagang tiwala si Russel sa akin?

"wala kang tiwala sakin?" tanong ko.

"Miyuki hindi naman sa ganun yun...kaso...."

"kaso ano? Pinagdududahan mo ko dahil may kasamang ibang lalaki?"

"Kasi hindi ito yng first time, eh! Hindi lang naman ngayon... Miyuki naman, eh"

"So, wala ka ngang tiwala sa akin?" Ulit ko pa dahil hindi ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig ni Russel ngayon. Samantalang hindi ko siya sinisita kahit pa ilang beses ko siyang nakitang may kasamang babae. Kahit pa ilang beses ko silang nakita ni Jade Louise na magkasama.

Napatingin lang ako sa kanya nang mapansin kong umiiyak siya. Mabilils akong nagpanic dahil sa gulat ko. Never ko pa siya nakitang umiyak.

"Why are you crying?" Bigla na lang niya akong niyakap.

"Jake, may problema ka ba?" Ilang beses kong hinaplos ang likuran nito habang yakap-yakap niya ako. Sinusubukan ko siyang aluhin pero hindi ko alam kung paaano. "Hon, it's okay. You can tell me."

Iyak pa rin ito nang iyak at tanong ako nang tanong kung ano ang problema nito.

"my dad....."

"Ano nangyari?"

"he's gone" Sa gulat ko sa sinabi nito ay hindi na ako nakapagsalita agad. Noong huli kong nakita si tito ay masigla pa ito at nakikipagtawanan pa sa amin. Ayaw kong maniwala sa narinig ko ngayon lang. "H-hindi ko man lang nasabi sa kanyang mahal ko siya." Narinig ko ang pagkabasag ng boses nito. Rinig na rinig ko sa boses niya yung sakit kaya naman niyakap ko lang siya. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ko siya. Hinayaan ko siyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin sa kanyang ama.

Kahit na gusto ko siyang samahan sa kanila ay hindi niya ako pinayagan. Hinintay ko lang siyang makasakay ng taxi pabalik sa kanila.

Kinaumagahan ay wala si Jake. Lahat ng mga nakakakilala sa kanya ay manglungkot dahil sa nangyari sa ama niya. It was too sudden. Hindi naman inexpect na mangyayari iyon.

"Are you okay?" Tanong ni Lance nang makalapit siya sa akin. "I heard about his dad." Huminga ako nang malalim at idinukmo ko ang ulo ko sa desk.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kagabi." Umpisa ko. "I feel so useless."

" Just be there and help him ease the pain"

"b-but"

"actions speak better than words, right?" he said while moving away his hand

"you're right. Mamayang gabi pupuntahan ko siya"

"Do you want me to give you a lift? With your friend at least" tukoy nito kay Gail kaya pumayag ako.

***

Gabi na nang makarating kami kina Jake. Maraming tao nang datnan namin sila sa chapel. Nandoon ang mga kaibigan ng pamilya nila, katrabaho ng dad niya, classmates and also teammates ni Jake. Kasama ni Jake si JL nang makita ko siya. Hindi na ito umiiyak at nang makita niya ako ay nginitian pa niya ako. A painful one.

"condolence" said Lance at tumango naman si Jake bilang tugon.

"maiwan na muna kita" sabi ni JL. Pagkasabi niya yun umalis na siya at ganun din si Lance.

Tinabihan ko lang si Jake. Pinapakinggan ko ang lahat ng sinasabi nito. Yung iba ay kaya kong sagutin pero yung iba ay hindi ko na alam kung paano tutugon.

***

Isang linggo na ang nakakalipas at bumalik na rin si Jake sa eskwelahan. Doon ko napansin na medyo lumalayo na siya sa akin. Ang cold ng trato niya pero hindi ko siya tinatanong tungkol doon. Alam kong nagluluksa pa siya at maaaring dahil doon kaya ganito siya sa akin ngayon.

Napapadalas na rin ang pagsasama nila JL at Jake. Hindi naman maiiwasan siguro dahil magkaklase sila. Dagdag pa na partners sila sa isang project. Katulad ngayon ay naabutan ko sila sa gym na magkasama pero agad din naman siyang umalis nang makita niya ako. Nginitian pa ako ni JL pero parang hindi ako kampante sa ngiti nito.

Tuwing uwian ay doon ko lang nakakasama si Jake. Kumbaga ay ito na ang pinaka-date namin. Yung maglakad pauwi at yung kung anu-ano ang pinamimili naming dalawa sa daan. Katulad ngayon, hindi niya ako kaagad hinatid sa bahay. Nagpunta na muna kami sa park at doon ay tumambay na muna.

"Miyuki?"

"Bakit?" tanong ko

"every little bit of you is magic" he said, smiling. "Magic kas you're always beside me." Nakangiti akong tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Kahit na random pa 'yang sinasabi niya ay natutuwa ako. Nakita ko rin ang pagngiti niya ngayon lang. Sa wakas ay nakita ko na ulit yung genuine niyang ngiti.

"if every little bit of me is magic then you are the wand. The wand that complets the spell."

You're my Love spell Jake Russel de Vera.

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon