Chapter 18: Fieldtrip
Mabilis na lumipas ang mga araw. Disyembre na at ilang araw na ngang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin lalo na tuwing papasok kami ng umaga. May klase kami ngayon at inip na inip na ako tapos itong si Lance ay nakipagpalit pa ng upuan kay Gail kanina. Hindi nga nakipagpalit, e. Parang sapilitan na nakipagpalit siya kay Gail dahil ayaw naman umalis kanina ni Gail sa tabi ko.
"Ang boring." Sabi ko bago ko idinukmo ang ulo ko.
"Curiosity." Rinig kong sabi nito.
"what about it?" tanong ko bago tumingin sa kanya.
"curiosity is the remedy for a boring life." walang gana niyang sagot.
"Parang hindi naman?"
"My teacher told me that, anyway don't talk to me. I'm sleepy" napangiwi na lang ako dahil sa nakakainis niyang sinabi. Siya itong sumasagot tapos ako pa ang parang naging sabik na kausap siya. Ibang klase talaga. At dahil isa rin akong sutil ay hindi ko siya hahayaang matulog.
"Hoy Lance, 16 ka na right?"
"17 na."
"hah? E, diba---"
"bakit bawal ba magbirthday?" Minsan ang sarap din kutusan ng taong ito, e. Madalas tahimik pero kapag nag-ingay naman siya ay talagang mapipikon ka rin talaga, e.
"eh, kasi di ko naman alam na nagbirthday ka eh! Kelan ba?"
"september"
"hmm september?"
"bakit bibigyan mo ba ako ng late birthday gift?"
"wala ako pera, Lance"
"gift is not all about material things. Sometimes---" Hinintay ko kung ano yung katuloy nito pero hindi na niya tinuloy pa.
"oh? Sometimes ano?"
"wala"
"Ang labo mo talaga"
"Mr. Mariano and Ms. Parco" Agad akong napaayos ng upo dahil sa gulat ko. Hindi ako madalas natatawag ng teacher dahil hindi naman kasi talaga ako maingay. Ngayon lang naman talaga kasi ako may nakadaldalan sa klase. Pero medyo napapadalas na rin talaga akong natatawag simula noong nandito na si Lance.
"keep quiet" Banta ni Ma'am kaya naman nanahimik muna kami nang sandali bago itinuloy ang usapan namin noong nagstart na magsulat sa blackboard si ma'am.
"Pero Lance kelan ba?"
"september 18. Now that you know, stop asking"
"Nice naman. 17 ka na pala, kuya na kita."
"I'm not you're kuya. I don't want you as my sister."
"Kuya pa rin kita" nakangiti kong pang-aasar rito.
May mga sinasabi pa ito pero hindi ko na gaano narinig pa. Napansin kong nakatingin na naman kasi sa amin si ma'am kaya naman mas pinili ko na magfocus sa klase.
December 14 na at anim na araw na lang ay fieldtrip na namin. Parang Christmas party na rin namin iyon sa ibang lugar nga lang. Nagdiscuss rin si Ma'am ng about sa trip na iyon bago niya kami dinismiss.
***
December 19 na. Nitong mga nagdaang araw ay nag-take kami ng mga entrance exam sa mga iba't ibang universities. Ang ipinapanalangin ko lang ay sana magkapare-parehas kami ng papasukan na university nila Gail, Jake at Lance. Sila lang naman kasi ang mga kaibigan ko kaya sana kahit papaano ay makasama ko sila doon kahit paminsan-minsan.
BINABASA MO ANG
Sadist Lover (Editing)
Teen FictionAvailable na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published) Book 2: Complicated Love Book 3: Definitely a Sadist