PROLOGUE

395 56 26
                                    


Ito ay isang Pangalan ng katha. ang mga tauhan, negosyo, lugar, kaganapan at insidente ay alinman sa produkto ng imahinasyon ng may akda o ginamit sa isang kathang-isip na pamamaraan. Ang anumang pagkakahawig sa isang tunay na tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay puro nagkataon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------


Kapag pangit ba ugali ng tao masama kana? Hindi ba pwede may pinagdaanan lang sa buhay kaya nagkaganyan ka! Di naman maging masama ang tao kapag hindi inabuso e, ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ng totoo at protektahan. Pero bakit ba? May taong darating sa buhay mo pero hindi tinadhana, di naman ako nagmamadali, nasabi ko lang talaga sa sarili ko dahil palagi akong naiwan sa sitwasyon na imbes kailangan ko siya hinahayaan kana lang. Nakakainggit lang no? Yung mga tao na iningatan nila ang mga mahal nila sa buhay samantalang ikaw hahayaan nalang mamatay sa sitwasyon na hindi mo akalain mangyari.

Ito ako ngayun, palaging naiipit at naghihirap sa buhay para lang makabili ng gamut kay tatay para sa sakit niyang heart disease. Oo beh, may sakit tatay ko sa puso kailangan daw operahan kasi nga nahihirapan na siyang huminga kaso mahirap gawin 'yun eh, para sa ilan na may pera makakagamut agad sa minamahal nila sa buhay, habang tayu na mahirap kailangana pa magsikap para lang makabili, kahit sweldo kulang pa sa araw-araw na pangangailangan natin.

Sobrang unfair ng buhay, ikaw naka uniporme para magtrabahu samantalang mga kilala ko at nakakasalubong sa daan ay nakauniporme para makatapos ng pag-aaral. E ikaw nag aral ka ba? Mag-aral ka ng mabuti ha, swerte na kayo sa part na matutupad yung kurso na gusto niyo, samantalang ako syempre HINDI! Napilitan lang ako na huminto muna sa pag-aaral dahil kami lang dalawa ni tatay, tinulungan ko siya para sa pangangailangan niya, nakakaiyak nga e hirap na hirap na kami sa litseng buhay nato. Kung naguguluhan kayo, kung bakit kami lang dalawa ng tatay ko, ang totoo po 'yan isa po akong ampon tama ang narinig mo ngayun. Oo anak ako sa labas! Sabi ng tatay ko noong sanggul lang ako nakita lang daw niya ako sa may damuhan na nakalagay sa maliit na karton, hayup na magulang na naglagay sa akin 'dun, walang konsensya e bakit ba? Sila pumasok sa sitwasyon na 'di nila kaya palakihin ng maayus ang sarili nilang anak ganun lang ba sila? Sa akin. Nagmukha akong basura na tinapon doon, mabuti nga yung tao na nakapulot sa akin may mabuting puso, paano kung walang nakakita? Edi mamamatay beh, siguro kinuha na ako ni lord. Hindi nag asawa ang tatay ko, baka daw may anak siya 'di niya kaya mairahos ng maayos ang buhay ng pamilya niya.

Alas dyes na oras na para umuwi sa bahay,  nagtratrabahu ako sa mini mart isang maliit na shop na nagbibinta ng mga iba't ibang pagkain saka sweldo ko ngayun, tamang tama makakabili ako bigas at pang maintenance ni tatay saka hindi lang 'yun nag iipon 'din ako para sa operasyon niya. 

Binilang ko muna yung pera ko sa labas bago sasakay ng jeep, wala narin masyadong tao dahil dis oras ng gabi na ngayun ng biglang...

'' Akin na yung pera mo! Kung hindi babarilin kita! '' Sabi ng lalaking naka tube mask, may hawak itong baril.

'' Po! Maawa naman kayu sa akin kuya, ibibili ko pa ito ng gamut sa tatay ko na may sakit " Nagmamakaawa kung sabi.

Wala akong magawa kundi hinablot ang pera ko na pinaghirapan ko sa araw-araw kung gawain, nagmamakaawa ako pero di ako pinakinggan. Nakipag takbuhan ang mga lalaking armado habang ako tumutulo yung luha at nag iisip paano ko 'to sasabihin kay tatay na di muna ako bibili ng gamut niya dahil sa mga pangyayari ngayun. Ang sakit lang kailangan ko yung pera na 'yun, pero lahat walang natira gutom at paghihirap ang ginagawa ko doon para makaraos man lang sa buhay.

Iyak ng iyak ako habang nakauwi sa bahay ng napansin ko si tatay sa labas na naghihintay sa akin syempre pinunasan ko muna ang luha ko, hindi pwede malaman niya yung nangyari kanina kasi ayaw ko na may problema siyang iniisip tapos nun naglakad ako ulit para salubungin siya.

'' Tay, bakit gising ka pa ngayun? '' Sabi ko sa tatay ko habang nakayakap.

'' Nako anak nag-alala ako sayu, tagal mo kasi nakauwi ano na oras ngayun. Mag a-alas dose na ng gabi alam mo naman dilikado lalo mag isa kalang umuwi! '' Alala niyang sabi saakin.

'' Hindi kana po, sana mag alala sa akin 'tay alam mo naman matapang anak niyo e. '' Sabay tawa.

Nagsi-sinungaling nalang ako para hindi niya malaman kaysa mag alala siya, ayaw ko makitang umiiyak yung tatay ko dahil sa pangyayari kanina. Pero sa totoo lang nakakalungkot 'din isipin pero wala akong magawa kaysa mabaril ako. Alam na alam ko na importante ako ni tatay ngayun dahil 'yan ang tunay na anak na may pagmamahal sa magulang. Buti nalang nakapahinga na si tatay samantalang ako sa kwarto umiiyak, broken na nga yung demonyu, nanakawan pa ng pera.

Buti nga di nasali cellphone ko e, siguro kapag nakuha 'to. Nako! lugi ako sa chismis beh. May kaibigan pa naman akong with honor sa chismisan. Siguro mag chat ako sa kanya, mangungutang muna ako ng pera, tapos bayarin ko nalang sa next sweldo ko. Nag message ako sa kanya habang nakahiga at umiiyak na tahimik baka kasi marinig sa kabilang kwarto.

'' May pera ka ba? Uutang sana ako sayo, wag ka mag-alala ibalik ko lang naman e sa next sweldo ko beh. '' Message ko sa kaibigan sabay enter.

Nag reply pero hindi '' Oo '' Yung na receive ko, di talaga nakakatuwa yung sigbin natu.

'' Buti nag reply kana sa akin, alam mo ba? Yung SSG President 'nong high school natin beh, si NOLAN. Alam mo ba? Nakita ko sa balita kanina napanood ko sobrang yaman na pala ng pamilya niya no? '' Reply niya sa akin sa chat.

Magpapautang ba 'to? Or sadyang hindi na nakakita, mawawala kasi ng pagtingin kapag uutang ang tao. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or iiyak nalang.

Kung may kapangyarihan lang sana ako, para palitan ng utak ni Blaize, siguro ngayun matagal kuna ginawa with price tag pa. Si Blaize isa sa nilalapitan kung kaibigan noon palang, kahit utak 'nun di maintindihan palagi niya ako tinutulungan sa hirap at ginhawa. Nakapagtapos siya ng kolihiyo at may sariling negosyong salon hindi katulad ko na 'di nakapagtapos plus nagtatrabahu pa. May mabuting trabahu mga pamilya niya at si Blaize may isang kapatid na lalaki saka nag aaral pero dipa tapos ng kolihiyo.

Nagreply na siya sa reply ko sa kanya, akala ko binawalewala lang niya sabi niya idadaan nalang daw niya sa gcash yung pera. Kapag may oras siya bibisita nalang daw siya sa akin, dito sa bahay kapag day off kuna. Binasa ko ulit yung unang reply niya sa akin, tayka sinong Nolan? Siguro tumatanda na ako kaya diko na naalala, nag iisip naman ako pero parang di talaga lumabas sa isip ko, baka si Blaize lang nakakilala nito kaya walang laman utak ko kung sinong Nolan nyan.







WHEN LOVE FINDS YOU (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon