MARAHUYO

8 1 1
                                    

June 2 2019

ARIE's POV
Sa loob ng tatlong taon ko sa journalism club ni isa dipako nabibigyan ng chance na ipanlaban kaya napagdesisyunan ko na ipagpatuloy ang pagsulat ngunit hindi ng balita kundi ng storya ng iba.

"Anak sure naba talaga na sa manila kana mag-aaral?maraming problema don"Ani ng aking ina.

"Ma dinaman po nawawalan ng problema saka bibisita po ako dito,Promise!"Sagot ko.

Nakarating na ako sa lilipatan kong bahay at alam niyo ba yung feeling na nagsisitayuan ang balahibo mo at feeling pinagpapawisan ka kahit hindi malamig ayun ang feeling ko sa lilipatan kong bahay.

Madumi ang pader,Madaming halaman na ang tumubo at sira sira ang mga ibang parte ng bahay pero wala akong choice kase 500pesos lang naman ang upa kada month kaya okay na 'to.

"Oh iho papalinisan ko nalang sa mga pamangkin ko yan bukas,Labas lang naman ang may problema diyan pero ang loob ng bahay ay ayos pa naman"Ani ni madam Cecil.

Pagkapasok ko ng pinto ay napakadilim at maalikabok pero maganda at ayos pa naman ang furnitures ng bahay.

"Ma nandito napo ako sa lilipatan kong bahay"Ani ko.

"Oh anak magiingat ka diyan at lagi mong tatandaan na palagi kang mag aayos ng bahay"Sagot ng tita ko.

May pumasok sa pinto na isang lalaki na mistiso,maganda ang hulma ng katawan at matangkad

"Hoy!hoy,hoy! Sir?Sino po kayo?bat ka nandito?"Tanong ko sakanya.

"Bahay ko 'to at ako ang nauna dito"Sagot niya.

Kaya siguro mura ang bahay ay dahil may kasama akong roommate pero bakit di sinabi yon ni Madam Cecil.

"Yung kwarto nayon akin yon tas ikaw doon ka sa kasunod na kwarto"Pagpapaliwanag niya.

"Excuse me no sabi ni Madam kahit saan daw pede ako matulog atsaka roommate kalang den naman dito ha"Pagrereklamo ko sakanya.

"Ang sabi ko bahay ko 'to!Ako ang masusunod kase bahay ko 'to!"Ani niya.

Hinayaan ko nalamang siya sa kahibangan niya at bukas irereklamo ko siya kay madam pero bago pa man ako pumasok sa kwarto ay nakita ko siyang tinititigan ang isang album sa may lamesa.

"Ba't ayaw mo kunin?"Tanong ko sakanya.

"Ano bang pakialam mo?"Sagot niya.

"Uy chill ka lang,Ako nga pala si Aries nagaaral ako diyan lang sa may tabi netong school"

Hindi siya umimik kaya naman naglinis na ako at pagkalabas ko ng banyo ay wala na siya kaya naman dumiretso na ako sa kwarto na sinabi niya.

Habang nagcecellphone ako ay bigla siyang pumasok sa kwarto ko.

"Leo nga pala"Ani niya sabay alis.

Napangiti ako sa sinabi niya at kahit masungit siya ay ramdam ko na mabuti ang puso niya.

Pinagpatuloy kona ang pagtulog ko.

DANCING WITH YOUR GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon