*tang*na mo gising*
*tang*na mo gising*
*tang*na mo gising*('yan yung alarm ko 'wag kayong judgmental)
Malakas na tunog mula sa alarm ko sa cellphone, medyo nakakapang-sisi na ginamit ko ang boses ko bilang tunog sa alarm ko.
Tumitig muna ako sa kisame bago tuluyang bumangon.
'hindi na ako iinom'
Mga salitang nasabi ko nang makaramdam ako ng hilo.
Ako nga pala si Clyde Rafael Valiente,a genius but happy go lucky man, I was born with a 190 IQ pero hindi ako yung typical na gifted, ayaw kong mag-aral dahil para sa akin, alam ko na ang lahat. I ditch in my class para lang pumunta sa mall and besides hindi ako pwedeng mapatalsik sa school dahil kami ang may-arin non, bagay na hindi alam ng lahat, gusto kasi ng nanay ko na manatiling low profile para narin sa kaligtasan namin. Ako, my mother, my teachers and the school dean lang ang nakakaalam kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng pamilya namin.
' shet late na ako'
Nagmamadali akong naligo, nagbihis at bumaba sa dining area at agad kong nakita si mommy, we're not like any other rich family, hindi umaalis ang nanay ko sa bahay dahil kusang dumarating sa amin ang pera, si mommy ang pinaka kilalang investor sa US at sa buong asia, kung aalis man siya ng bahay, yun ay dahil may bibilhin or magpapa-araw lang siya.
" good morning son, diba 7am ang klase mo? 10am na", kalmado niyang pananalita.
Lumapit ako sa kanya and I gave her a kissed on her cheek before I sat down.
"mom, ma-late man ako or hindi, ako parin ang top 1, hindi ka pa ba nasanay? and besides baka mga teacher ko pa ang turuan ko about sa lesson namin",mayabang kong sabi at sabay tingin sa black coffee kong kanina pa nakahanda. Hindi ako mahilig kumain ng almusal, sapat na sa'kin ang kape bilang starter sa umaga.
" what did I say about respecting the elders? anak kahit matalino ka at ahead sa kanila, dapat mo parin silang irespeto, being smart is not enough to degrade other people, always remember that", pangaral niya sa'kin.
Inubos ko na ang kape ko at nagpaalam, 3 subjects na ang hindi ko napasukan, pero ayos lang minor subjects lang naman. Lumabas na ako ng bahay at dumeretso ako sa driver namin na si tatay isko, ang tumayong tatay para sa akin sa loob ng maraming taon, responsibilidad ng biological father ko na hindi naman nagampanan. I'm 18 y/o and G12 student and he's our family driver bago pa man ako ipanganak.
" oh anak, aalis na ba tayo? anong oras na at baka mapagalitan ka ng mga guro mo",bungad niya sa akin na sinabayan niya ng pagtawa, bukod sa nanay ko, si tatay isko ang lubos na nakakakilala sa akin, sa kanya ako ngkekwento madalas at siya rin ang nagpapayo sa'kin, he's our driver, my father and my bestfriend at the same time.
"tatay naman, parang hindi ka pa nasanay sa akin, alam mo namang-"
"mas matalino at mas marami ang nalalaman ko kaysa sa mga teacher ko at baka nga sila pa ang turuan ko",pagputol at pagtuloy niya sa sasabihin ko.
"oh diba alam ko na ang mga sasabihin mo? ang akin lang anak ee galangin at respetuhin mo sila pati ang trabaho nila, para naman magkaroon ka ng maraming kaibigan sa eskwela niyo",pagpapatuloy ni tatay.
"tay naman, napagsabihan na ako sa loob, pati ba naman ikaw?", sabay kamot ko ulo ko.
"oh siya-siya umalis na tayo at baka wala ka ng abutan sa eskwela mo", agad akong sumakay sa white van at ganun din si tatay isko at umalis kami nang agaran.
May mga kaibigan naman ako sa school hindi nga lang ganun karami pero sila lang ang pinagkakatiwalaan ko, maraming galit sa'kin dahil never akong naalis sa pagiging top 1 since kinder until now kahit lagi akong nagcu-cutting. Di ko alam kung saan galing ang galit nila. (-_-)
Sa bahay I'm a good son, pero sa school, I'm a demon, hindi dahil masama ugali ko, mahilig lang talaga ako magmura, bagay di ko nagagawa sa bahay, hobby ko ang pagmumura, wala eh, nasanay na. While on our way to school, I saw a girl na naglalakad sa may bangketa, she's wearing a uniform na katulad sa school ko and when I saw her ID lace, na confirm ko na schoolmate ko siya.
"tatay, itabi mo muna saglit", sabi ko kay tatay isko at agad siyang sumunod, maawain akong tao kahit palamura ako and hilig ko rin ang tumulong. Bumababa agad ako and lumapit sa kanya
" miss!", sigaw ko
"miss!", pang uulit ko ngunit patuloy parin ang paglakad niya. Nainip na ako kaya tumakbo na ako papalapit sa kanya.Naabutan ko siya at hinawakan ko ang balikat niya, subalit, nagulat ako sa mga sumunod na nangyari......