' It's simply because I am the one who created the questions that you're using on this test sir'
' It's simply because I am the one who created the questions that you're using on this test sir'
' It's simply because I am the one who created the questions that you're using on this test sir'
' wait wtf?! '
'ano sinasabi nito'
Sandaling nabalot ng katahimikan ang loob ng classroom. Kan'ya-kan'yang lingon at bulungan ang bawat isa na tila ba nakarinig ng sobrang init na balita.
'sino ba namang hindi mabibigla sa sinabi niya?, oh lord please kill me now, seryoso ba siya?!'
" Beg your pardon Ms. Peralta?", nagtatakang tanong sabi ni sir.
"ang sabi ko po, ako ang gumaw-", pag-uulit niya sa tono ng bata.
"I know what you said, but what do you mean?", pang putol na tanong ni sir.
'naaning na ba 'tong babae na 'to? '
Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi na sumagot si pac-girl, tanging ihip ng hangin at busina ng mga sasakyan mula sa labas ang naririnig namin.
" I've forgot to ask, from what school did you came from?" , pambabasag ni sir sa katahimikan.
" I'm from St. Leonore University sir", kaswal niyang tugon.
" oh, I see, so totoo nga ang mga balita, welcome sa Ojari State University" , masiglang bati ni sir.
' puta!, totoo ba 'to? si sir? hindi na cold!!, anong nangyayari?, sino ba siya?! '
" so I guess this will be an interesting year, right Mr. Valiente?", biglang baling ni sir sa akin. Binigyan ako ni sir ng tingin na tila ba nagsasabing, 'kabahan ka na'
' tsk, as if namang kakabahan ako, I'm Clyde Rafael Valiente, the one and only'
(-_-)
" So that's all for today, thank you everyone, Uhm, Ms. Peralta, come to my office before you go home" , baling ni sir sa lahat at kay pac-girl
"ok sir", tugon niya
Umalis na si sir sa classroom at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si pac-girl.
" uyy narinig niyo ba 'yung sinabi niya?"
" sino ba 'yun? bakit parang kilala siya ni sir?"
" anong balita ba 'yung sinasabi ni sir?"Agad na bulungan ng mga kaklase ko nang makaalis si pac-girl sa room.
'masyado mong ginugulo utak ko, sino ka bang talipandas ka?'
Lumabas na rin ako dahil masyado ng maingay sa room at nagpapantig na ang tenga ko. Last class naman na namin si sir kaya pwede na ako umuwi or gumala.
' oo ganun ako katamad kaya last subj nalang ang napasukan ko ngayon'
Agad akong lumabas ng campus at pumara ng taxi. We have a lot of money and I own different cars, but I chose to not use them, simply because I don't want to drive and mas gusto ko mapag-isa kapag uumuuwi.
Ilang minuto ng umaandar si manong at sa kasamaang palad, naipit kami sa traffic. Tumingin ako sa orasan at laking gulat ko nang makitang 1pm palang.
'ang aga naman masyado para magkaroon ng traffic dito'
Nakahinto ni manong sa tapat ng favorite coffee shop ko
'kung su-swertehin ka nga naman, mwehe'
"manong baka po matagalan bago tayo makausad, dito nalang po ako bababa, magkano po ba?" , magalang kong tanong
'oo, magalang ako, minsan nga lang'
"P115 lang anak", tugon ni manong.
Dumukot ako sa wallet ko ng P1000 at iniabot ko ito sa kanya, nang lumingon siya sa akin, don ko lamang napansin na matanda na siya.
"tay, ilang taon na po kayo?"
tanong ko kay manong."ako ba? ah eh 87 na ako anak"
tugon niya" wala po ba kayong mga anak o maaasahan sa bahay? bakit kayo po ang nagtatrabaho?", medyo inis na tanong ko.
'attitude diba'
Hindi na sumagot si manong at napakamot nalang siya sa ulo.
" 'wag niyo na po akong suklian and ito po oh, dagdag niyo na po jan", sabay abot ng P10.000 sa kan'ya.
"nako salamat anak, pagpalain ka sana", malugod niyang pasasalamat.
Bumaba na ako sa taxi at dumeretso sa coffee shop pero bago ako makarating sa pupuntahan ko, may nahagip ang mata ko sa hindi kalayuan.
Isang babae at lalaki na naglalakad at may kasama silang batang lalaki at babae, bakas sa mukha ng mga bata na sobrang saya nila. They are so happy until the father of those child looked at me. Sandali kaming nagkatitigan ngunit inaya na siya ng babae na umalis kaya't nawala na sila sa paningin ko.
Sandali pa akong nahinto sa kinatatayuan ko at doon ko lamang napansin na may nangilid na palang luha sa mga mata ko.
'darn it!!, bakit ako naluluha, tangina naman'
Maglalakad na sana ako papunta sa coffee shop nang biglang..
*blag!!*
"shet, fuck!!" , daing ko habang naka upo sa sahig.
"bakit ba 'di ka tumitingin sa dinadaanan mo? ang tanga mo naman!" ,ani ng isang babaeng nakasalampak din sa sahig.
"tangina!, ikaw na nakabangga ikaw p-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha ni pac-girl na ang sama ng tingin sa'kin.
'anong ginagawa nito dito?! '
"kabute ka ba?, bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?!", singhal ko sa kan'ya nang makatayo ako.
Agad siyang tumayo at tinalakan din ako.
"Hoy Mr. Kalabit, ikaw ang tanga-tangang hindi tumitingin sa dinadaanan at nakabangga sa akin!" , ganti niya.
'nakalunok ba ng speaker 'to?, ang lakas ng boses amputa'
"Kung anong niliit ng mong tao, siyang tinaas at tining ng boses mo, ikaw 'tong hind-"
(0_0)
(0_0)
(0_0)
(0_0)
"'wag kang bibitaw, sabayan mo nalang muna", bigla niyang bulong sa tenga ko na naging sanhi ng pagtayo ng mga balahibo ko.....
ITUTULOY
------------------------------
Add me on facebook
FB acc : Jannus Susi
Twttr: @ masayangPATATASFollow my wattpad page guys I love you all.