Bakit ang liwanag, teka, nasa langit na ba ako? Putcha anong nangyari?
"anak gising, anak ayos ka lang ba?"
"clyde gising, sorry po manong"
"anak tayo jan yung uniporme mo anak"
Bakit ako nakasalampak sa bangketa anong nangyari?
Nagising ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pananakit ng panga ko, teka bakit masakit?.
Dahan-dahan akong tumayo at naka alalay sa'kin si tatay isko at nakatayo rin sa harap ko yung babaeng naglalakad sa bangketa. Teka, tang*na! naaalala ko na...
FLASHBACK
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang balikat niya
Kaya pala hindi ako marinig, nakasaksak yung earphone sa tenga (-_-)
Pagkahawak ko sa balikat niya ay bigla siyang napahinto, pumihit siya paharap sa'kin at sinapak ako sa panga.
'oo sa panga'
Yun yung unang sapak na tumama sa mukha ko at buong buhay ko, never pa akong nasapak sa mukha, NEVEEERRR!!
Nahilo ako at bigla nalang dumilim ang paningin ko sabay bagsak sa sahig
-end of flashback-
" clyde sorry talaga, hindi kasi kita nakilala at nagulat ako nung may humawak sa balikat ko, akala ko kasi rapist" , pagdedepensa ng babae habang pinapagpag ng panyo ang damit ko.
'rapist? Wtf?!!!'
" rapist? taenang yan, miss sinong hunghang ang mangga-gahasa sa ganitong katirik na araw? At sa harap pa ng police station", medyo pikon kong pananalita at turo sa station na makikita katawid kalsada, "at miss, ganito kagwapong mukha ee rapist lang? Aww come on, baka nga ikaw pa ang mang-rape sa akin ee",dugtong ko.
"HOY!! Humingi na ako ng pasensiya diba? Ano bang gusto mo lumuhod ako sa harapan at halikan ko ang sapatos mo? FYI, ikaw ang may mali, sino ba kasing tarantado ang bigla nalang manghahawak ng balikat nang hindi manlang nagtatanong?" ,pasinghal niyang tugon.
Kita mo sa mata niya ang inis at galit na tila ba pinapatay na ako sa utak niya. Kasalanan ko ba na gusto ko lang tumulong? Ang gulo talaga ng mga babae. Pero siyempre hindi ako magpapatalo, never.
"HOY ka rin" , sigaw ko sa mukha niyang may layong isang pulgada sa mukha ko,"alam mo, sa lahat ng tutulungan ikaw pa yung nananakit, kung hindi ka lang nag-aaral sa school na pinapasukan ko, hindi kita tutulungan", galit kong tugon.
Biglang nagbago ang emosyon sa mukha niya, ang kaninang galit ay napalitan ng pagtataka. Sino nga namang gago ang biglang manghahawak ng balikat? Pota.
"tutulungan? Ako? ng isang Clyde Valiente?", pagtataka niyang sabi at bigla siyang natawa, "bakit? Hiningi ko ba ang tulong mo!?" , singhal niya.
Aba, siya na ang tutulungan at siya pa ang galit, bahala siyang mag-amoy araw jan.
"ikaw ang bahala, masyado kang maarte, bakit? Maganda ka ba? Cute ka lang pero di ka maganda!"
(o_o)
Sabay na nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ko.
'ang tanga mo clyde damn it'
"so na kyutan ka sa'kin kaya bigla ka nalang sumulpot sa likod ko? crush mo ba ako?", pang aasar niya, "oh siya para di ka na mahirapan ako na ang magpapakilala sa sarili ko, I'm Natasha Kate Peralta", casual niyang pagpapakilala sabay lahad ng kamay.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
' ang ganda ng mga mata niya'
Ilang segundo ang lumipas bago ako makabalik sa sarili, tinitigan ko ang kamay niya bago ako magsalita, nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at sabay sabing, " wala akong pake sa buo mong pagkatao", sabay talikod at balik sa sasakyan.
Tatlong minuto ang lumipas bago bumalik si tatay isko sa sasakyan, tinapunan niya ako ng mapang asar na ngiti bago mag-maneho. Napatingin ako sa babaeng nanapak sa'kin at habang papalayo ang sasakyan binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti at kaway.
' ano nga ulit pangalan nun? ahh basta wala akong pake'
30 mins ang lumipas at nakarating na ako sa school, Ojari State University, ang pinaka sikat na unibersidad sa pampanga.
"tatay aalis na ako, 'wag mo na ako sunduin mamaya dahil may dadaanan pa ako", paalam ko kay tatay ngunit wala siyang sinabi kahit isang salita tanging mapang-asar lamang na ngiti at pagtaas-baba ng mga kilay ang natanggap ko.
' ano bang nangyayari sa mundo?'
Bumababa na ako at agad na pumasok sa loob ng campus, sana naman gumanda ang araw ko kahit papano......
