Kakatapos lang ng 3rd subject nang makarating ako sa room at break-time na namin. Lahat ng mata ay nakatingin sa'kin na para bang may krimen akong ginawa.
'ano pa nga bang bago'
Pumasok ako sa room na parang walang kakilala at dumiretso na ako sa upuan ko.
'kung di lang dahil sa babae na yun edi sana mas maaga akong nakarating'
I looked outside the window since na katabi lang naman ng bintana ang pwesto ko at naalala ko ang tatay ko
' May 13, 2012, 3am in the morning, may narinig akong nagsisigawan kaya lumabas ako ng kwarto, galing ang ingay sa room nila mommy at naka bukas nang konti ang pinto kaya sumilip ako, "why did you do that? why?", mangiyak ngiyak na sabi ni mommy, makikita mo sa mga mata niya yung sakit at galit na nararamdaman niya habang si daddy ay nakaupo sa kama at nakayuko, lumapit si mommy sa bintana at pinunasan ang mga mata niya, "why Chris? why?",huling sinabi ni mommy at napaupo siya sa sahig'
"Mr. Valiente!"
'bakit kaya nagawa ni daddy yun? '
"Mr. Clyde Rafael Valiente!"
Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang sigaw ni Mr. Cruz, english teacher namin.
'teka, tapos na yung break? gano ako katagal na naka tulala?'
I looked at my watch and..
'putangina it's been 40 mins after our break time!'
"yes sir?",sabi ko nang makatayo agad ako
"are you with us? I said what is the longest word in english?"
" Sir it's pneumonoultramicroscopicsil-"
"Good morning sir I'm sorry I'm late", biglang putol ng isang babae na hinihingal at nakatayo sa may pintuan ng room.
'teka eto yung nanapak sa'kin kanina, wtf?! classmate ko siya? ang malas nga naman ng araw na 'to oh'
" and who are you?", malamig na tugon ni Mr. Cruz
" I'm Natasha Kate Peralta sir, I'm the new student from manila" , hinihingal niya paring sabi
"ok, before I let you in, you must answer my question correctly, what is the longest word in english?" , kalmado paring pananalita ni Mr. Cruz
" It's pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis sir" , kompyansa niyang tugon
"and what about it?" , dagdag ni sir.
"it's a word that refers to a lung disease contracted from the inhalation of very fine silica particles, specifically from a volcano" medyo hingal niyang sagot.
'not bad, tsk chamba'
" ok, welcome to G12-Diamond. Class is there any available chair for Ms. Peralta?"
Lahat ng ulo ay naglilingunan kung saan at laking gulat ko nang mapatingin sila sa gawi ko.
(o_o)
' nagkatitigan kami, don't tell me'
" Mr. Valiente, is it alright if Ms. Peralta will sit beside you?" ,blankong emosyon niyang tanong.
"Ye-Yes sir"
" Ms. Peralta please take your sit cause you're interrupting our class"
Agad siyang naupo sa tabi ko at tinapunan niya ako ng isang nakakalokong ngisi.
Lumipas ang oras at nagbigay si sir ng surprise quiz, bagay na ayaw ng lahat bukod sa'kin. It's a 200 item quiz and guess what 180 ang passing score. Pagdating sa mga test siya ang kinakatakutan ng lahat, naalala ko nung freshmen year namin, binigyan niya kami ng 800 item test at 750 ang passing score.
" sir ang dami naman niyan for a surprise quiz"
"grabe naman sir meron pa naman pong bukas"
"sir babaan niyo naman po yung passing score"
Ilan 'yan sa mga reklamo ng mga kaklase ko, pero walang epekto kay sir. Si sir yung tipo ng tao na sobrang cold at walang pake sa mararamdaman mo as long as ginagawa niya ang trabaho niya, 'yan ang dahilan kung bakit siya ang paborito kong teacher. Lahat ng nagtururo sa university na 'to ay hindi ko kinakatakutan, kahit sa religion teacher namin nakikipag debate ako, pero iba si sir Cruz, iba siya.
" It's your choice if you will or will not take my quiz, it's your grade we're talking about, not mine"
'" It's your choice if you will or will not take my quiz, it's your grade we're talking about, not mine" '
' sabi na at sasabihin niya ang paborito niyang linya, hayyy'
Agad na pinakalat ni sir ang test paper at kitang-kita ko ang pagkadismaya ng mga kaklase ko
'mga hindi kasi nakikinig, kahit kinder kayang sagutan 'to, kung sabagay I'm Clyde Rafael Valiente, walang mahirap sa'kin'
Dumating sa upuan ko at tiningnan ko ang test paper.
' I knew it HAHAHAHAHA! '
Napahinto ako nang bahagya nang maalala ko na katabi ko pala yung nanapak sa'kin.
' damn it! medyo masakit parin ang panga ko, ano kayang reaksiyon nito sa test ni sir'
Dahil sa kuryosidad, pasimple akong tumingin sa gawi niya.
' wtf?! natutulog siya?! '
Nakayuko ang ulo niya pero nakatingin siya gawi ko at ginagawa niyang unan ang mga braso niyang magkapatong. Mahimbing ang tulog niya at kung oobserbahan nang maigi, parang hindi niya kayang manakit at gumawa ng masama, pero hindi ko parin makakalimutan ang ginawa niya sa'kin.
Napatitig ako sa mukha niya at hindi ko namalayan na nakatitig siya sa'kin.
"tama nga ang hinala ko, may gusto ka sa'kin" , sinabi niya iyan na may tono ng pang-aasar.
Gusto ko siyang sigawan sa mukha pero hindi pwede, kaya binigyan ko nalang siya ng isang pakyu sabay pihit pabalik sa test paper ko.
Binasa ko isa-isa ang mga tanong at isa lang nasabi ko sa sarili ko...
' what will I expect from Mr. Cruz' ....
![](https://img.wattpad.com/cover/244661520-288-k15521.jpg)