Contented and happy. Thats what I feel today and maybe on the next coming days. Sobrang saya ko kasi ngayon dahil bukod sa nakakasama ko na si Kuya Eiden sa pamamasyal minsan ay masaya din ang relationship namin ni Light.
Simula kasi ng may nangyari sa amin ay feeling ko mas lalo pa niya akong minahal ng husto. I mean I don't doubt his love for me but I feel like he don't love me that much before as how much I love him. I know his past relationships at alam ko rin kung anong klase siyang lalaki kaya nga medyo nag-aalangan akong sagutin siya noon kasi nga akala ko hindi talaga siya seryoso sa akin.
But as everyday passes by ay masasabi kong nag-iba talaga siya at yon nga, ramdam ko na ang pagmamahal niya sa akin. Kaya nga ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya kasi sigurado na akong siya na talaga ang una at huling lalaking mamahalin ko.
Tatlong buwan narin makalipas ang nangyari sa amin at naulit pa yon ng naulit. Hindi ko rin naman kasi mapigilan si Light and besides gusto ko rin naman ang ginagawa namin.
Naipakilala ko narin siya sa wakas kina mommy at masaya ako na okay siya sa kanila.
"Maam Xyrish, may kailangan pa po ba kayo? Maglulunch out po kasi sana ako ngayon." Paalam ng assistant ko sa akin.
Sa firm nga pala ni Dad ako nagtatrabaho ngayon at tinutulungan ko din siya minsan sa pamamalakad dito. Nag-offer nga si Kuya na sa kanya nalang ako magtrabaho at bibigyan niya ako ng mataas na posisyon pero tinanggihan ko at sinabing saka nalang kapag may experience na talaga ako. Tsaka hindi biro yung kumpanya niya at hindi pa ako handa sa mas mataas na posisyon.
"Actually meron sana Jean, pwede mo ba akong take outan ng cheesecake jan sa tapat na bakeshop?"
"Sige po maam."
"Thank you." Pagpapasalamat ko naman bago siya umalis sa opisina ko.
"Hey princess lets eat lunch first, mamaya mo na tapusin yang trabaho mo. Nagpadala ang kuya mo ng pagkain kaya samahan mo ako sa pantry." Sambit ng kakapasok lang na si Dad.
"Oh okay dad, wait a minute." I answered at iniligpit na muna ang mga ginagawa ko.
Balak ko sanang wag kumain ngayon kasi wala akong gana pero dahil ayokong mapagalitan ni Dad ay hindi ko nalang gagawin.
Kumain kaming dalawa ni Dad at sobrang kaunti lang talaga ng nakain ko dahil wala talaga akong gana.
"Are you okay princess? Bakit kaunti lang ng kinakain mo?"
"Wala lang po akong gana Dad, medyo masama po kasi ang pakiramdam ko."
"Ha? Sana sinabi mo nalang agad sa akin anak. Halika at ipapahatid kita pauwi. Ako na ang bahala sa naiwan mong trabaho."
"But Dad.."
"Sige na princess. Arian pakisabi nga kay Manong Lindo na ihatid si Xyrish sa bahay."
"Opo sir."
"Sige na anak umuwi ka na muna."
"Yes Dad."
Wala na nga akong nagawa kung hindi ang umuwi at magpahinga. Ewan ko ba pero ilang linggo na akong matamlay at masama lagi ang pakiramdan ko lalo na tuwing umaga. Minsan kinakaya ko nalang dahil sa trabaho. Madami din kasi kaming ginagawa sa opisina.
Natulog lang ako buong maghapon at kinagabihan ay bumuti buti narin ang pakiramdam ko.
As I checked my phone ay mag-aalasyete na pala ng gabi. Mukhang napahaba ata ang tulog ko at marami naring miscalls si Light sa akin.
Nakalimutan ko nga pala siyang tawagan kanina tsaka nasa Singapore siya ngayon at may business conference na dinaluhan. Sa pagkakaalam ko nga sa susunod na araw pa siya makakauwi.
BINABASA MO ANG
My Kind of Light ✔ [Completed]
ChickLitLight. When Xyrish heared about that word before, she already thinks that it is the one who will save you from darkness. When there's no light, you cannot see everything in the dark or at night. Who wouldn't like the light if it is the only one who...