Evening came after that family discussion at naghahanda na nga ako ngayon para sa party na dadaluhan namin ni Light. It's a formal party so I'm wearing a shiny long black gown na talagang sukat na sukat sa akin. Pinagawan kasi talaga ako ni Dad ng damit para sa gabing ito dahil ang sabi niya ay sobrang mahalaga daw ng business gala na yon.
"How do I look Nay? Tsaka okay lang ba itong damit ko? Hindi ba masyadong revealing?" I asked my Nanay Lani dahil siya ang nag-ayos sa akin. Umalis na naman kasi si mommy kaninang tanghali dahil sa trabaho while si Daddy naman is may conference meeting sa Baguio.
I'm not really comfortable sa suot ko tsaka backless kasi tong gown na suot ko kaya naiilang ako.
"Sobrang ayos anak! Naku dalagang dalaga na talaga ang alaga ko at pwede nang mag-asawa. Teka nga pala at kailan mo ipapakilala ang nobyo mo sa mga magulang mo? Tsaka alam na ba nila na may nobyo ka na?"
Hindi ko parin kasi naipapakilala si Light kina mommy pero ako kilala na ng parents niya kasi nagkita na kami one time sa bahay nila.
"Alam na po nila nay pero hindi pa nila nakikilala. Alam niyo naman po sila na sobrang busy ngayon."
"Kaya nga anak. Pero naku ang gwapo gwapo ng nobyo mo at bagay na bagay talaga kayong dalawa." Papuri naman nito na ikinangiti ko ng husto.
"Siya na siguro iyon anak. Tara nang bumaba at wag mo na siyang paghintayin."
"Opo nay. Sabihan niyo nalang po siya na pababa na ako."
"O siya sige."
Inayos ko pa ng kaunti ang mukha at ang suot ko bago tuluyang bumaba.
Nang makarating na ako sa labas ay nakita ko si Light na prenteng nakasandal sa kotse niya habang nag-iintay sa akin. He looks so dashing with his looks today. Well lagi naman.
Sakto namang umangat ang tingin niya at nakita niya ako.
"Hey.." He said saka lumapit sa akin
"Sorry for waiting."
"It's okay and you look stunning by the way baby." Sambit niya at bahagya namang uminit ang pisngi ko. Lagi talaga akong namumula sa tuwing pinupuri niya ako.
"Thank you. Ikaw rin naman sobrang gwapo mo rin ngayon." I told him too.
"Kaya nga bagay tayo baby." He said then ninakawan ako ng halik sa labi.
After that ay inalalayan na niya ako papasok sa sasakyan niya at umalis na kami papunta sa party na dadaluhan namin.
Kinakabahan ako dahil sa pupuntahan namin. Hindi ito ang first time na dadalo ako sa isang formal party pero naninibago ako kasi hindi ko kasama si mommy at daddy.
Mas lalo naman akong kinabahan ng tumapat na kami sa harap ng venue na pagdadausan ng party at maraming camera ang nakabantay sa labas.
"You okay baby?" Light asked at mukhang nahalata niya na hindi ako mapakali.
"I'm..I'm just nervous. This is the first time kasi na dadalo ako sa party gaya nito na hindi kasama si Daddy o kaya si mommy." I told him kaya hinawakan naman niya ang kamay ko ng mahigpit.
"I'm here so don't worry." Anito kaya tumango nalang ako sa kanya.
You can do it Xyrish. Masanay ka na dahil ito na ang totoong mundong gagalawan mo.
Gaya kanina ay inalalayan niya ulit ako para makababa ng maayos sa kotse niya.
"Lets go beautiful?"
"Yeah." I uttered then nagsimula na kaming maglakad papasok.
We aren't that famous kaya walang reporter na dumalo sa amin na ipinagpapasalamat ko ng lubos.
BINABASA MO ANG
My Kind of Light ✔ [Completed]
ChickLitLight. When Xyrish heared about that word before, she already thinks that it is the one who will save you from darkness. When there's no light, you cannot see everything in the dark or at night. Who wouldn't like the light if it is the only one who...