Prologue

120 5 0
                                    

"What's up! Mga ka-boss! Welcome to our channel!" Sigaw nilang tatlo.

Pinindot ko ang button ng camera para itigil ang video.

"Mga ugok! Ba't ganyan mga reaksyon nyo. Ayusin nyo naman!" Pareho nila ko tinaasan ng isang kilay.
"Mas ugok ka! Tumatakas ka lang sa content ng video natin. Style mo bulok, Rey!" Inagaw ni Daze ang camera sa kamay ko. "Doon ka na nga! Gawin mo na ang pinapagawa namin sayo para matapos na 'to! Alis na! Sho!" Pagpapataboy nya sakin na parang aso ako. "Endo at Yso, handa nyo rin mga camera at pumunta na sa mga pwesto nyo!" Utos nya pa sa dalawa naming kaibigan.

Apat kaming magka-kaibigan. May sarili rin kami na youtube channel. Ngayon, may mga viewers na nag-rerequest samin na gawin ang isang bagay. Ano iyon? Mahirap sabihin lalo na ako lang ang eeksena sa video. Punyemas! Natalo ako sa jack-en-poy kaya no choice.

"Rey. Yung tinuro namin na babae, sya ang lalapitan mo. Huh?" Aalis na sana ako kanina nang tawagin ako ni Direct Daze para sabihin yan.
"Oo, Direk."

Humalakhak sila Endo at Yso. "Good luck, Boss!" Aniya nila.

Napailing ako. Alam ko na pinagtripan nila kong tatlo kaya ang saya saya nila. Mga ulol talaga! May araw din sila sakin.

Pumunta na ko sa lobby ng department namin at kunwari na tumambay doon. Ang mga kaibigan ko naman ay naka-pwesto na sa di kalayuan sakin habang simple na hinahawakan nila ang kanya-kanyang camera.

Inayos ko ang mini mic na nakasabit sa uniform ko. Wala naman talaga problema sakin kung ako ang gagawa nitong request nila. Hindi sa pagyayabang. Alam ko na magiging successful ang vlog na 'to. Smirk.

Hinanda ko na ang pera na nasa bulsa ko nang makita ko na ang babae na tinutukoy nila. Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader.

"Psst! Ate, 143!" Tawag ko sa babae nang madaanan nya ko.

Napatigil sya. Halata sa mukha nya ang gulat at pagtataka.

"A-ako?" Sabay turo sa sarili nya.

Binigyan ko sya na matamis na ngiti para mas mahulog sya. Shet! Para sa vlog.

"Oo, ikaw nga, ate." Kumunot ang noo nya.
"Anong sabi mo kanina? 143? Bakit?"

Mas lumapit ako sakanya. Huminto na ko nang umatras sya.

"Can I be with you in 14 days and will date you in 3 hrs?" Malambot kong tanong. Kasing lambot ng mamon. Heh.

Kinuha ko ang isang kamay nya at inilagay ang 143 pesos sa palad nya.

"What the.. shet! Ano to!" Tumaas ang tingin ko sakanya. Nagulat sa mura nya.
"Tanggapin mo, ibig sabihin pumapayag ka sa gusto ko." Binitawan ko ang kamay nya.

Hindi ganyan dapat ang nakikita ko na reaksyon mula sakanya. Kung ibang babae 'to, kikiligin na yun at agad na pumayag sakin.

Masama nya ko tiningnan. Nakikita ko na rin ang inis nya sa mukha.

"Kuya, wait lang huh!" Napapikit ang isang mata ko dahil sa diin nya sa 'kuya.

Bumaba ang tingin nya sa pera. Napataas ang isang kilay ko dahil tumagal ang titig nya roon.

"I can't accept your offer." Umangat ang tingin nya sakin at pinandilatan ako. "At alam mo ba kung anong meaning sakin ng 143? huh?"

Magsasalita na sana ako pero agad nya rin ako inunahan.

"Ibig sabihin 'yun, I.Hate.You!" Mabilis nya kinuha ang kamay ko at sinauli ang pera sakin.

Tinarayan nya muna ako bago umalis sa harapan ko.

Napanganga nalang ako sa nangyari. Sira ang vlog namin. Bakit hindi nya tinanggap? Humigpit ang hawak ko sa pera.

Wala akong balak na habulin sya. Naiinis din ako.

"Wag nyo yan ilagay sa youtube!" Agad kong sabi sa tatlo kong ugok na kaibigan.

Nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa ngisi nila. Huta! Di pa ko sineseryoso. Inis ko tinanggal ang mini mic sa uniform ko at binato kay Daze na agad din naman sinalo.

"Boss, relax! Hindi na natin uulitin." Aniya ni Ende habang tumatawa pa.
"Uulitin natin." Diin kong sabi. "Pero, hindi na sa babaeng talkshit na yun!"
"Pfft. Ayos na ang video ngayon, Boss. Pwede na 'to." Sinamaan ko ng tingin si Daze.

Sa kabadtripan ko ay iniwan ko silang tatlo pero agad din bumalik nang may napagtanto.

"Teka! Kilala nyo ba ang babae na yun? Huh? Kaya sya ang gusto nyo na lapitan ko dahil alam nyo na mangyayari ito?" Seryoso kong tanong pero tinawanan lang nila ulit ako kaya irita ko na ginulo ang buhok ko. Mga siraulo!
"Hindi, Rey. Wala kaming alam sa babae na yun." Sagot ni Yso.

Maniniwala ba ko kung tinatawanan nila ko?

"Pero, dahil sa ginawa nya ngayon, kilalanin namin sya para sayo, Boss." Ngising sabi ni Endo.

Napangiwi ako at tinalikuran na sila. Mga langhiya!

"Boss, ipapamagat namin 'to sa youtube na 'Psst! Ate, 143! Malaking sablay!" Natatawang sigaw ni Daze.

Kahit malayo na ko, naririning ko pa rin ang halakhak nila. Tss! Napatingin ako sa pera na hawak ko pa rin hanggang ngayon. Naalala ko bigla ang itsura ng babae.

Sa sobrang inis ko ay hinagis ko ang pera sa gilid. TNgina! Ang ganda-ganda ng sinabi ko tapos hindi lang sya papayag? Pakipot.

Dumilim ang paningin ko nang makita ko ulit ang babae. Naglalakad sya papunta sa bathroom. Iniwas ko na ang tingin sakanya at lumayo na.



DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved ©2020. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

PLAGIARISM IS A CRIME.

WARNING: bad words and also error such as wrong grammar, typo, and etch.

14 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon