Tahimik ang buong corridor ng second floor sa department namin dahil lunchbreak na. Hindi na sana ako babalik dito kung wala ako nakalimutan. Tamad ako bumaba ng hagdanan.Papalapit na ko sa lobby nang makita ko ang isang lalaki na nakasandal sa pader. Napayuko agad ako dahil parang nakatingin sya sakin.
"Psst! Ate, 143!"
Lalampasan ko na sana sya nang marinig ko 'yun kaya napatigil ako at napatingin sakanya.
"A-ako?" Sabay turo ko sa sarili dahil baka hindi ako ang tinutukoy nya.
Mas lalo ako nagtaka dahil nginitian nya ko with matching labas ngipin pa. Endorser ba sya ng colgate? close up? o bioderm? Teka, bioderm? Sabon yun ah, hindi pastetooth--toothpaste pala.
"Oo, ikaw nga, ate." Naalala ko ang sinabi nya kanina kaya kumunot ang noo ko lalo na ako pala ang tinutukoy nya.
"Anong sinabi mo kanina? 143? Bakit?"Mas lumapit sya sakin na pinagtaka ko. Sa sobrang lapit nya ay napaatras na ko. Ane be? Aamin ba sya sakin kaya may 143? Meaning I-Love-You, charot.
"Can I be with you in 14 days and will date you in 3 hrs?" Tila sa malambing nyang tanong.
Sa sinabi at boses nya ay parang may kung ano na gumalaw sa tyan ko. Ito ba sinasabi nila na butiti? Mali, butterfly in stomach ata yun? Mas mali. Gutom lang 'to kaya kumukulo na.
Akala ko aamin na sya sakin. Gusto nya muna pala ko maging kasama ng 14 days at teka! Ang tagal naman ng date namin, 3hrs? Papagurin ba nya ko? cheret!
Kinuha nya ang kamay ko na akala ko ay mag-holding hands na kami, yun pala ay may nilagay sya na pera sa palad ko. PERA? Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan gulat.
"What the.. shet! Ano to!" Bulalas ko.
Alam ko na pera 'to pero bakit one hundred forty three lang?
"Tanggapin mo, ibig sabihin pumapayag ka sa gusto ko." Binitawan nya ang kamay ko.
Wala syang balak na dagdagan? Masama ko syang tiningnan dahil sa inis. Ang kuripot nya!
"Kuya, wait lang huh!" Bumaba ang tingin ko sa pera.
Sayang kung ibabalik ko pero mas sayang kung hindi nya dadagdagan. Duh! Gusto nya ko makasama ng dalawang linggo at ito lang ang suhol nya sakin? Syempre, dapat hindi ganitong halaga na pera. Gusto ko MALAKI! Parang daks ba, chereet!
"I can't accept your offer." Umangat ang tingin ko sakanya.
Pinandilatan ko sya para sabihin na dagdagan pa nya pero mukhang hindi nya na-get-gets aw!
"At alam mo ba kung anong meaning sakin ng 143? huh?" Sana dagdagan mo ng 1k para maging 1,430 na.
Hindi ko na sya hinayaan na magsalita dahil agad ko sinabi ang gusto ko iparating.
"Ibig sabihin 'yun, I.Hate.You!" Mabilis ko kinuha ang kamay nya at sinauli ang pera sakanya dahil baka itakbo ko pa iyon sakanya.
I hate you dahil ang kuripot mo magbigay. Tinarayan ko sya bago umalis. Ayoko na tumagal sa harapan nya.
Lakad takbo ako na lumayo sa lalaki at nang makalayo na ay huminto ako para ipahinga ang sarili. Sa totoo lang, kanina pa ko kinakabahan sa harap ng lalaki. Nagulat din ako sa alok nya pati ang pera na nilagay nya sa kamay ko.
Pwede ko naman tanggapin ang pera nya pero ang alok nya ay hindi. Duh! Hindi ko nga sya kilala, papayag pa sa gusto nya? Hindi ko rin alam kung anong kinain ng lalaki na yun at ako pa ang gusto na makasama ng dalawang linggo. Balak ba nya ko e-girlfriend? Sana ligawan nya muna ako, cheret! Ang lantod naman.
Kung gusto ko dagdagan ang pera na binigay nya, edi dapat sinabi ko na pero hindi makapal ang mukha ko para sabihin iyon sa harap-harap nya.
Ako ang tipo na tinatago ang totoo kong nararamdaman sa loob. Ayoko ilabas kung ano ang gusto ko. Kung may gusto man ako ilabas ay gagawin ko sa makinis na paraan, hindi sa kapal.
"Sunade! I--iniwan na nila tayo d-dahil ang tagal mo raw." Utal na sabi sakin ni Mayena.
Tinaasan ko sya ng kilay kaya napayuko agad sya. Marami na nagsasabi sakin na ang seryoso ko raw masyado, pero hindi nila alam na may mga kalokohan din akong iniisip.
"Sana sumunod ka nalang sakanila." Umiling sya.
"Wa-wala kang kasama."
"Pupunta lang ako sa bathroom." Napatango sya.Ayos lang sakin kung pagbalik ko ay wala na sya rito. Sanay na ko na iniiwan ako. Awit! Bow!
Pagkatapos ko ayusin ang sarili sa bathroom ay lumabas na ko at nakita ko pa rin si Mayena na naghihintay sakin. Sana all hinihintay! Papalapit na ko sakanya nang may mapansin ako sa gilid.
Totoo ba 'tong nakikita ko? May pera sa gilid! 143 pesos. Agad ko 'yun nilapitan dahil pamilyar sakin ang itsura ng pera. Pagdating sa pera, lumalinaw agad ang mga mata ko. Kapal ng mata ko noh?
Pera 'to ng lalaki kanina, bagong-bago. Itinapon nya dito? What the she-shayang!
BINABASA MO ANG
14 Days With Him
HumorKikiligin ka lang pero masasaktan ka rin dahil walang kayong label.