Chapter 05

18 2 2
                                    


Ilan ulit ko pinanood ang bagong vlog ng pro boss sa youtube. Totoo nga na nandoon ako. Ito pala ang dahilan kaya nilapitan ako ni Reyjie. So, trip-trip lang nya na alukin ako na makasama ng 14 days at makadate ng 3 hrs para sa vlog nila. Tss! Buti nalang, hindi ako pumayag.

"Psst! Ate, 143. Malaking sablay!" Tawang sabi ni Jero na nakikiusyuso na samin.

Yun ang title ng video. 6 hrs ago palang nila inapload at umabot na agad ng 1 million views. Binasa ko rin ang mga comments, may mga natuwa at syempre, may iba na galit sakin dahil hindi raw ako pumayag. May mga nakita nga ko na nag-comment pa ng pangalan ko.

"Famous ka na, Ate!" Asar ni Daniel.
"Famous dahil maraming basher." Humalakhak si Jero.

Masama ko sila tiningnan para tumigil sila pero hindi nila ko pinansin.

"Kayong dalawa, umalis na kayo dito!" Inis kong sabi.

Pareho sila umiling at umupo sa harap ng mesa. Tamad ako napairap.

"Ngayon ko lang nalaman na schoolmate kayo ng mga myembro ng pro boss. Hindi sila nag-va-vlog sa school nila, ngayon lang."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Daniel. Mahilig sya manood ng youtube. Ayaw ko na nga lagyan ng data ang wifi namin pero na-aawa ako sakanila. Puro kasi sila 'ate ng ate kapag nawawalan ng data.

"Ate, bakit hindi ka pumayag sa alok ni Kuya Reyjie? Akala ko ba mahilig ka sa gwapo." Parang may pumitik sa tenga ko dahil sa sinabi ni Jero.
"Kailan mo pa sya naging Kuya, Jero?"
"Dapat ko naman talaga sya na tawagin na Kuya dahil mas matanda sya sakin."

Bumuntong hininga nalang ako.

"Ano nga, ate? Bakit hindi ka pumayag?" Tanong naman ni Daniel.

Ang chismoso nilang dalawa.

"Hindi mahilig sa gwapo si Ate. Tama naman ang ginawa nya na hindi sya pumayag dahil hindi nya kilala ang lalaki." Seryosong sabi ni Wayne.

Napangiti ako. May kakampi rin ako. I lab you talaga kapatid. Akala ko tatahimik na ang dalawa pero nagsalita na naman si Daniel. Ang kulit.

"Pero, Ate, pwede ba ko bumisita sa school nyo para makita sila Kuya Daze?" Naningkit ang mga mata ko.
"Nahahalata na ko, huh, idol nyo ba ang apat na yun?"
"Oo, Ate. Astig ng mga vlog nila." Agad na sagot ni Daniel.
"Hindi ko sila idol, pero isa ako sa viewers nila. Nakakatuwa mga vlog nila." Sagot naman ni Jero.

Napasulyap ako kay Wayne at abala na ito sa pagluluto. Alam ko na wala sya interesado sa pro boss, pareho nga namin hindi kilala ang mga myembro ng pro boss nung una. Wala rin sya hilig na manood ng vlog.

"Hindi ka pwede pumunta sa university namin, Daniel. Atsaka, hindi ko ka-close ang pro boss."
"Ayos lang, Ate. Alam ko naman na soon magiging ka-close mo sila." Napangisi ulit si Daniel.

Tiningnan ko si Jero at nginisian lang din nya ko. Anong problema nila? Umalis nalang ako sa kusina at pumunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko palang ng cellphone ko ay agad ko nakita ang message ni Mayena sakin.

"Sunade, nasa vlog ka ng pro boss. Mas mabuti na wag ka pumasok bukas." Basa ko sa message nya.
"Bawal ako umabsent, may quiz." Text ko sakanya.

Dudumugin ba ko ng fans ng pro boss bukas? Duh, hindi ako natatakot. Umupo ako sa kama at pinindot ang messenger app sa phone.

Ang daming message request, yung iba naman ay galing sa mga kaklase ko at kakilala. Puro tungkol sa bagong vlog ng pro boss ang message nila sakin. Paki ba nila kung tumanggi ako!

Huwebes pa nangyari ang paglapit sakin ni Reyjie at hindi ko rin naisuli ang pera nya. Nung byernes naman ay hindi ko sya nakita kaya nang dumating ang sabado, kahapon ay di ko sinasadya na gastusin ang 143 pesos. Pinambili ko ng meryenda namin dahil walang barya, akala ko kasi pera ko 'yun.



Mag-isa ako naglalakad papunta sa department namin. 9 am ang simula ng klase namin. Katamad na pumasok. Puyat pa ko dahil sa kakareview para sa tatlong quiz namin mamaya. Hirap maging studyante, lalo na may inaasikaso pa ko ng tatlong kapatid.

Papalapit na ko sa lobby nang mapansin ko ang tingin ng ibang studyante sakin. Heh! Alam ko ang ibig sabihin ng tingin nila. Nagbubulungan pa sila, eh rinig ko naman. Tungkol 'to sa vlog na kumalat. Hindi naman big deal ang video na yun, ah.

Wala akong kasalanan kaya hindi ako magtatago dahil lang sa walang kwenta nilang tingin sakin.

Di ko tinanggal ang tamad kong mukha para makita nila na wala-akong-paki sa vlog na 'yan.

Nang lampasan ko na ang lobby ay huminga ako ng malalim. Nasa first floor ang room namin para sa klase ngayon kaya dire-diretso lang ang lakad ko.

Papaliko na sana ako nang makasalubong ko si Reyjie. Shuta naman! Kinabahan ako!

@ManangSshh

14 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon