Chapter 07

16 2 0
                                    


"Sunade! May naghahanap sayo!" Tawag sakin ng classmate ko.

Alam ko ang eksena na 'to. Napapanood ko sa mga palabas. Sino ba ang taong gusto makipagkita sakin? Syempre, si Reyjie. Pumunta pa sa room ko, ang effort nya.

Hindi ako tumayo. Tinatamad ako harapin sya. Ang ibang kaklase ko naman ay umaalis na dahil oras na para sa lunch. Mamaya na ko aalis kapag wala ng naghahanap sakin.

"Hoy! Sunade, si Ma'am Fortez nasa labas. Hinahanap ka, wag mong paghintanyin." Saad ng isang kaklase ko. Hindi sya ang tumawag sakin kanina, si classmate 'yun na mahilig magpabomba.

Agad ako tumayo at sinuot ang bag ko. Kainis na classmate, kung tatawagin nya ko ay sana sinabi na nya kung sino ang naghahanap sakin. Akala ko tuloy si Reyjie.

"Ok po, Ma'am Fortez. Isasauli ko ang libro bukas sa library. Nakalimutan ko po kasi na dalhin ngayon." Napatango sakin si Ma'am at umalis na.

Nakakahiya kay Ma'am, pinuntahan pa nya ko para sabihin na isauli ko ang libro. Isang linggo na ang libro na 'yun sakin kaso nakakalimutan ko isauli. Kung pera lang ang libro, sigurado na hindi ko iyon makakalimutan. Lagi ko MMK-- Maalala Mo Kaya ang pera, syempre!

Speaking of pera. Nakakalimutan ko rin pala 'yun. Nagastos ko nga ang pera ni Reyjie dahil nakalimutan ko na sya pala ang may-ari, kaya ito ako ngayon, walang pangsauli sakanya.

"Idol raffy, ganito po kasi iyon, hindi dapat ina-upload ni Reyjie ang video sa youtube dahil pinulot ko lang talaga ang pera para isauli sakanya. Wala naman talaga ako balak na angkinin iyon. Ang kaso nga lang ay naaksindente ko na nagastos ang pera nya. Kaya naman idol, pwede bang pautang ng 143 pesos para pangbayad sakanya? Nakabudget na kasi ng isang buwan ang pera na pinadala ng mga magulang ko. Ok lang ba, idol? Babayaran naman kita after one year." Mahabang sabi ko sa harap ng salamin at ngumiti pa ko.

Parang sira ako rito sa bathroom. Nagpa-practice lang naman ako kung ano sasabihin ko kay idol raffy kapag inapload na nga ni Reyjie ang video sa youtube. Mag-isa lang ako rito dahil sinigurado ko muna na walang mga tao sa tatlong cubicle bago ako magsalita sa harap ng malaking salamin.

Inalala ko ang mga sinabi ko at napagtanto ko na sobrang kapal ko pala kapag sinabi ko talaga iyon sa harap ni idol raffy. Pero mabait si idol, huh, balita ko namimigay pa yun ng pera sa mga nangangailangan. Idol, beke nemen.

"Ang tagal mo sa loob." Bungad sakin ni Mayena nang makalabas ako sa bathroom.
"Pagong ako kumilos." Sabi ko nalang.

Nasa 3rd floor pa rin kami ng department namin kaya bumaba na kami. Parang bigla na gusto ko dumaan sa likod ng department dahil sa nakita ko si Reyjie sa lobby. Pero kung doon kami dadaan sa likod ay baka matatagalan pa kami dahil medyo malayo ang lalakarin.

Papalapit na ko sa lobby. Kunwari di ko sya kilala. Hindi ko sya susulyapan. Kunwari, hangin lang sya.

Makakalabas na sana ako ng lobby kung walang humarang sakin. Agad ko nakita ang seryoso nyang mukha habang nakatitig sakin. Napansin ko rin ang gulat ni Mayena na nasa tabi ko.

"Wala ka talaga balak na makipagkita sakin?"
"Di ba halata?"
"Sobra." Sarkastiko nyang sagot.

Inirapan ko sya.

"Bakit gusto mo makipagkita sakin? Dahil ba sa video? Edi upload muna."

Hindi nya pinansin ang sinabi ko dahil lumipat ang tingin nya sa tabi ko.

"Ms. Pwede mo ba na iwan kami?"

Tiningnan ko si Mayena at pumayag sya sa gusto ng lalaki. Gusto ko sya pigilan at wag umalis pero pumayag na sya kaya wala rin silbi.

"Ano nga? May pag-uusapan ba tayo?" Tanong ko nang lumayo na samin si Mayena.
"Samahan mo ko."
"Saan? Bakit?"
"Canteen."

Binalaan nya ko ng tingin bago tumalikod sya sakin para mauna maglakad. Akala ba nya, tatakas ako? Balak ko nga pero hindi matatapos 'to kapag hindi ko sya haharapin.


"Sure ka? Libre mo?" Parang gusto kuminang ang mga mata ko dahil sa sinabi nya na ililibre nya raw ako ng lunch. "Nakakahiya naman." Kunwari kong sabi para hindi nya mahalata na gusto ko talaga.

May magandang naidulot pala ang pagsama ko sakanya rito.

"Oo, libre ko. Ayaw mo? Ok lang kung tumanggi ka."
"Ayos lang naman sakin kung ililibre mo ko!" Mabilis kong sagot.

Sabay na kami pumunta sa counter. Hindi pala sya kuripot. Ang bait nya. Dapat hindi ko talaga sya hinuhusgahan agad.

"Dalawang rice, dalawang lumpiang shanghai at isang pinakbet." Saad ko sa tindera.

Akmang kukunin na ang tray ko nang marinig ko ang sinabi ni Reyjie. "Isang rice at pinakbet sakanya."

Unti-unti tumalim ang tingin ko sakanya. "Hindi 'yan gusto ko." Tinaasan nya ko ng kilay.
"Pera ko kaya ako ang magdedesisyon."

Humigpit ang hawak ko sa tray. Sa inis ko ay iniwas ko na ang tingin sakanya at bumaling sa tindera.

"Ako na ang magbabayad kaya ang naunang order po ang gusto ko." Binigay ko na ang tray sakanya.

Nang ibalik na sakin ang tray na may tamang laman na gusto ko ay hindi ko pa rin kinuha ang wallet ko. "Ate, sya ang magbabayad sa pagkain ko dahil nasa sakanya pala ang pera ko." Tinuro ko pa si Reyjie at peke na ngumiti sakanya.

Bago pa sya umangal ay umalis na ko sa counter. Bahala sya. Mali ang inisip ko kanina, ang kuripot nya pa rin.

"Ang sinungaling mo. Abusado pa." Rinig ko agad kay Reyjie.

Nilapag nya ang tray nya sa mesa at umupo sa harapan ko. Napatitig ako sa pagkain nya. Isang rice, friend chicken at tubig. Yan lang? Yan lang kakainin nya? Lumipat ang tingin ko sa katawan nya at pinagmasdan sya. Medyo payat sya. Hindi naman pangit sa paningin ko ang katawan nya. Gusto ko malaman kung may abs din ba sya kahit ganyan ang katawan nya. Hmm.

"Kakainin mo ba ang katawan ko?" Binaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay.
"H-hindi ah! Kapal mo."

Uminom ako ng tubig at napatikhim nalang.

"Yan lang kakainin mo? Pwede ka kumuha ng pinakbet. Pera mo naman 'tong pinambili." Aniya ko para hindi nya ibalik ang tanong kanina.

Walang sabi na kumuha talaga sya ng pinakbet gamit ang kutsara nya. Inilagay nya 'yun sa ibabaw ng kanin at sumubo ng isang kutsara sa bibig nya. Kumuha ulit sya ng pinakbet sa bowl kaya napangiwi ako. Napatigil sya sa pagkain dahil napansin nya na hindi pa ko kumakain.

"Pwede ba kumuha ka ng bagong kutsara." Inunahan ko na sya bago pa sya magsalita.

Kumunot ang noo nya na para bang hindi nya naintindihan ang sinabi ko kaya napatingin sya sa kutsara nya at sa pinakbet.

"Wag kang maarte. Walang virus ang laway ko." Sabi nya nang magets ang gusto ko sabihin. "Kung ayaw mo kumain ng pinakbet edi wag. Gaya ng sinabi mo kanina, akin naman 'tong pera."

Inagaw ko na sakanya ang bowl na may laman na pinakbet. Nakakarami na sya ng kuha kaya ako naman. Wala na kong paki kung magkahalo-halo ang laway namin dalawa. Ang mahalaga, may ulam ako.

"Sya na ba si Mr. Right? ♪ Sya na ba ang pinakbet na ibabaw sa kanin mo? ♬"

Di ko nilingunan ang lalaki na dumaan sa mesa namin dahil ang pangit ng kanta lalo na ang boses nya. Di worth it para tingnan.

@ManangSshh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

14 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon