I'm currently taking Bachelor of Elementary Education as a first year college student in one of the university here in Philippines. Nung bata pa ko, pangarap ko maging teacher. Tinanong kasi ako ni Papa kung anong gusto ko raw kapag matanda na ko, ang sagot ko naman ay gusto ko maging doctor. Opo, doctor pero binawi ko rin agad at sinabi na teacher pala ang gusto ko."Where's the group of Ms. Nuevo? Please come here infront and prepare your powerpoint." Saad ni Sir.
Takte naman! Absent pa ang leader namin kaya mukhang ako pa ang magbibigay ng rason. Sinamaan ko ng tingin ang kaklase ko na nagsabi na kami ang magre-report ngayon. Hindi nya 'yun nakita dahil nakatalikod sya sakin. Bibig nya, lumalabas fake news.
Tinaas ko ang kamay ko para mapansin ako ng prof namin at tumayo na rin.
"Sir, our topic was assigned to report for tommorow."
Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin. Hindi ako nagpatinag sa mga matatalas nilang tingin at pinatili ko lang ang pagiging seryoso.
"So, what's your topic?" Pumunta sya sa mesa nya at kinuha ang libro.
"It's about the expedition of magellan."Pinaupo na nya ko nang makita na tama ang sinabi ko. Tinawag nya ang grupo na magrereport ngayon. Ang resulta, senermonan sila dahil hindi agad sila kumilos para sa report nila.
Wala rin pala leader nila kaya hindi pa sila nagsisimula. Sana naman agad sila sumagot kanina na sila pala ang reporter ngayon, tinawag pa ang pangalan ko. Huta! Kinabahan tuloy ako kanina. Hindi pa ko prepared sa report namin at wala rin ako alam, ang alam ko lang ay title ng topic namin.
"Sorry, Sir. We are late." Agad sabi ni Lance nang dumating sila.
Kasama ni Lance ang isang kagrupo nya na dumating. Lumapit agad sila sa prof namin para sabihin ang rason kung bakit sila nahuli sa klase.
Ehem! Si Lance pala ang leader ng grupo, at kaya pala nahuli sila dahil umattend sya ng meeting sa edu society. Ehem! Myembro sya ng society dahil matalino sya, athletic, may talento at gwapo rin hihih! Full package, pwede ko na iuwi sa bahay, cheret! Ang Lantod. Ehem! Crush ko po sya kaya ganito iniisip ko. Ehem! Ehem! Ehem!
Tumagal ang klase namin sa history ng isa at kalahating oras. Sabi nila, kapag history ang subject, boring pero para sakin, hindi. Si crush kese eng nese herepen! Hindi lang ako ang interesado sa mga paliwanag ni Lance, pati ang iba mga malalanding kong kaklase. Duh! Kunwari lang sila nakikinig, pero ang pakay talaga nila ay titigan si Lance.
Kapag nag-crush back sakin si Lance, huyo sila sakin. Haharangan ko ang mukha ni Lance para walang makatitig sakanya. Cheret lang!
"Sunade!" Parang may mga paru-paru na sumasayaw sa tenga ko nang tawagin ako ni Lance.
Pinigilan ko na ngumiti at kunwari na seryoso sa harapan nya.
"Beke--Bakit Lance?" Matigas kong tanong. Muntikan na lumambot.
Ayaw ko maging pabebe sa harapan nya. Baka mahalata nya na may crush ako sakanya. Walang thrill sa crushlife ko kapag nalaman nya may crush ako sakanya. Kimidora!
"May meeting tayo bukas sa library para sa group activity na ipapasa natin sa art." Yun lang ba ang sasabihin mo, Lance?
"Sige, pupunta ako bukas."Parang gusto ko himatayin nang nginitian nya ko. Shems! Umalis na sya sa harapan ko at nahuli ko ang matatalim na tingin ng ibang babae kong kaklase. Sinimangutan ko sila at kinuha na ang bag ko para umalis sa room.
May kalahating oras pa bago ang next subject namin kaya napagdesisyon ko na tumabay muna sa kiosk. Sumunod naman ulit sakin si Mayena.
"Sunade, sama ka? Bibili kami ng meryenda." Alok ni Bianca.
"Hindi." Tipid kong sagot at napangalumbaba sa mesa.Ang aga pa para kumain ng meryenda. Baka mamaya'ng alas-kwatro ay gugutumin ako. Tumaas ang tingin ko sa langit. Ang ganda ng panahon, konting ulap lang ang nakikita. Kung wala ako rito sa loob ng kiosk ay baka naluto na ko ng araw dahil sa init.
Napahikab ako. Gusto ko matulog. Gusto ko humiga. Pipikit na ang mga mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki kaya napatuwid ako ng upo.
Dalawang kiosk lang ang layo ng pagitan namin dalawa. May kasama rin sya sa kiosk na tinatambayan nya. Apat lang sila sa loob. Naalala ko ang pera na pinulot ko kanina.
Maraming studyante na tumatambay ngayon kaya nakakahiya naman kung pupuntahan ko sya. Yes! May hiya pa rin naman ako sa mukha.
"Kilala mo si Reyjie?" Napalingon ako kay Mayena.
Kanina pa sya sa tabi ko pero ngayon lang sya nagsalita.
"Reyjie? Hindi."
"Akala ko, kilala mo dahil nakatingin ka sakanya."Ang pangalan ng lalaki na lumapit sakin kanina at tinitingnan ko ngayon ay Reyjie. Hmm.
"Magkilala kayo?" Tanong ko sakanya.
"Hindi nya ko kilala. Nakilala ko lang sila dahil sa vlog nila." Napakunot ang noo ko.Tila nawala ang antok ko sa katawan dahil mukhang may interesado kami na pag-uusapan.
"Nanonood ka pala ng vlog." Komento ko sakanya.
"Uhm, oo."
"Pwede mo ba sabihin ang tungkol sakanila?" Nakita ko ang gulat nya sa mukha.
"B-bakit?"Mahina ako napabuntong-hininga dahil bumalik ang pagka-utal nya.
"Boring kung hindi tayo mag-usap ngayon." Palusot ko.
Gusto ko rin na magsalita sya, ok?
BINABASA MO ANG
14 Days With Him
HumorKikiligin ka lang pero masasaktan ka rin dahil walang kayong label.