🖤15🖤

0 0 0
                                    

JC's POV.

Nung dumating na kami sa resort agad agad akong bumaba sa van at pumunta sa kwarto ko . Naabutan ko naman si athena na nagliligpit ng higaan . Pagkarating ko sa kama ko agad agad akong humiga kasi ang sakit ng balikat kong tumama nung itinulak  ako ng lalaking may saltik na yun . Masyado akong naging kampante kanina sakanya kaya diko lubos maisip na itutulak nya ako .

Oh andyan kana pala? Saan kayo nagpunta at saan kayo nagpalipas ng oras? Tanong ni athena

Sa hideout natin , nasira kasi yung Van maikling sagot ko dahil sumasama na yung pakiramdam ko

Eh bakit ganyan ang itsura mo? Tanong ni athena tsaka sya lumapit saakin at hinipo nya ang noo ko

Nilalagnat ka ah , nabasa kaba ng ulan kagabi? Nag aalalang tanong ulit nya

Oo , tsaka wag ka ng mag alala dyan itutulog kolang to okay na ako mamaya . Mauna kanang kumain sa baba at ayokong may mang iistorbo sa tulog ko . Sabi ko sakanya

Kumain kana muna at maka inom kana ng gamot sabi naman nya

Athena , okay nga lang ako wag kanang makulit at wala ako sa mood ngayon . Wag kanang magsalita at matutulog na ako sabi ko sakanya . Narinig ko nalang syang nag buntong hininga . Ilang minuto lang narinig ko ang pagsara ng pinto meaning  lumabas na sya . Tinignan ko kung anong oras na at 7:37 am palang .

Hindi naman ako gutom at tanging nararamdaman kolang ngayon yung sakit ng balikat ko at sakit ng ulo ko . Kahinaan ko talaga yung ulan pag minsan , lately kasi stress ako kaya minsan wala akong ganang kumain . Ni hindi na nga ako nakakapag ensayo or gym man lang kaya humina resistensya ng katawan ko . Maya't maya pa bumabahing na ako at inuubo . Buti nalang wala dito si athena kung hindi mag hehestrikal yun. Napaka OA nun minsan eh .

Kaya ang ginawa ko nalang natulog nalang ako . Zzzzzzzzzz

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa yugyog ni athena sakin

Jc bumangon kana dyan kumain kana sabi ni athena saakin kaya minulat ko nalang yung mata ko at tinignan sya ng masama

Diba sabi ko ayokong inaabala yung tulog ko? Kakain naman ako kapag gutom ako pagsusungit ko sakanya

Kaya nga , eh kaso 1pm na di kapa din kumakain . Nag aalala nadin yung mga kapatid at lola mo sayo . Sabi naman nya . Napairap nalang ako at pinagsisihan ko kaagad dahil nahilo ako lalo .

Wala akong ganang kumain . Wag na wag mo silang papapasukin dito sa kwarto . Kung lalabas kaman i lock mo yung pinto at magdala kanalang ng susi . Matutulog ulit ako . Sabi ko sakanya

Kainin monalang yung dinala ko sayong pagkain at uminom kana din ng gamot . Inilagay ko doon sa  mesa . Sabi naman nya kaya ako tumango nalang ako at nagtalukbong ng kumot .

Nga pala aalis kami ngayon isinama ako ng lola mo sa Mall para mamili ng gamit . At para daw maibili din kita ng susuotin mo . Sabi naman nya

Para saan? Nanghihinang tanong ko sakanya

Sa pictorial daw , at video sa kasal ng kakambal mo . Kasi daw gagawa silang video kumabaga behind the scenes nung kasal at yung pag pri prepare nila . Sagot naman nya

Napaka arte naman nila . Sige na umalis kana pag inapi ka nila sabihin mo sakin sabi ko naman sakanya

Sge po , ayaw mo muna talagang kumain? Aalalayan kita . Di ako makakampante nyan hanggat nakikita kitang ganyan sabi ni athena

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 TraditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon