PROLOGUE

713 18 2
                                    


Traffic.

Sobrang traffic.

Halos kalahating oras na akong nakaupo sa taxi at mukhang kahit isang pulgada ay di nito magawang umabante. Mukhang uugatan pa nga ang pwet ko dito!

Tumingin ako sa labas ng bintana. Mga kotseng halos parepareho lang ang desenyo ang nasa labas, salitan lang sa pagbusina. Mga iritado sa mga kapwa nagmamanehong sumisingit sa linya.

Ibinaling ko ang aking paningin sa matandang lalaking nagmamaneho ng sasakyan. "Kuya, matagal pa ba?" Tanong ko.

Umiling-iling ito sabay kamot sa batok. "Opo, Ma'am. May naaksidente po kasi sa kabilang lane kanina. Hanggang ngayon inaayos pa rin nila ang mga naiwang sasakyan, pasensya na po," sagot niya sabay humingi pa ng paumanhin.

Napakamot ako sa buhok kong nakaayos. "Nagaantay na po siguro ang mapapangasawa nyo, Ma'am..." he said.

"Nako, kuya, baka masabunutan pa ako ng naghihintay sa akin. Dito nalang po ako, good bye!" sabi ko sabay bigay sa kanya ng nagiisang dalawang daan na kanina ko pa hawak. Tinakbo ko na ang daan papuntang simbahan.

Masasabunutan ako ng baklang 'yon dahil kalahating oras na akong late! Tatawagan ko sana si Caleb kaso narealize ko palang na naiwan ko pala ang cellphone kakamadali. Kahit yung pamalit kong damit ay naiwan ko rin, buti nga di ko pa naiwan ang veil ko eh!

Narinig ko pa ang sigaw ng driver. Yung sukli ko daw. Di ko nalang pinansin.

Ang dating mga naiinis na mga nagmamaneho ay bumaling sa akin at natawa. May iba pang kinuha ang mga cellphone nila para kunan ako ng video, yung iba chinicheer pa ako at congrats daw. Anak ng! Kung alam lang nila na photoshoot ang pupuntahan ko at hindi kasal.

Nang makarating sa simbahan, tumigil ako nang ilang saglit para habulin ang hininga ko. Shuta. Nahaggard ata ako kakatakbo. Nangangalay na rin ang pa ako sa walang hiyang heels na 'to.

Inaakyat ko pa ang ilang baitang para makapasok sa porta sancta ng simbahan. Nakasara ang malalaking pintuan nito kaya kinabahan ko. Nako! Baka napalitan na ako! Kinginang traffic kasi!

Marahas ko itong binuksan at pasigaw na bumati. "Sorry, I'm late!" I yelled. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kabuuan ng simbahan.

Ang ganda ng decorations ah, may budget! Halos mapuno ng iba't ibang uri ng bulaklak ang aisle ng simbahan. Kulang nalang yung bulaklak ng ipil-ipil. Shuta, garden ba 'to ni Eba? Isa-isa kong tiningnan ang mga tao sa loob. Lahat sila nakatingin sa akin.

At lahat sila nakasuot ng pangkasal!

Bigatin 'tong magazine na 'to ah!

"The bride is here!" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Lumapit siya sa akin at inayusan ako slight. Inilagay din niya sa buhok ko ang hawak kong veil.

Napaturo ako sa sarili ko. "Ako po?"

"Yes, ikaw nalang ang kulang. Galit na galit na si Mr. Higgins. You're thirty-minutes late," sagot niya. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa dulo ng altar. Mukhang kalmado na ito pero kitang-kita pa rin ang kung gaano siya ka-bad trip dahil halos magdugtong na ang kaniyang mga kilay.

Anak ng!

Legit na kasal pala ang napuntahan ko!

Sabi ni Caleb Sto. Nino Church eh!

Biglang tumugtog ng kung ano mang kanta 'yon at tinulak ako nang mahina ng babae. "Ikaw na ang lalakad , Ma'am..." she said.

"Ha? Shuta sandali..." sinubukan kong makausap ang babae, pero di niya ako pinansin.

Wala akong nagawa kundi lumakad nalang. Siguro mapapansin ng lalaki na mali ang bride niya. Oo! Ganoon nga!

Pero habang palapit ako nang palapit, mas bumababa ang tyansang makilala ako ng groom. Gusto ko nalang maiyak sa mga nangyayari. May groom bang di kilala ang bride niya??

Pati 'yung mga bisita at magulang ng groom di rin nila alam na mali 'yung bride niya.

"Bossing, mukhang mali ata ang bride mo," bulong ko sa groom na di manlang nagreact nang Makita niya ako.

Kumunot ang noo niya at tinitigan nang masama ang isa ring lalaki na nasa tabi niya. Sumilip rin ang lalaki at suminghap sabay takip sa bibig niya. Luh. Mukhang tanga.

Di ba kilala ng lalaking 'to ang mapapangasawa niya??

Ano? Nakapikit lang sila sa buong relasyon niya?

Napahilot siya sa kaniyang sintido at bumuga ng hininga. Ang bango shet.

Pasimple niya akong hinatak palapit sa kanya at ngumiti na halata namang plastic. "Lucky you..." he whispered. He leaned over to my ear. His breath sent shivers down to my spine.

"... 'cause you'll be married to me today."

__________________________________________________________________________________

Hello! I'll be editing this story. (づ ̄ ³ ̄)づ

I Will (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon