Chapter Four

278 14 0
                                    

"Mossing... pst... Mossing!"

"What is it? I told you to call me by name," he said while smiling to the guests.

"Di pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh," sagot ko habang kinakamot ang ulo.

Kanina pa kami naglilibot sa buong venue para batiin at kausapin ang mga bisita. Napakaraming bisita. Masakit at mukhang magkakapaltos pa nga ang paa ko kakalakad. 

Napakadaming bisita sa kasal. Inimbita ata ng lalaking 'to ang lahat ng mayayaman sa Pilipinas eh! Complete attendance ang mga senador ng bansa. Kulang nalang mag session sila dito sa venue. 

Nakausap namin si Senator Montenegro. Family friend pala ng mga Higgins ang senador at ninong pa namin! Sino ka diyan?

Nachismis pa niya sa amin ang balak niyang pagtakbo bilang bise-presidente sa darating na eleksyon at ang mga plano niya sa bansa kung sakaling ito ang manalo. Hangang-hanga ako sa kaniya at sa kaniyang unang asawa na sa kasamaang palad, ay pinatay sa loob ng kanilang bahay labing tatlong taon nang nakalipas. 

Kagaya ni Senator Nicodemus Montenegro, maraming nakabanggang makapangyarihang tao si Kirsten Montenegro dahil sa pagiging huwes nito. Naalala ko, siya ang naghatol ng reclusion perpetua sa anak ng gobernador ng isang probinsya dahil sa kasong rape at murder.

Maliban sa mga politiko, may iilang artista at mga modelo galing ibang bansa ang dumalo. Muntik pa nga akong mangisay nang makita ko ang lalaking bida sa teleserye na palagi naming pinapanood nina Niah kapag nasa hospital kami. Tuwang-tuwa naman sa akin ang aktor.

Nang malibot na namin ang buong reception hall, akala ko kakain na kami sa mesa namin. Yun pala, lalapit pa kami sa table ng mga magulang niya!

Wala nalang akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Ipinulupot niya ang kaniyang kanang kamay sa bewang ko at nakangiting naglakad papunta sa mesa ng kaniyang pamilya. "Everyone, this is my lovely wife, Nola Florentina." Pakilala niya sa akin.

Bago pa ako makapagsalita, lumapit na sa akin si Donya Adelaide. "You're perfect, iha! Please call me Lola from now on." Tuwang-tuwang sambit ng matanda. Bumaling ito sa kaniyang asawa at tinawag, "Benji! Come here!" 

Dahan-dahang tumayo ang dating chairman ng Higgins group para lapitan ang asawa nito. "Nola, dear, this is your Lolo Benji." sambit ng Donya. Halata sa mga mata nito ang pagkatuwa sa apo. May paghampas pa ito sa balikat ni Benjamin Higgins. 

"Benji, look at our granddaughter in-law! Isn't she perfect?" Tuwang-tuwa na sabi ni Lola Adelaide.

Kagaya ni Lola Adel, kitang-kita din ang pagkatuwa sa mukha ni Benjamin Higgins o Lolo Benji na ngayon. Inabot nito ang aking isang kamay at dahan-dahang hinaplos. "It's nice to finally meet you, Nola. Please call me Lolo Benji from now on," sabi niya.

Nginitian ko siya pabalik kahit na windang na windang na ako sa kanila. "Hello po, Lolo Benji." Bumaling ako kay Lola Adel, "Hello po, Lola Adel."

Di ko namalayan na lumapit na din pala ang mga magulang ni Aristotle. "Nola, I'm Sadie Higgins, Aries' mom, you can also call me Mama or Mommy, ikaw bahala..." sabi ni Sadie Higgins. Napakaganda ng ginang sa malapitan. 

Sadie Higgins is an embodiment of sophistication and grace. Napakapino ant kalkulado ng kaniyang mga galaw na kahit sa simpleng pagtayo ng ginang ay masasabi mong di basta-basta ang babaeng 'to. Iginiya niya ang kaniyang kamay patungo sa kaniyang asawa na si Agustus Higgins, ang kasalukuyang chairman ng Higgins Group. "This is my husband, and Aries' dad, Augustus." Pakilala ng ginang sa kaniyang asawa.

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako ni Augustus Higgins. "Welcome to our family, iha." bulong niya sa akin habang yakap ako.

"Salamat po..." sagot ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon