Chapter One

477 17 4
                                    


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isa sugo ni Satansa na katok nang katok sa pinto ng apartment ko.

Naiinis akong bumangon at ginulo-gulo ang buhok dahil sa inis. Putragis naman kasi! Parang kakapikit ko pa lang eh! Ang aga-aga ang lakas ng trip mambulabog!

Padarag akong naglakad palabas ng kwarto. Habang palapit ako nang palapit sa pintuan, palakas nang palakas naman ang boses ng isang pamilyar na babae. "Buksan mo 'to, Nola! Alam kong nandyan ka sa loob!"

Para bang may naglaro ng ice-ice water sa loob dahil natulos ako sa kinatatayuan ko. Shit shirit shit talaga! Anong petsa na ba? Tinitigan ko ang calendaryo na nakasabit sa likod ng pinto. "Hala ka! Deadline na pala ngayon, shutakelz!" sambit ko sabay takip ng aking bibig gamit ang kamay ko syempre.

"Hoy! Nola Florentina! Buksan mo 'tong pinto!" dali-dali kong inayos ang aking magulong buhok at isinuot ang hoodie na nakatiwang-wang lang sa sofa kasi wala akong bra bago binuksan ang pinto.

Ang dambuhalang katawan agad ni Mrs. Castillo ang bumungad sa akin. Nakaberdeng damit ang ginang na pinaresan ng perlas na kwintas. Nagmukha siyang lettuce sa damit niya. Namiss ko tuloy magsamgyup.

"Hello po, Madam! Hehe..." pakyeme kong bati sa kanya sabay ngit na may halong ngiwi.

Pumewang si Mrs. Castillo at matara na tumitig sa akin. Halos magsign of the cross ako dahil sa kaniyang mukha. "Alam mo ba kung anong petsa na?" tanong niya sa tonong parang sasakalin niya ako kapag mali ang isagot ko sa kanya.

Tumawa ako. Yung tawang alam mong masasapak ka na ni Satanas. "Grabe naman, madam! Dumayo ka pa talaga rito para magtanong kung anong petsa na? Wala ba kayong calendar?"

Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. "Anong calendar ang pinagsasabi mong animal ka?"

"Di nyo alam?" kinuha ko ang calendaryo na nakasabit sa likod ng pinto at pinakita sa kaniya. "Eto po, oh. Wala ho ba kayong ganyan, madam?" dahil sa sinabi ko, binato niya ako ng kaniyang hawak na pamaypay. Buti nalang nakailag ako. Pinulot ko 'yon at binigay sa kanya na agad kong pinagsisihan dahil ipinamalo niya ito sa akin.

"Di ako nakikipag biruan sayo, Nola Florentina." Gigil niyang sambit habang patuloy na hinahampas ang kaniyang pamaypay sa akin. Napangiwi ako dahil sa tama ng pamaypay niya sa braso ko at sa pagtawag nya rin sa akin sa buo kong pangalan.

"Madam naman! Alam ninyo naman diba ang sitwasyon naming ng kapatid ko, diba?" sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

"Naiintindinhan ko kayo, Nola, pero intindihin nyo rin naman ako! Tatlong buwan na kayong di nakakapagbayad ng upa! Aba! May pangangailangan din ako 'no!" sagot niya sabay bukas ng kaniyang pamaypay at pinaypayan ang sarili.

"Natalo lang kayo ni Aling Cely sa mahjong eh," bulong ko sa sarili.

"Anong sabi mo?"

"Eh, madam! Walang wala talaga ako ngayon! Ang daming bayarin, nasa ospital pa rin si Niah eh!" sagot ko. Naalala ko naman ang kapatid kong kalahati ata ng buhay niya ay nasa hospital siya. Napabuntong hininga ako. Napakadami pa talagang bayarin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng ginang. Bigla akong nabuhayan ng loob. Sa tuwing bumubuntong hininga kasi ang ginang, ibig sabihin ay magbibigay siya ng palugit. "Dalawang araw." Sabi niya. "'Yan lang ang mibibigay kong palugit sayo. Kung hindi, maghanap ka ng malilipatan mo." May pinalidad niyang sabi at naglakad palabas.

Ako naman ang napahinga nang malalim nang makaalis ang babae. May kasama pang hilot sa sintido. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan si Caleb.

Si Caleb ay ang fairy godmother ko. Magbestfriend na kami ng baklang 'yon simula nang mabuo kaming dalawa sa sinapupunan ng mga nanay namin.

Dalawang rings lang ay sumagot agad siya. "Hello, sismars! Anong problemavility natin for todays video?" maarte niyang bati sa akin.

I Will (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon