Chapter Three

316 13 0
                                    



"Oy, teka! Sandali!" Pabulong kong sigaw kay mossing. Di ako prepared sa ganito!

Photoshoot pinunta ko, hindi kasal!

Luminga-linga ako sa buong paligid. Lahat sila ay nagtataka sa inaasta ko. Malamang ako 'yung bride eh! 'Asan ba ang pamilya ng bride? Ba't wala?

"Iha, is there something wrong?" Tanong ng matandang kamukha ni Queen Elizabeth. Si Adelaide Higgins, ang asawa ng dating Chairman ng Higgins Group.

"Uhh... ano po kasi... hin-"

"She's just nervous, 'la." Hinila ako ni Bossing sa papunta sa gilid kasama ang isa pang lalaki. Hinila niya ito mula sa kwelyo ng suot na polo. Nakita ko namang kinausap ng dalawa pa niyang mga kaibigan ang pari at ang mga magulang ni mossing.

Binitawan na niya ako at halos ihampas naman niya sa pader ang isa pa niyang kaibigan. Ganito ba silang magtotropa? May pahampas sa pader?

Teka.

Pamilyar ang isang 'to ah.

Kumunot ang noo ko. "Uy! Familiar ka!" Sabi ko sabay turo sa kanya.

Siya 'yung lalaking kaway nang kaway sa akin kapag nagluluto ako. Parang tanga lang.

He was about to smile and say something when Aristotle interrupted him. "Keegan, please tell me this isn't one of your pranks." Mariin niyang sabi sa lalaking Keegan ang pangalan.

Iwinasiwas ng lalaki ang kaniyang mga kamay. "Uy! Di ah! Pati nga ako nagtaka eh!" Pangdi-deny niya.

"Oo! Tanga lang talaga ako! Or si Caleb..." bulong ko at inalala kung Sto. Nino Church nga ba ang sinabi niya. "Ah, basta! Namali ako ng location! Photoshoot pinunta ko di kasal!" sabi ko para di mabangasan 'yung kaibigan niya. Sayang naman. May hitsura pa naman. Chariz!

Napapikit siya nang mariin at inilagay sa bewang ang kaniyang kamay bago hinilot ang sentido. Ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa akin. "You can't leave anymore. My family had seen you already. They will wonder if I send you away," sambit niya.

Nanlaki ang mat ako. "Aba! Ba't parang kasalanan ko pa ang lahat ng ito? With all due respect lang, bossing ha. Pero putangina lang!" Natawa yung kaibigan niya. Tumigil lang siya nang titigan na siya nang masama ni Bossing.

Bumaling nanaman siya sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan. "I'm really sorry if I had dragged you into this mess. I'll explain everything later and I'll promise you'll be comfortable with me," Di na ako nakapagsalita agad dahil hinila na niya ako pabalik sa altar.

"We're ready. Sorry for the delay," mahinahon niyang sabi habang ako ay nakatulala lang. Sinusubukan kong iabsorb ang lahat ng nangyayari. Sa sobrang bilis nito ay di ko namalayang maga-I do na pala.

"Do you, Nola, take Aries as your lawfully wedded husband?" tanong ng pari.

"Huh? Oo... oo.. I do po." Narinig ko ang tawanan ng mga bisita. Napangiwi ako. Parang gusto ko nalang ilibing ang sarili ko nang buhay. Ano ba 'tong pinasok ko? Tangina naman kasi.

Pero infairness ha. Magkapangalan pala kami ng mapapangasawa sana ni Bossing. Tadhana nga naman. Napakaraming Nola sa mundo, pero ako pa talaga ang tangang naligaw sa simbahang ito.

"You may now kiss the bride." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Father. Shutakelz! May pa ganoon pala. Nakalimutan ko!

Naghiyawan ang mga tao pati na rin ang dalawa niyang kaibigan. May kasama pang palakpak at sipol. Yung isa naman ay nakangisi lang at yung dalawa ay umiiling-iling.

I Will (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon