Chapter Two

367 13 2
                                    


Naabutan ko si Caleb na kausap si Doktora sa labas ng kwarto ni Niah. Kumaway agad siya sa akin nang matanaw akong naglalakad sa hallway.

"Doc, napano po ang kapatid ko?" Tanong ko nang makalapit sa kanilang dalawa.

"Nahirapang huminga si Niah kanina kaya nagpalagay ako ng oxygen and I ran some tests which I will explain to you the result in my office," sagot niya at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Nagpaiwan si Caleb sa kwarto para magbantay sa kapatid ko.

Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan ng mesa niya nang makapasok kami sa opisina niya. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Miss Balthazar," tawag niya sa akin. Umayos ako ng upo at itinuon ang atensyon sa kanya.

"I have to be brutally honest with you," inikot niya ang screen ng computer para makita ko ang kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin. "According sa last CT scan niya, dumami ang tumor sa kaliwang baga niya." Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya.

Ipinakita niya rin ang Chest X-ray ng kapatid ko. Itinuro niya ang parang bilog-bilog na itim sa film. "Noong una, ang tumor ay nandito lang, but it multiplied here in the lower lobe. The cancer cells are becoming more aggressive, kaya mas makakabuti kung kikilos tayo kaagad. I would suggest pnuemonectomy which is tatanggalin ang buong right lung niya instead sa lobectomy na tatanggalin lang ang bahagi ng kanang baga niya," paliwanag niya sa akin.

"So... ibig sabihin, magiging isa nalang ang baga ng kapatid ko? Possible ba 'yon?" Tanong ko.

Tumango ang doktora. "In some cases, yes," sagot niya. Nabuhayan ako ng loob. "Malaki ang posibilidad na magiging successful ang operation kung magiging maayos ang kalagayan ni Niah sa mga susunod na araw," dugtong niya. Tumango-tango ako. Somehow, nabubuhayan ako ng loob sa mga sinasabi ni doktora at sa fact na pwedeng maging maayos ang kalagayan ni Niah.

"Magkano ang kakailanganin namin para sa operasyon, Doc?" tanong ko.

Huminga ulit nang malalim ang doktora at ipinagsiklop ang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa. "I have to say... maghanda ka ng isang milyon o mahigit." Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang kaniyang sagot.

Isang milyon?

Saan kami kukuha ng ganoong kalaking pera?!

Kahit atang magkanda pilay ako kakatrabaho hindi aabot o kakalahati man lang ang perang makukuha ko.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Ikinuyom ko ang mga kamay ko at binitawan pagkaraan ng ilang segundo bago magsalita. "Kailan... kalian siya ooperahan?" nahihirapan kong tanong.

"Sa araw na mabuo mo ang isang milyon o kahit 75 percent lang ay sapat na," sagot niya.

"Pano kung hindi ko mabuo ang pera?"

She heaved a sigh. "I'm sorry, pero hindi ko maooperahan ang kapatid mo," she answered.

"'Di ba pwedeng operahan muna? Saka na ako magbabayad. Nagbabayad naman ako eh!" pagmamakaawa ko kay Doktora.

Malungot siyang umiling. "Kung ako lang ang masusunod, Nola, okay lang sa akin na sa ganoong paraan muna, dahil kailangan talaga ni Niah na maoperahan, pero may mga protocols na sinusunod ang mga doctor na kagaya ko. Pasensya ka na..." sambit niya.

Malungkot akong tumango. May ibinigay siyang mga calling cards at brochures sa akin. Tumingin ako sa kanya ng may pagtatanong kung ano ang mga ito. "Those are some organizations that might help you and your sister," she said. Kinuha ko na lang ito at nagpaalam na lalabas na ng opisina niya.

Para akong multo na nakalutang lang habang naglalakad sa hallway ng ospital. Iniisip ko kung sino-sino ang pwede kong malapitan para mabuo ang isang milyon na hinihingi ng ospital. Inisa-isa ko ang mga calling cards at brochures habang naglalakad at halos mapaiyak nalang nang mapagtantong lahat ng mga 'to ay inapplyan ko na at ni isa sa kanila ay di pa rin sumasagot hanggang ngayon.

I Will (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon