Chapter 2

16 0 0
                                    

"Ukininam, I hate this." I looked at my plates. Hindi ko talaga magawa! Ang hirap!


I sighed. I have no choice. Tanginang engineering 'to, pasakit sa buhay. Singco de coco rin naman ang makukuha kong marka dito kahit gandahan ko pa. Sagad na talaga 'tong gawa kong 'to. Hindi niya na kayang gumanda pa. Tumayo ako at pumunta sa sink. Kasalukuyan akong nasa lamesa ng kusina at gumagawa ng plates. Kagabi ko pa 'to ginagawa, actually noong nakaraan pa, pero wala talaga eh. Hanggang dito nalang kinaya ko.


8 AM na pala. May klase pa ako ng 10 AM kaya nagsimula na akong magprepare. Niligpit ko na 'yung plates ko na ipapasa mamaya. Panigurado tatawanan lang 'to ng prof kong napakaarte. Nagtimpla muna ako ng kape saka nagsimulang gumawa ng breakfast. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at pumunta ng university.


"Lunawazaleyah!"


"Deeeeeerdreeeeee!!!"


Halos marindi ako sa mga sigaw nila. My friends are finally here. I've been waiting for them for like half an hour now. They have class that's why I have to wait for them. Pupunta kami España para kumain ng paborito naming unli wings. Sinabi namin sa isa't-isa na kahit anong mangyari, dapat hindi namin makakalimutan magbonding ng ganito kahit paminsan minsan lang habang freshmens pa kami. Second sem na, malapit na kami maging second year. Alam kasi naming magiging busy na kami sa mga susunod na taon kaya hangga't may oras pa, sulitin na.


"Napakatagal niyo mga sir!" I shouted at them.


"Kamusta buhay engineering pre?" Keil asked. He's an architecture student. Saming magkakaibigan, siya 'yung matured pero loko-loko madalas. Ewan ko rin ba kung bakit ganito 'tong kupal na 'to.


"Oo nga. Kamusta? Balita ko nagrarant ka sa group chat natin ah?" Mapangasar na sambit ni Gun. Umirap lang ako sa kaniya. Like as if hindi siya active kagabi. This punk. Anyways, he's a MedTech student. I hate his course so much. As in super.


"I think I should quit. What do you guys think?" I smirked. Ang mga munggong 'to, tatanong-tanong pa alam naman na nila kung anong dinadanas ko. Pasalamat sila mahal nila course nila.


"Sige dree, shift course ka na para bukas wala ka ng bahay." Keil teased me. Ululin na keil 'to, porket masaya sa buhay niyang basketbolero.


"Ano na? Kakain pa ba tayo o tatambay nalang dito?" Leo seems upset today. Anong kayang meron sa future electrical engineer namin? I think it's because of his girlfriend so I don't wanna ask na. Maybe later, I'll chat him nalang. I don't wanna ruin the mood.


"Eto kasing si dree, panay ang daldal." Nate rolled his eyes on me. Can you believe what he said? Ako raw ang madaldal eh sila naunang magtanong? "Aba. Galing mo pala, Kuya Will. Penge po Jacket." irap ko sakaniya.


"Tara na nga. Ang ingay niyo, naiistorbo niyo 'yung mga dumadaan." Ano daw? Naiistorbo ang mga dumadaan? The hell, Gun. I just laughed at what he said. Habang tumatagal lalong nagiging loko-loko 'to. Marami sigurong maganda sa MedTech kaya palaging good mood.


"May dala ka bang kotse, Gun?" Keil asked Gun. Umiling lang ito at saka ngumisi sakin.

"Oh bakit?"

"Pasakay." He said with a huge smirk.

"Tanga, wala akong kotse. Bobo neto." sabi ko sabay irap sakaniya. Tumawa lang siya saka dumiretso sa sasakyan ni Leo. Siya pinaka rich kid samin. Kami commute-commute lang tapos siya naka-kotse palagi. Perks of being a Tan.


Sabay-sabay kaming pumasok sa kotse ni Leo. Nag agawan pa kami ni Gun sa shutgun seat. Pwesto ko 'to, ako reyna ng kotse ni Leo. Sinapak naman ni Leo si Gun sa braso para paalisin na siya at para pumunta na sa likod. Mission accomplished, respect! Inirapan ako ni Gun bago pumunta sa likod. Kawawang bata, I smirked.


Chasing DeirdreWhere stories live. Discover now