Chapter 3

25 0 0
                                    

"Cap!"


Cap? Bakit cap? "Anong ginagawa mo rito?" I asked him. Siya 'yung lalaki sa library nung first sem, 'yung bida-bida.


"Hala magkakilala kayo?" Keil asked. Confused.


Sinamaan ko lang siya ng tingin saka bumaling sa lalaking bumangga sakin. "Kapal mo talaga 'no. Binangga mo pa 'ko." sabi ko sabay irap.

He smirked and looked at me. "I was looking for my niece. Pasensya ka na kung nabangga ka." sabi niya saka binalingan 'yung batang babae na nakahawak sa laylayan ng t-shirt niya. Mukha tuloy siyang ulirang ama. "Andito pala kayo dude, what u doin' ba?" he asked mg friends, probably Leo and Keil.


"Obvious ba? Ano ba dapat gawin sa Ocean Park?" I rolled my eyes at him.


"I'm not talking to you." he suddenly said. ABA! Gago 'to ah? Sapakan ata gusto? Tinignan ko ang mga tropa ko at tawang-tawa sila sa sinabi nitong lalaki na 'to. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Ugh, kairita.


"Bars bitch." Leo laughed at me. "De, namamasyal lang kami, Cap. Ikaw?" Keil said while smiling, parang 'di siya makaget over kasi nabara ako ng hayop na 'to. Inirapan ko nalang sila saka nagmartsa papunta sa mauupuan doon.


Akala ko susunod sila sa'kin pero hindi! Apat silang nandoon, nakikipagusap sa Captain nila! Nakalimutan ako agad dahil lang sa basketball. Mga walang hiyang kaibigan. Hmp. Nakakairita, naiinis na ako. Napahiya na nga ako tapos para pang walang mga pakialam 'tong mga gunggong na 'to sa'kin. 'Pag ako talaga gumanti sa mga 'to, babalatan ko sila ng buhay. Napapairap nalang ako sa kawalan dahil sa mga naiisip ko. Sa kalagitnaan ng pagkainis ko at sa paguusap nilang mga lalaki doon ay lumapit sa'kin 'yung batang babae na kasama nung Captain nila, nalimutan ko na pati pangalan niya sa sobrang inis ko. Grr.


"Hello po." the kid went to me and sat behind me. Wow, she even greeted me. I thought she's also like his brother, a big asshole. Tsk. Dati nung unang kita namin akala mo kung sinong mabait at friendly tapos ngayon gaganunin nalang ako? Aba, nakakalimutan niya atang natulungan ko siya dahil sa yakap at palusot ko. Tss.


"Hi." isinantabi ko nalang 'yung inis ko at saka bumaling sa bata. Wala namang kasalanan 'to sa pagkainis ko. "Bakit ka nandito?" I asked in a soft voice, baka matakot sa'kin pag tinanong ko ng barumbado eh. Mabait pa rin naman ako kahit papaano, lalo na sa mga bata.


"I got bored. I don't really get what they're saying." she sighed. Ay, syala! Englishera si ate mo girl kaloka. "How about you mate? Why are you here?" she suddenly asked.


"Well, just like you, I also don't like their topic. Basketball is a bit no-no to me, hehe." I said and looked at her. She is indeed pretty. Just by looking at her face features and skin color, I can say na hindi 'to Filipino, pupusta ako bente. Pati kulay ng buhok brownish. May pasabi pa ng mate eh tol at pare nga lang tawagan dito sa Pilipinas. "What's your name?" I asked out of nowhere.


"I'm Lily Tan. Five years old, turning six next year." she smiled and offered her hand to me for a handshake. Agad ko namang kinuha 'yon saka shinake. "I'm Deirdre." I smiled.


"Your name is so unique. I never heard that before. Well anyways, did you know my Mom? She's a model in England! While my Dad is a business owner here in the Philippines. He's Uncle Jax's brother. You know what? I think you're safe since my Uncle know you. You can come and visit me at my home, I have tons of toys! Let's play!" sabi niya ng dire-diretso.

Muntik na ako mabilaukan kahit wala naman akong kinakain o iniinom dahil sa mga sinasabi niya sa'kin. Teka lang ha, tinanong ko lang siya kung ano pangalan niya bakit andami niya ng sinasabi? At bakit inaaya niya na agad ako sa bahay nila? Unbelievable! Char. Bata pa 'to bawal pa barahin. I just smiled at her. "You know, me and your Tito?" she looked at me and nod. I smiled again, "We're not really close."


Chasing DeirdreWhere stories live. Discover now