Chapter 4

19 1 0
                                    

"Wala lang, masama ba magtanong kung may anak ka na?"

"No." He looked at me. "Isn't it obvious? This is for my niece,"

"Naisip ko na rin 'yon kaso 'di ko maiwasang magtanong kasi alam mo na," I smirked.

"What?"

"Baka kasi may nabuntis ka ng 'di sadya," I laughed a bit. Aba, malay niyo naman 'di ba? Andami na ngayong mga batang ama.

"The hell, hindi pa naman ako ganun ka-tanga 'no." Sabi niya saka umirap. Kalalaking tao, nananaray. Bakala ata 'to eh.

"Ay gano'n? Para mo na rin sinabing ang tanga-tanga ng lahat ng nakabuntis? Hindi ba ikaw 'yung parang tanga kung gano'n?" sabi ko saka kumuha ng panty liner.

"Don't get me wrong. I have nothing against those people, I don't even care about them. It's just that, I am not that stupid to make such foolish act that will result to something I don't really wanna happen," he said saka tumalikod at kumuha ng diaper.

Wait, diaper? Hindi ba malaki na 'yung pamangkin niya? Ba't sya kumukuha ng diaper? Tinignan ko naman agad 'yung size nung kinuha niya and it was large! Kasya 'yun for kids na 1 year old I guess? Or not?

"Akala ko ba para sa niece mo? Eh bakit anliit niyan? Tsaka ang laki na nun ah? Kailangan pa rin ng diaper?" I smirked. Napatingin naman siya sakin, mukhang alam niya na kung bakit ako nagtatanong.

"For pete's sake, I don't have a son. This is for my one and a half year old niece." he looked annoyed now. Nakasalubong na rin kilay niya sa'kin. "Why do you keep insisting that I have a son? Do you want me to make one with you?"

Nanlaki agad ang mga mata ko. "H-Hoy!" sigaw ko saka umirap. Grabe sa tanungan ha! 'Di ako prepared!

"Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no. Napakahangin naman dito," sabi ko saka umiwas ng tingin. I saw that he smirked on me. Tinulak ko na agad 'yung cart ko at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Mahirap na, medyo bastos pa naman ang bibig ko baka sakyan ko pa mga kabardagulan niya. Umirap nalang ako sa kawalan saka pumunta sa kabilang section para kumuha ng mga condiments na wala na sa condo ko. Muntik ko na makalimutang marami pa pala akong bibilhin. Napaka-chismosa ko kasi eh.


Pagkatapos kong mailagay ang lahat ng kailangan ko sa cart ko ay dumiretso na ako sa counter. Nakita ko doon si Jax na nakapila sa tabi ng pinipilahan ko. May dalawa pang ahead sakin at sakanya rin. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sakin. Kinuha ko 'yung isang bottled water na nasa cart ko saka iyon binuksan, nasa counter naman na ako at babayaran ko naman 'to. Nauuhaw na kasi talaga ako. Lumingon ako kay Jax at para siyang tulok. He playfully smiled at me bago nagtaas ng kilay. Parang tanga, inaano ko ba 'to?

"Tingin-tingin mo diyan?" sabi ko sakaniya saka umirap. "Gusto mo?" sabi ko ulit sabay alok ng tubig.

"Can I?" he asked. I smiled before rolling my eyes.

"Asa ka." Inurong ko na 'yung cart ko dahil tapos na 'yung nasa unahan. Inurong na rin ni Jax 'yung kanya saka bumaling sakin.

"Oh ikaw, tingin-tingin mo?" sabi niya bago ngumiti ng nakakaloko. "Gusto mo?" sabi niya ulit sabay turo sa mga nasa cart niya na puro essentials ng bata.

"Siraulo ka?" inirapan ko siya.

"Tara gawa tayo kung gusto mo," he smirked. Bakit ba ang hilig nito magsmirk? Kukutusan ko na 'to eh. Pang barumbado pa mga pinagsasabi. Gago 'to, barumbado din ako pag 'to pinatulan ko magugulat 'to. I smiled at what I imagine. Kaya agad ako lumapit sakaniya saka bumulong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing DeirdreWhere stories live. Discover now