Inantay muna ni Oliver na dumating si Ella bago sya umalis. Binili na din nya ako ng gamot wala na kasi pala kaming stock ni Ella.
"Beyb, alis na ako. After dinner don't forget to drink your medicine ha?" paalala nito bago lumabas ng kwarto ko. Yup kwarto ko, dalawa kasi yung kwarto dito sa apartment nya.
"Opo Tatay. Tinalo mo pa si mommy magalaga eh"
"Oo nga Oli. Hindi naman mamatay si Eli dahil lang sa sipon at lagnat. Tsaka malakas resistensya nyan" sabad naman ni Ella ng umakyat dala yung sopas na niluto nya, "Oh UNI kainin mo to ha? masarap yan."
"Luto mo to UNI?"
UNI yung tawagan namin kasi kami daw dalawa ay Unique bestfriend. Hahahaha baliw talaga kami kung anu- ano naiisip namin para maiba naman nakakasawa na yung puro bhezy, best, beztie, bff ang tawagan.
"Oo"
"Di nga akala ko ba adobo at fried lang kaya mong lutuin?" nagtataka kong tanong.
"Baka naman lalo akong lumala dahil dito ha?"
"Ou nga Mart baka hindi lalo makapasok nyan si Eli sa monday"
"Nakakapagtampo naman kayo Oli. Ikaw UNI kong ayaw mong kainin akin na nga" sabi nito at ngumuso.
Hmp. Kelan pa naging Oli at Mart ang tawagan ng dalawang to?? Hahaha pero ok na din yun nagiging close na yung dalawang taong mahalaga sa akin.
Hahaha mukhang nagtampo nga ang bestfriend ko eh.
"Hindi naman UNI ito na nga oh titikman ko na"
Sumubo ako ng kunti tikim lang.
"Ahm teka UNI parang kilala ko tong lasang to ah??"
Tapos tumawa sya.
"Sabi ko na nga ba? Hindi ikaw ang nagluto nito! Binili mo to kela aling Martha nu?"
"Hoy UNI hindi ko yan binili pinaluto ko yan kay Aling Martha alam ko kasing gustong gusto mo yung Sopas na luto nya."
Tapos sabay kaming tumawa.
"Kayo talagang magbestfriend. Uuwi na nga ko" sabi ni Oli at kinuha na yung bag nya.
"Andyan ka pa pala Oli, I though nakaalis kana" pang- aasar ni Ella.
"Hays!"
"Ingat ka beyb. Bye"
"Ang sarap talaga ng luto ni Aling Martha, buti nalang UNI hindi mo naisip na magluto ng sopas kung hindi nasayang lang yung mga rekado"
"Makapanglait ka naman ng luto UNI. Ikaw na magaling magluto. Kaya ka nagustuhan ni Oli eh, turuan mo nga ko para makahanap na din ako ng katulad ni Oli na napaka mapagmahal, sobrang caring and basta yung katulad nya. OLI is perfect, right UNI?"
"Yup UNI kaya nga hanggang kaya ko hindi ko na sya papakawalan. Hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikasisira ng relationship namin"
"Paano UNI kong isang araw paggising ni Oli hindi ka na nya mahal. Anong gagawin mo?"
"Ewan UNI. Ayaw kong isipin darating yung araw na yun. Hindi ko kayang isipin na darating yung time na paggising nya hindi na ako yung mundo nya kasi ako feeling ko sakin hindi darating yung time na yun. OLIVER is my life, his my everything"
"Hays pero UNI there will come a time na may mga magbabago lalo na at wala namang fix sa mundong ito. Lahat mawawala lalo na kong hindi ito para sa atin"
"Pero UNI diba pagdumating yung time na yun naman nandyan ka naman at hindi ako iiwan diba?"
"Ou naman UNI. Ako yung nag- iisang taong hindi ka magagawang iwan at lukuhin" sabi nya, pero nahalata kong may lungkot sa mga mata nya.
I'm lucky having my bestfriend and my boyfriend in my life. They really complete me. Kapag wala ang parents ko ok na sa akin basta nandyan silang dalawa. Yung kuya ko naman ayon may sarili ng daigdig sa New York with wife na ginayuma ata ni kuya kaya inlove na inlove sa kanya.
My perfect loving boyfriend
+ My Unique Bestfriend = COMPLETE.
[blackwitch/note]: pasensya na po sa mga typo error , tinatamad na akong magEDIT eh :))
COMMENT! VOTE!
BINABASA MO ANG
Save My Heart .
Teen FictionKung mabibigo ka ba sa una? Magmamahal ka ulit? o magiging BITTER ka na lang. Masakit kong ang mananakit sayo ay ang mga taong mahalaga sayo parang ayaw mo ng mabuhay sa mundo. Lahat tayo takot masaktan pero paano natin malalaman na sya na pala ang...