SMH_04: Hear Something Fishy

21 2 0
                                    

[b/n]: padaan lang :)) cnsya na po kung medyo maikli yung ibang UD tamad kasi si Author magdagdag bawas, basta naisulat ko na yun na yun!! :l..

share lang _ hindi ako nakapagapply sa school paper namin! SO sad! late na kasi ako nakapagdecide tapos nung decided na ako na sumali ...... SARADO naman sila! HUhuhuhu maybe hindi pa yun yung right time na mapasali ako sa newspaper namin :(

OK ITO NA PO.. EMOTE LANG NG KUNTI! PAPANSIN BA?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hays good morning MONDAY! BACK to school super ka duper excited kasi makikita ko na ang mga prof. ko, mg classmates, friends, my bestfriend hehehe iba pa rin kasi yung sa school nagkikita kesa sa hospital at higit sa lahat my love, my Boyfriend. Namiss ko din si Oliver habang nasa hospital kasi ako hindi man lang nya ako nagawang bisitahin, pero naiintindihan ko naman sya eh.

"Hi Ellaine" bati sa akin nung isang school mate ko. Aba teka ganun na ba ko kasikat at kilala na nila ako, hindi ko nga kilala yung bumati sa akin.

Tapos lahat ng nakakasalubong ko ngumingiti sa akin.

"Ok ka na pala Eli?" sabi sa akin ni Jenn classmate ko sa Literature, mukhang nagulat sya na i do exist na in this world.

Ano bang meron kasi bawat madadaanan ko nakatingin sa akin, ang hirap naman ng ganito. Celebrity na ba ako? Nagkasakit lang ako eh nakilala na ako ng lahat.

"Kawawa naman sa ano?" sabi nung isa habang nakatingin sa akin.

Huh! Masyado naman ata silang concern sa akin. Gusto kong sabihin sa kanila na 'hi! trangkaso lang po ang sakit ko at hindi po ito malala, wala pong taning ang bihay ko so hindi po ako kawawa', kaso baka sabihin nila masyado naman akong feeling.

Pagpasok ko sa room parang nagulat ang lahat. Para silang nakakita ng multo.

"Hi Eli" sabi ni Alice seatmate ko.

"Hello. Pacopy ako ng notes mo ha? Madami na ba akong namiss?"

"Sige. Medyo madami na? Kamusta ka na? Hindi ka ba nasaktan?" concern nyang tanong.

"Ha nasaktan? san? sa turok sa Hospital, medyo hahaha ang haba kasi nung needle hehehehe"

"Ahmmm ahh oo yun nga yun."

"Bakit ganun Alice, sikat ba talaga ako kasi lahat ng madaanan ko tinitingnan ako. Alam ba ng lahat na nagkasakit ako? Para naman akong celebrity nito"

"Ahm ewan" sabi nya na halatang ayaw ng madugtungan yung conversation namin.

Hays ano bang meron?? Bakit ang weird ng mga tao dito sa school isang linggo lang akong nawala ganito na sila. Na engkanto ba sila? O nasakop na ba kami ng alien? Hirap pala ng ilang linggong wala nu? Parang nagiba yung mundo eh, ang dami nagbago. Dedmahin na nga lang ang earth basta ang alam ko excited akong makita ang one and only Boyfriend ko.

And the bell rings!!!!!!!!

Sa wakas makikita na din kita Oliver Gonzales. So excited! Siguradong magugulat sya.

Bago lumabas I put some powder and lipstick. Isa pa ito sa pinagkaiba namin ni UNI sya kasi mahilig mag-ayos.

Paglabas ko ng room may narinig akong tsimis mula san pa ba edi sa mga chismosa at isa na dun ang babaeng insecure sa akin si Carla. Lagi kasing next to me sya sa mga activity ng course namin. Hindi ko naman kasalanan yun eh. May gusto rin yan kay Oliver at isa oa yun sa ikinagalit nya lalo ng maging kami ni Oliver. Hindi ko naman gustong agawin sa kanya ang mga bagay na gusto nya sadyang ang tadhanan na yung nagbibigay sa akin ng mga bagay na yun.

"The who itong isang girl na walang kaalam alam na niloloko na sya ng bestfriend at boyfriend nya? Kawawa naman sya nu? Pinagkatiwalaan pa naman nya ang bestfriend nya and i think sobra nyang mahal yunng boyfriend nya. Masaklap pa dun lagi nyang kasama yung bestfriend nya. Tama nga yung sabi na ang pinakanakakatakot mong kaaway ang iyong kaibigan. Parang aso lang yan eh na kahit gaano mo pa sya mapaamo darating at sarating ang panahon na sya pa yung kakagat sayo. Mas mabuti na yung kaaway mo na sya from the start at least alam mo yung intensyon nya, not like yung kakaibiganin ka lang pala to get what she want."

Kawawa naman yung babaeng yun! Buti nalang hindi ako ang naging bestfriend ng babaeng yun at si Oliver ng boyfriend ko, dahil kong sa akin mangyayari yun. ewan ko lang baka mapatay ko pa silang dalawa. Huh hindi naman siguro yun mangyayari sa akin, I trust my friends and I know na hindi nila gagawin sa akin yun.

"Opps Sorry Ellaine nandyan ka pala" sarcstic na sabi ni Carla

"Huh" hindi ko sya nagets. So ano naman kong nandito ako?

"Ahm narinig mo ba yung pinag-uusapan namin? Sorry ha? Wala naman akong balak iparinig sayo na pinagtataksilan ka ng bestfriend at boyfriend mo eh" sabi nito at tumawa, "Opps nadulas yata ako."

WHAT?!!!!!? Ano? Si ella at oliver may relasyon??

"ANONG SABI MO CARLA?"

"Hindi mo pa gets Ellaine, inahas ka ng bestfriend mo at pinagpalit ka ng boyfriend mo sa ahas. So kawawa ka naman Ellaine. Niloko ka ng dalawang taong pinagkakatiwalaan mo. Masakit ba?"

HUH!! TOTOO BA ITO??

"BAWIIN MO LAHAT NG SINABI MO CARLA. IT'S NOT TRUE. HINDI NILA MAGAGAWA SA AKIN YAN!" sabi ko, pero bakit ayaw makisama ng luha ko! PUTIK lang pumapatak na sila.

"It's true Ellaine, Ask your bestfriend or maybe your loyal boyfriend para maliwanagan ka. CRY BABY"

Naiwan akong umiiyak sa hallway. HUh hindi naman siguro totoo yun, hindi nila magagawa sa akin yun. Lalo na si Oliver matagal na kami and alam ko naman na mahal nya ako. Pero kahit anong pilit ng utak kong wag maniwala ito namang mata ko hindi matigil sa pagiyak.

Uuwi muna ako then dun ko na din kakausapin si Ella.

Save My Heart .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon