Ang hirap pala pag may sipon grabe!
Sa bawat paghinga ko kasabay yung pagsinghot ko ng sipon. Minsan na nga lang magkasakit ganito pa kalala, Hays and hirap pag ganitong may iniinda kang sakit parang ayaw ko ng pumasok at humilata nalang sa apartment kaso mas lala ang sakit ko nun imbes na wala akong lagnat baka magkalagnat pa ako.
Konti nalang yung tissue ko and my bag!
For God Sake it looks like a trash can, full of used tissue paper.
Parang biglang uminit yung feeling ko, I touch my forehead, oh My God! FEVER! Kasasabi ko lang na ayaw kong magkafever tapos ngayon ito na ang bilis naman.
VIRUS to ng bestfriend ko eh, iba talagang manghawa yun ang lala eh. Kawawa naman ako paano kami maglalambingan ni Oliver baka mahawa din sya. Haysssssssss. Sumubsob ako dun sa desk ng chair ko. Laki ng problema ko eh nu? Syempre gusto ko maglambingan kami ni Oliver kaso ayaw ko namang mahawa sya sa sakit ko. And then i feel something vibrate............my phone, someone's calling.
Speaking of my ever loving perfect boyfriend, na hindi pumapalya sa pagpapakilig sa akin.
"Hi Beyb!" masiglang bati ni Oliver.
"Hello Beyb" sabi ko naman with matching blow ng sipon sa tissue.
"Oh? Lalo yatang lumala yung sipon ng beyb ko?"
"Yah beyb and my fever na nga ako eh"
"Go home and drink some medicine. Baka lalo pa yang lumala at hindi ka pa makapasok bukas"
"Maybe later nalang beyb. Gonna wait for you pa"
"Umuwi ka na! Hahatid na kita, sunduin kita dyan sa room nyo now na"
................then end call.
Ang kulit talaga ni oliver... pero natouch ako, magcucut sya para maihatid lang ako..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
pero teka!! Diba may activity sila sa major subject nya? Aabsent sya?
Hindi pa ako tapos magmuni- muni andun na si Oliver, tinawag nya ako.
"Tara na. Yung bag mo?"
"Ahm later na lang ako uuwi after your class oh kaya ako na lang magisa. May klase ka diba?"
"Ano ka ba beyb ok lang na umabsent ako basta ma sure ko lang na safe kang makakauwi"
"Pero?? May Activity kayo kay Prof. Laguera diba?"
"Ok lang yun. Mas mahalaga ka sakin"
"Pero?? 10% yun beyb. Kaya ko pa naman magwait sayo eh, oh kaya itetext ko si Ella tapos na class nun after 30 minutes sabay nalang kaming uuwi"
"Hays nakakapagtampo ka na beyb, ayaw mo lang yata magpahatid sa akin eh"
"Hindi naman sa ganun beyb, eh kasi diba may activity nga kayo"
"Beyb yung activity na yun 10% lang kayang kaya ko yung habulin pero ikaw paglumala yan at ilang days kang nagkasakit at hindi tayo nagkita 100% yung mawawala sa akin!! Kaya beyb ako nalang maghahatid sayo para sigurado ako na makakauwi ka ng safe at makakainom ka ng medicine"
Kinilig ako sa sinabi nya na ok lang na maghabol sya ng grades basta kasama nya ako. Si Oliver talaga hindi pa pinakilig na naman ako. Kaya mahal na mahal ko ang taong ito eh. Ramdam ko yung pagmamahal nya hindi lang sa salita pati na rin sa gawa.
"Ahm sige na nga! Alam ko namang hindi ka talaga magpapatalo"
"Buti naman nakinig ka din Ms. Ellaine Endozo-Gonzales" sabi nito sabay ngumiti, "bagay pala sayo ang surname ko beyb ehh. Ang gandang pakinggan parang pinili talaga ng mga magulang ko yung surname na babagay sa pangalan at ganda mo"
"Hay naku! Beyb iuwi mo na nga ako at inabot ka na naman ng daydream mo. Bolero ka talaga" tapos hinampas ko sya sa dibdib.
"Hahaha mukha namang wala kang sakit beyb eh kung hindi ka lang mainit baka isipin kong nagdadahilan ka lang para makasama mo ko agad agad. Tsaka alam ko namang naniniwala ka din sa gwapong bolero mong Boyfriend" sabi nito tapos tsaka kinuha yung bag ko sa chair ko. "Let's Go"
Hinatid nya ko sa apartment ni Ella, sa apartment ako now nagsstay kasi 6 months na wala sila mommy nasa business trip and sabi nila mas mabuti daw yung hindi ako sa bahay tumitira lalo na kong mag-isa kaya nakiusap sila kay Ella na kung pwede dun muna ako tumira at dahil sa mahal talaga ng bestfriend ko pumayag sya agad.
[b/n]: short story lang po ito.
Comments! and vote! kong gusto hindi naman sapilitan :)
BINABASA MO ANG
Save My Heart .
Teen FictionKung mabibigo ka ba sa una? Magmamahal ka ulit? o magiging BITTER ka na lang. Masakit kong ang mananakit sayo ay ang mga taong mahalaga sayo parang ayaw mo ng mabuhay sa mundo. Lahat tayo takot masaktan pero paano natin malalaman na sya na pala ang...