SMH_03: Curios *_*

26 2 0
                                    

Isang linggo din akong may sakit, yung sipon at mababang lagnat ko naging trangkaso. Halos hirap na nga akong tumayo sa kama eh, buti nandun si UNI. Sa tagal ko sa hospital dalawang beses lang dumalaw si Oli sabi nya kasi need nya daw habulin yung 10% sa grades nya na namiss nya dahil sa paghatid sa akin. Kawawa naman nga yung boyfriend ko eh, hindi na rin magawang tumwag puro text nalang kami, masyado kasing mahirap yung pinagawa sa kanyang project nung prof. nya dahil sa pagcut nya.

"Ahm UNI pinadala nga pala ni Oli" sabi ni UNI kadarating lang nya from school dito na sya dumiretso. Inilapag nya yung mga orange na nasa basket my card din dun with a message saying "Sorry".

"Nagkita kayo? Para san daw yung sorry?" mahina kong tanong. Sabi nung doctor ko 3 days pa daw bago ako makakalabas, pero okay naman na yung feeling ko eh. Nagworry nga ang parents ko nung malaman nila lalo na si Mommy and my Kuya Ellan tumawag na din sya. Mayaman nga kasi ang tagal naming nagusap. Overseas call, at sinamantala ko naman, minsan ko lang sya makausap and my good news din sya, buntis na si ate Eunice hahaha 2 months na daw.

"Oo kanina, inantay nya ako para daw mabigay ko to sayo. Next pa daw magiging clear yung schedule nya. Kaya baka nextweek ka pa daw nya makita."

"Eh yung sorry nabanggit ba nya kung para san?" natigilan si UNI ang tagal din nya bago nakasagot.

"Ewan ko lang. Labas muna ako UNI bibili lang ako ng foods hindi pa kasi ako naglulunch eh."

"Sige"

Hays bakit ganun? May hindi ba ako alam. Parang may nililihim sa akin ang bestfriend ko about kay Oliver. Pero hindi naman siguro sya magsesecret sa akin diba? Nagpromise naman sya na she will be honest kahit na masasaktan pa ako.

At si Oliver naman, kahit isang oras lang o kaya half hour hindi nya ako magawang mabisita. Ganun ba kahirap yung ginagawa nya? Oh kahit call man lang hidni nya magawang magbigay. 5 mins talk lang with him ok na eh. Parang ang daming nagbago, nagkasakit lang ako parang ang daming nagbago. Halos isang linggo lang yung lumipas ang dami ko ng hindi alam.

Nangyari na kaya yung kinatatakutan ko, hindi na kaya ako mahal ni Oli?. Ilang linggo lang kaming hindi nagkasama, nakahanap na ba sya? Hays ano ba yan hindi ko maintindihan ang dami kong tanong na hindi ko alam kong paano ko hahanapan ng sagot. Ang daming mga bagay na pinagdududahan ko. Mga bagay na iniisip ko na hindi ko pa nakikita. Hays ang hirap bakit ba ganito ang isip ko.

Dumating na si UNI may dalang foods.

Habang kumakain sya ng lunch, kumakain naman ako ng dala nyang orange.

Ito namang orange nakikisama pa sa nararamdaman ko, ang asim eh. Orange ba talaga to oh kalamansi???

"UNI diba hindi ka naman magsesekreto sa akin? at hindi ka rin magsisinungaling"

Nagulat ako kasi bigla syang nasamid.

"Oh UNI! anong nangyari?"

"Ahmmm wala to, may paminta kasi akong nakain. Ahmmmmm oo naman UNI hindi ko gagawin yun"

"Thanks UNI"

Sana nga UNI dahil hindi ko alam kong anong mararamdaman ko pagnalaman kong nagawa mong magsekreto at magsinungaling sa akin.

Lalo na kung kayong dalawa pa ni Oli........................................................................................................................................................... WAG NAMAN SANA.

Save My Heart .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon