Chapter 26

30.5K 799 66
                                        

Paano ko ba ieexplain ang atmosphere naming dalawa ni Quiro pagkatapos kaming iwan ng mga magugulo kong kaibigan?

Awkward?

Yes, we are indeed awkward dahil sa nangyari kanina. Kaya nga noong nagdinner kami ay kalansing lang ng kutsara ang maririnig eh dati dati naman ay nagdadaldalan kami at naghaharutan. Ngayon pasulyap sulyap lang kami sa isa't isa. Kating kati na akong tanungin si Quiro kung seryoso ba siya kanina pero yun nga nakakahiya. At saka mukhang malalim pa rin ang iniisip nito.

Iniisip kaya niya yung nangyari kanina. Pinagsisihan na siguro nito na pumayag siya kanina na panagutan ako dahil sa pambablackmail ng mga kaibigan ko.

While me on the other hand kahit na tumibok ang puso ko ng malakas kanina dahil sa isiping pakakasalan niya ako.

Who wouldn't want that?

Ang maikasal.

Yun na nga lang din ang kulang sa akin diba?

Kaya noong sinabi sa akin ni Nayumi that Quiro said he's going to marry me, hindi ko maiwasang maexcite.

And for a second naisip ko na matutupad na ang pinakaaasam asam ko. But then lahat ng excitement kong iyon ay panandalian lang.

Dahil ayoko pala. Ayaw ko palang maikasal sa ganung dahilan. Pakakasalan ako dahil lang sa may nangyari sa aming dalawa. Not because he love me and I love him.

Kaya bigla bigla ay nawala ang excitement ko.

At buo na ang desisyon ko na ayaw kong panagutan niya ako. Because from the beginning that word doesn't even popped out in my mind.

Siguro kakausapin ko nalang ang mga baliw kong kaibigan tungkol dito. Siguro naman maiintindihan nila ako.


At ayun nga nagsipasok kami sa kwarto namin na hindi nagkikibuan. We are not using the same room.

Akala ko makakatulog ako ng maaga pero hindi eh. Dahil iniisip ko pa rin iyon. Gusto kong sabihin kay Quiro ang kung anong say ko sa bagay na iyon. At saka pakiramdam ko naman ay labag sa loob ni Quiro ang pumayag na panagutan ako.

Kaya bumangon ako at pumunta sa kwartong kanyang inookupa.

Kinatok ko iyon. "Quiro gising ka pa?" Tawag ko dito. Pero walang sumagot. Kumatok ako ulit pero wala pa rin. Napabuntong hininga ako. Siguro tulog na siya. Patalikod na ako noong marinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napangiti ako. "Thanks God you're still awake-" pero nanlaki ang mata ko at napalunok. Nawala din ang aking pagkakangiti noong lumanding ang aking mga mata sa malapad niyang dibdib. May mga butil butil pa ito ng tubig. Parang naumid ang aking dila. Mas lalo na noong makita ko ang kabuuan niyang itsura. Talagang napanganga ako. Basa pa ang buhok nito na pinupunasan niya. And he is only wearing towel that was sexily wrapped in his waist. I just saw his sexy V line. Napakurap kurap ako noong ibinalik ko ang aking mata sa kanyang mukha.

And now he is wearing that playful and sexy smirk.

"Liking the view?" He ask with his husky voice. Nagcross arms pa siya at isinandal ang kaliwang braso niya sa hamba ng pinto. Pakiramdam ko tuloy natuyuan ang aking lalamunan.
Yung pakiramdam na gusto kong uminom ng tubig. Bakit lalaking lalaki ang itsura  niya ngayon? What's wrong with him?

Why am I feeling that he is seducing me?

Wait or he is just playing with me now?

Aasarin na naman siguro niya ako.

Nanatili akong gulat at tulala. Dahil matagal na akong hindi nakakakita ng ganitong tanawin. Tanging sa mga pictures lang pero sa ngayon heto nasa harapan ko ang isang lalaki- scratch  that- isang baklang ifiniflex ang kanyang magandang katawan dito sa harapan ko.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon