Chapter 31

27.1K 710 144
                                        

When he gave me the cold gaze. That hurting cold gaze.

Natakot ako.

Natakot ako sa pwedeng mangyari. What if he would give up on me?

Hindi yun pwedeng mangyari. At mas lalo akong natakot noong tinalikuran niya kami. And seeing his sad back while walking away from us made me scared and sad.

Bakit pakiramdam ko sa pagtalikod  niyang iyon parang lalayo na siya sa akin?

Ang tanga mo kasi Jamieya. And right at that moment pinagsisihan ko na sinabi ko na ayaw kong magpakasal kay Quiro.

But I do have my own reason why I said that.
And I need to explain it to him. Sana lang ay pakinggan niya ako.

Kaya agad agad ko siyang sinundan.

"Quiro!" Tawag ko sa kanya pero tila wala siyang narinig. Kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Mabuti nalang at naabutan ko siya bago pa siya makasakay sa kotse niya. I grab his arm. "Quiro." I called out his name again. Tumigil siya at saka niya ako hinarap. Napasinghap ako noong makita ko kung gaano siya nasasaktan. At nakita ko din kung anong epekto sa kanya ng pagkawala ko ng tatlong araw.
Nangingitim ang ilalim ng mata niya. And he has visible stubbles.

I planned to run away again. When I wake up that morning I plan to run away again para makapag isip isip ako. But then his mother caught me. At hindi daw niya ako papayagang taguan ang anak niya. That's why she suggested me to just hide from her son just for awhile. At saka niya ako dinala sa bahay nila, sumaglit lang muna kami sa bahay ko para kumuha ng mga damit ko. Ang dahilan ng mama ni Quiro kung bakit niya ako tinulungang magtago?

Kailangan niya daw malaman kung nasaan ako dahil ayaw niya daw mahirapan si Quiro ng matagal..Atleast daw kapag alam nito kung nasaan ako ay matutulungan niya ang anak niya.

And after three long days ay nakapag isip isip ako ng mabuti.

I decided not to marry him.

"Quiro let me explain."
Bumuntong hininga siya at saka marahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

"You don't need to explain Jamie gurl, naiinitindihan ko." Malumanay na sabi niya sa akin. Pero imbes na makahinga ako ng maluwag dahil naiinitindihan niya ako ay hindi. Dahil hindi niya ako naiintindihan, for I know iba ang pagkakaintindi niya. And I need to clear it. At imbes na masiyahan dahil sa pagiging malumanay niya ay hindi. I don't want him to be calm like this.

"Quiro hindi ganun yun-"

"I know, you don't want to marry me coz you don't like me." He said and he smile bitterly.
Napailing iling ako dahil mali siya.

I like him...

Infact I already love him but...

"No-" he didn't let me finish again.

"Save it Jamieya. Save all your explanations Jam if you're just going to reject me again." Sabi niya. At saka niya ako tinitigan at dumagundong ang puso ko sa kaba. No! His eyes were so sad. His eyes lose his hope on me. Nawalan na siya ng pag asa sa akin.

"Quiro..." Naiiyak na tawag ko sa kanya.

"Pagod na din ako Jam." He said and chuckled bitterly. Napailing iling ako sa pagtutol.

He need to hear me out!

Hindi siya pwedeng mapagod!

He only need to wait for me just for awhile. Konting konti nalang eh.

Konting konti nalang talaga.

"Quiro." May isang luhang tumulo sa mata ko. Hinawakan ko ang kamay  niya. Pero bumuntong hininga siya at saka niya ulit inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
At walang imik niya akong iniwan doon ni hindi niya ako binigyan ng chance para masabi ang dahilan ko.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon