Yanna's POV
"Excited ka na ba, anak?" tanong sakin ni Papa at saglit na lumingon sa pwesto ko.
"Di naman po masyado" sagot ko sakanya at bumalik na sya sa pagmamaneho.
"Bakit naman?" tanong nya muli.
"Kasi po di ko na kayo makakasama ni mama sa bahay, sa christmas break nalang po ulit tayo magkikita." malungkot kong saad habang naka-tingin sa bintana.
Bigla namang natawa si Papa dahil sa sinabi ko kaya napatingin ako sakanya. "Yanna, 17 years old ka na at kasama mo naman ang pinsan mo doon. Dadalawin ka parin namin ng mama mo paminsan-minsan." mahinahong sambit ni Papa na nagpawala ng lungkot ko.
"Sabi mo po yan ah? Pinky swear?" malambing kong saad.
"Pinky swear." tinaas ni Papa ang pinky finger nya sign na nangangako sya. "Osya, matulog ka muna gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo." dagdag nya pa kaya tumango nalang ako.
____________________
"Yanna.. anak.." rinig kong bulong ni Papa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumambad sa akin ang isang magandang lugar."Welcome to Howflley City!" masiglang saad ni Papa.
Hindi ko na napansin si Papa at agad ko ng binuksan ang pinto dala ng excitement. "Whoa." tipid kong saad habang namamangha sa lugar.
Nilibot ko ang aking paningin, napaka-tahimik ng paligid, ang bango ng simoy ng hangin, napaka-ganda. This is peace.
Nauna na akong naglakad papunta sa dorm na pansamantala kong titirhan kasama ang aking pinsan. "Papa, tara na!" sigaw ko kay Papa, hindi pa pala sya sumunod sa akin kaya tinawag ko na.
"Papunta na, anak! ma-una ka na susunod ako!" sigaw nya pabalik kaya nagsimula na ulit akong maglakad.
Hindi pwedeng ipasok ang kotse sa loob ng eskinita kaya naglakad nalang kami, hindi rin naman masyadong malayo ang dorm namin.
____________________
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay sa wakas natanaw ko na rin ang pinsan ko na nakatayo sa labas ng pinto, naghihintay.Matagal-tagal narin kaming hindi nagkita dahil lumipat sila ng bahay, naging matured na ang mukha nya pero ang kilos nya.. hindi na ata magba-bago.
"Yanna!!!" sigaw nya sabay takbo sa akin ng naka-spread ang kamay. hays, maiipit nanaman ako nito sa yakap nyang akala mo mawawala ako sakanya.
"Aexyne! kamusta ka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nga sa yakap nya. grabe, parang nadurog mga buto ko. wala akong magawa kundi yakapin nalang sya pabalik.
I actually don't like hugs because it's irritating.
Tinapik ko ang likod nya dahil halos di na ako makahinga sa higpit ng pagkaka-yakap nya. "Na-miss kita." masaya nyang saad at inalis na ang pagkakayakap sa akin.
"I missed you too, Aex. Now, help me with this." naka-ngiti kong sambit at hinagis sakanya ang dala dala kong bag.
"Aray naman!" pagrereklamo nya dahil natamaan ng bag ang mukha nya. pfftt, such a kiddo.
"Bilis na. ili-libre mo pa ako pagka-tapos nito!" pang-aasar ko sakanya dahilan para irapan nya ako. HAHAHAHA pikon.
Magka-edad lang kami ni Aexyne kaya simula bata palang kami ay sobrang close na namin, sya din ang napagsasabihan ko ng mga problema. Only child ako kaya kapatid na ang turing ko sakanya.
Secrets and problems are within the two of us, ang secret ng isa, magiging secret ng isa. We help each other with everything. That's how our friendship works and I'm proud of it.
____________________
Aexyne's POV"So, medyo maliit lang pala itong lugar na to.." saad ni Yanna habang naglilibot-libot "May arcade ba dito?" tanong nya pa.
Sabi ko na nga ba e.. arcade nanaman ang una nyang hahanapin.
"Meron naman kaso sinara na." pagbibiro ko, ganti lang sa kanina hehe.
"Bakit naman sinara? wala ng ibang arcade? hindi pwedeng walang arcade dito, lahat meron." sunod sunod nyang saad, ang daldal ng babaita.
"Shut up. merong arcade dito, binibiro lang kita." natatawa kong sambit.
"Edi wow." tipid nyang sagot. hays, tampo nanaman sya.
"Tara, punta tayo arcade libre kita." panunuyo ko sakanya.
"Talaga?! tara na! bilis!" sabi nya at dali-dali syang nagtatakbo. napasinghal na lamang ako sa inasal nya, ang childish talaga.
"Hoy! hintayin mo ako!" sigaw ko sakanya pero patuloy parin sya sa paglakad nya. "Aish!" dagdag ko at sinundan nalang sya.
____________________
Yanna's POVSo, this is Howflley City. It's good, it is actually good lalo na at may arcade dito, malinis ang paligid, maayos ang pamamahala nila dito, maayos din naman siguro ang mga tao dito. It's almost perfect.
This is the new chapter of my life. Malapit na rin ang classes. I miss mom and dad already, hays.
I'll be ready for this chapter, sana naman may konting mystery or adventure dito sa lugar na to. Mas gugustohin ko nalang mag-solve ng isang mystery dito, because school is so toxic, not actually the school.. the people.
Okay, Howffley City bare with me.

YOU ARE READING
I love you, Murderer
Misterio / Suspensolove can do anything. once you knew it, you'll die.