Chapter 6 : Can we solve it?

7 2 1
                                    

Aexyne's POV

Tahimik akong nagbabasa ng wattpad ngunit na-tigil ito nang bigla nalang may tumawag, si Gideon pala.

"Narinig mo ba yung balita kagabi?" agad nyang tanong sakin, hindi naman ako nanonood ng balita.

"Hindi, bakit?" kunot noo kong tanong dito.

"Well, let's meet at the arcade, 10am." saad naman ni Gideon.

"Ano? Bakit biglaan naman? Dapat kagabi nyo sinabi para nakapag-ready ako, diba?" pag-rereklamo ko sakanya.

"Bilisan mo nalang, dami mo pa sinasabi e. Natawagan ko narin sila Yumi, papunta na sila. Dalian mo." saad nya, psh.

"Isa-sama ko ba tong si Yanna?" tanong ko sakanya.

"Ikaw bahala, di naman to secret e." sagot nya.

"Wushuu, gusto mo lang sya makita ihh." pang-aasar ko sakanya sabay tawa.

"Hindi ah, wala naman ako sinabi. Bye na, see you later." saad nya at binabaan na ako ng telepono. Tss, pikon.

Dali-dali kong ginising si Yanna, di naman sya mahirap gisingin, sobrang hirap lang, tae.

Napalo ko na, nahampas ko na ng unan, kung ano-ano na ginawa ko pero patuloy parin syang bumabalik sa pag-tulog.

Hmm..

"HOY! PUPUNTA TAYO KAY GIDEON!" malakas kong sigaw.

"Ha?!" agad nyang sigaw pabalik at umupo sa higaan.

"Wow." maikli kong saad. Grabe, ganito pala gisingin ang mga inlove.
____________________
Aidan's POV

"Isn't cool?" tanong ko kay Gideon. Nandito kami ngayon sa arcade, kami palang dalawa ang nandito, inaya rin kasi ni Gideon sila Yumi pero wala pa sila. Hindi na ako magtataka kung bakit late nanaman sila, hays mga babae nga naman dami daming ginagawa sa buhay.

"Ano ang cool dun, Dan?" seryoso nyang tanong sakin. Luh, sinabi ko lang naman opinion ko tungkol sa nagpakamatay na babae sa balita kagabi.

"Ewan. I found it cool e, ba't bat." paglalaban ko sakanya.

"Ewan ko sayo." saad nya at nilibot ang kanyang paningin. "Ayun na pala sila Chesa." dagdag nya sabay turo sa entrance ng arcade.

"Saa-- whoa."

Yumi.. she is wearing ripped jeans, a white crop top covered with a simple denim jacket, beautiful.

I let out a wide smile while looking at her. I can't take my eyes off her. I'm falling deeper, Yumi.

"Hoy, Dan!" sigaw naman ni Chesa dahilan para magulat ako.

"A-ano yun?" nauutal kong saad at dali-daling inalis ang tingin ko kay Yumi.

"Kanina ka pa naka-titig kay Yumi, inlove ka nanaman no?" pang-aasar nya sakin. Psh, kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Hindi no! Kamukha nya nga yung aso namin e." pagd-deny ko, pakipot muna tayo syempre.

"Hahampasin ko to, sabihin nyo 'go'" napatingin ako kay Yumi nang sya ay magsalita, pagka-tingin ko rito ay naka-ngiti sya ng pilit. Patay.

"Go!" saad naman nila Gideon at Chesa, ang epal talaga.

Akmang hahampasin na ako ni Yumi kaya tumagilid ako ng kaunti at inilagay ang dalawa kong kamay sa taas ng aking ulo bilang proteksyon.

"Biro lang, mahal!" sigaw ko sakanya.

Naghihintay ako na merong kamay na dadapo sa akin ngunit wala, dahan-dahan kong inalis sa aking ulo ang mga kamay ko.

"M-mahal mo mukha mo!" iritang sigaw sakin ni Yumi kaya natawa ako ng bahagya, ang cute. Hala, kinilig ata yung baby ko.
____________________
Yumi's POV

Kainis! Ano ba ang nangyari sakin kanina, hindi naman ako ganun dati ah. Argh! Don't tell me kinilig ka dun Yumi, tss.

"Okay ka lang? Bakit parang inis na inis ka HAHAHAHA." lumapit sakin si Chesa. Nang-asar pa nga.

"Ang hilig mo talaga mang-asar, hmp!" saad ko naman. Hindi ko kayang magalit sakanya, para na kaming magkapatid, pero naiinis padin ako paminsan-minsan.

"Guys!" napatingin ako kung saan nanggaling ang sigaw na yun, si Aexyne pala kasama si Yanna, may dala pang fries.

Tumakbo sya papunta sa amin ni Chesa at iniwan nanaman ang kasama nya. Yung totoo? 500 years ba kami hindi nagkasama?

"Bakit ang tagal nyo?" masungit na saad ni Gideon, ang attitude talaga nito daig pa ang mga babaeng may red days.

"Eto kasing si Yanna e!" pagmamaktol ni Aexyne.

"Bakit ako? Wala naman ako ginagawa ah!" saad ni Yanna.

"Ang tagal mo kayang gumising! Kung hindi pa sasabihin pangalan ni Gi--"

"Masarap? Sarap no?" sarkastikong saad ni Yanna matapos nyang punuuin ng fries ang bibig ni Aexyne.

"Bwahawa ka dwan!" saad ni Aexyne kaya napatawa nalang kami dahil halos di na namin sya maintindihan.
____________________
"So are you saying that hindi sya nagpakamatay?" takang tanong ni Chesa sa grupo. Pinaguusapan namin ngayon ang balita kagabi, it's freaking me out.

"Yeah. What if pinalabas lang nila na suicide yun kahit hindi naman? At ang sabi wala syang pinagdadaanan." saad naman ni Gideon.

"Paano kung pinapakita nya lang na wala pero meron talaga. Spill it out, maraming ganun na tao." saad ni Chesa.

"Hey." pag-aagaw atensyon ni Yanna kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Nung isang araw binasa ko ang book of Howflley. It says that the incident happens every 5 years and guess what? It's year 2020." pagpapaliwanag nya dahilan para kilabutan ako. Hell no, this isn't happening.

"May point kayong tatlo. Iba-iba ang mindset natin, we better expect the worst, guys." seryosong saad ni Aidan, wow.

"Kung murder nga ang sanhi ng pagkamatay nya at hindi suicide, then dapat nating sabihin sa mga pulis, right?" saad naman ni Aexyne.

"No, wala tayong proof. Magmumukha lang tayong baliw sa paningin nila." saad naman ni Yanna.

"Yeah, ang ibang pulis ay hindi maniniwala at malay mo binabayaran sila ng may gawa nito." pag-sang ayon ni Gideon.

"Okay, guys." saad ko at huminga ng malalim. Ayaw ko ng ganitong topic pero sige. "Kung hindi kikilos ang pulis, pwede tayong gumawa ng paraan." dagdag ko pa.

"Can we solve it?"

I love you, MurdererWhere stories live. Discover now