Third Person's POV
"Yun ang plano natin una palang!" sigaw ng isang lalaki na naka-suot ng black na pants at jacket. Mukhang may kaalitan ito.
"Sinabi k-ko naman na h-hindi ko kaya, d-diba?" mahinang saad naman ng isang babae habang nauutal at naiiyak.
"Ikaw na mismo ang nagsabi na may depression si Maddy! Pareho lang tayong takot kay Alas kaya dapat nating gawin to." saad naman ng lalaki at pilit nyang pinapakalma ang sarili.
"I c-can't kill my bestfriend!" sigaw naman ng babae. "I w-want to quit." dagdag pa nito.
"We can't! Hindi na tayo pwedeng umalis, ang magagawa lang natin ay sundin ang plano." pagpapaliwanag ng lalaki.
"Pero kaibigan ko sya! Hindi lang kaibigan, para ko narin syang kapatid!" paglalaban ng babae.
"We will kill Maddy! Yun ang plano at gagawin nat--"
"K-kill me?" saad ng isang babae na tila kanina pa nanonood sa away ng dalawa, si Maddy.
"Maddy n-no.." mahinang saad ng babae at tuluyan na itong napaiyak.
"It is f-fine.. it was my wish a-after all" nauutal na saad ni Maddy.
"H-how can you wish like t-that?" tanong ng babae at dahan-dahang lumapit kay Maddy ngunit umatras ito.
"Fuck." tanging saad ng lalaki.
Saglit na natahimik ang tatlo at ang maririnig lamang sa paligid ay ang paghagulgol ng babae at ni Maddy.
"If I c-can't end m-my life.." pag-basag sa katahimikan ni Maddy. "C-can you guys end it?" dagdag pa nitong tanong tsaka ngumiti ng pilit.
"I am sorry, Maddy." saad ng lalaki at nilabas ang kanyang pocket knife. "Rest in peace." dagdag pa nito at tuluyan ng sinugod si Maddy.
"No!" hiyaw ng babae. Dali-dali syang tumakbo papunta sa lalaki upang pigilan ito pero huli na.
Bumagsak ang hinang-hina na si Maddy sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang tiyan sa parte kung saan sya nasaksak.
"M-maddy.." saad ng babae.
"H-hey. I know w-who you are." saad ni Maddy, hirap na itong magsalita dahil sa sakit. "Y-you are my b-bestfriend, r-right?" dagdag pa nito.
"S-stay. Dadalhin kita sa hospital." tarantang saad ng babae ngunit pinigilan sya ni Maddy.
"Wag n-na. Sabihin mo s-sakanila na m-mahal ko sila, ha? M-mahal na mahal. Ikaw d-din, mahal k-kita." kahit nahihirapan na ito ay pilit parin syang nagsasalita.
"T-thank you for ending my p-pain." saad ni Maddy habang nakatingin sa lalaking sumaksak sakanya.
Natulala ang mga salarin nang mapagkamalan nilang hindi na gumagalaw si Maddy, tila hindi na sila maka-kilos dahil sa nangyari.
"Maddy.. I l-love you too." saad ng babae sabay punas ng mga luha nya. Napabuntong hininga ito at tumayo na. "L-let's clean this up." malamig nyang saad kaya napa-tango nalang ang lalaki.
Habang sila ay naglilinis ng kalat may biglang nakita ang babae, isa itong kwadernong puno ng palamuti. Unti-unti nya itong binuksan at laking gulat nya na diary pala ito ni Maddy.
Ang bawat pahina ay puno ng hinanakit at problema, sa paglipat ng pahina ay kasabay ang pagpatak ng mga luha ng babae.
Hindi tumigil sa pagbabasa ang babae, napapangiti ito sa tuwing nababasa nya ang tungkol sakanilang dalawa ng kaibigan nya, may kasama pa itong mga litrato.
Bahagya nyang pinunit ang isang pahina na may kasamang litrato nila. "I'm sorry" matamlay nitong saad at ibinulsa ang papel.
____________________
"It's done." saad ng lakaki sabay nagpagpag ng kanyang kamay at damit. "You sure wala ng kalat doon? Mahirap na, baka makahanap sila ng lead." dagdag nito."Yeah, she's done suffering." saad naman ng babae habang naiiyak parin.
"I am sure. Tinignan ko na rin ang mga sulok." saad muli ng babae at nag-ayos na.
"Stop crying na. Wala na syang problema, she is in peace now. Ilang minuto nalang dadarating na ang mga pulis, kailangan na nating umalis dito bago pa nila tayo abutan." nagmamadaling saad ng lalaki at muling sinuot ang itim nyang jacket.
"Just shut up and start the motor. Let's get out of here." sagot ng babae at tuluyan na silang umalis sa lugar kung saan nangyari ang masasamang ala-ala.
YOU ARE READING
I love you, Murderer
Mystery / Thrillerlove can do anything. once you knew it, you'll die.