Yanna's POV
"May history ba itong Howflley?" tanong ko kay Aexyne. Gusto ko lang malaman kung may masamang pinag-daanan ba ang mga tao dito. Tulad nalang ng mga krimen na pag-patay, pag-nakaw at iba pa.
"I'm not sure about it pero meron atang book of Howflley sa library." sagot ni Aexyne.
"Whoa. Nice, saan yung library?" tanong kong muli.
"Malapit sa mall." sambit nya at tumingin sa akin, "Gusto mo samahan na kita?" tanong nya pa.
"Hindi na, kaya ko na at tsaka may ginagawa ka pa e." pagta-tanggi ko sakanya, ayaw ko narin syang abalahin.
"Sigurado ka?" tanong nya.
"Oo naman, ako pa ba." sagot ko at nag-pose sa harap nya.
"Ain't cute." tipid nyang sagot kaya napa-irap nalang ako. Hays, maka-alis na nga lang.
____________________
"Alright, here we go." saad ko nang marating ko na ang library na sinasabi ni Aexyne.Pag-pasok pa lamang ay kitang-kita na ang kalinisan ng paligid. Maayos na naka-arrange ang mga libro, sobrang tahimik at matino ang mga librarians.
Linapitan ko ang isa sa mga nag-aayos ng libro. "Uhm, can I ask?" nahihiyang pag-hingi ko ng permiso.
"Yeah, sure." saad nya habang naka-ngiti. They're generous, great!
"Tanong ko lang po sana kung nasaan po yung Book of Howflley?" tanong ko sakanya.
"Ah, nandoon sa pang-apat na shelf." sagot nya sabay turo sa kinaroroonan ng libro.
"Sige po, salamat!" I replied with a smile at umalis na para hanapin ang libro.
Tingin dito, tingin doon. Hindi ko mahanap sa baba kaya sinubukan kong tignan sa bandang taas.
"Ayun!" saad ko nang makita ko na ang libro ngunit hindi ko ito maabot. Sinubukan kong tumingkayad pero hindi ko talaga kaya, sinubukan ko na ring tumalon pero wala itong epekto.
"Argh." mahina kong saad habang pilit parin na inaabot ang libro sa taas.
Matapos ang ilang minuto ay wala parin akong napapala, ang sakit na ng paa ko kaka-tingkayad.
Napa-singhal nalang ako at napa-yuko.
"Here." rinig kong saad ng isang lalaki sa likod ko kaya bigla akong napa-harap dito. Laking gulat ko nang makita kong sobrang lapit nya sakin.
"U-uh, thank you hehe." nauutal kong saad at kinuha na ang libro sa kamay nya.
"You're welcome." sambit nya sabay ngiti.
Hala ang cute..
"So? I gotta go, nice meeting you." sambit nya muli, hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya.
"Nice to meet you too." saad ko sabay ngiti din sakanya. Kumaway muna sya sakin bago umalis.
ksksksksksks.
____________________
Umupo na ako sa isang sulok at inumpisahan ng mag-basa.So, there's an incident at 2000, 2005, 2010 and 2015. Is it just a coincidence? The incident happens every 5 years? This year is 2020, may mangyayari ba? Nah, maybe I'm just weird to think of it.
palipat-lipat ako ng page dahil hindi interesting ang iba. Natigil ako sa paglipat ng pahina nang makita ko ang mga litrato ng mga victim ng pag-patay, how brutal. Yuck.
Sinasabi dito na isang grupo ang may pakana nito, may mga myembrong nahuli at nakulong na hinatulan ng kamatayan, pero ang leader ng grupo ay patuloy parin sa pag-buhay ng grupo.
"Oww. I'm speechless about this. Cool but not too cool." saad ko at pinagpatuloy na ang pagba-basa.
Makalipas ang ilang minuto ay nabagot na ako kaka-basa ng libro kaya naisipan kong itigil muna. Magga-gabi na pala, kailangan ko ng umuwi.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinoli na ang libro tsaka lumabas ng library.
Halos lahat ng krimen ay murder, kaka-unti lang ang mga pag-nanakaw at pangga-gahasa, which is good naman pero ang pag patay? For me, it's the worst crime.
Sana nga hindi na ma-ulit ang mga nangyari noon. Let's just pray for our safety and for this City.
I'm starting to love Howflley, mayroong action, mabubuting tao, malinis na paligid at syempre merong arcade.
Okay, imma go home and tell Aexyne about that cute handsome guy hihi.
YOU ARE READING
I love you, Murderer
Misteri / Thrillerlove can do anything. once you knew it, you'll die.