Chapter 5 : Dead body reported

5 2 0
                                    

Gideon's POV

"Dali!"
"Doon, Gi!"
"Ayun yung kalaban!"
"Bilisan mo!" mga sigaw ng tropa ko habang ako ay naglalaro dito sa arcade.

Pindot dito, pindot doon. As usual, ako nanaman ang panalo, it's like no one can beat me here, huh.

Well, I am the king of Howflley's Arcade.

"Yun oh! Galing talaga, tol." saad ni Aidan at may nalalaman pang pala-palakpak.

"Syempre naman, kailan pa ba natalo yan HAHAHAHA" saad naman ni Yumi habang tumatawa.

Napa-ngiti nalamang ako sa mga komento nila, nakakatuwa, atleast at games I'm the best haha. Ang arcade lang at ang mga tropa ko ang nagpapa-saya sa akin.

Mga tropa ko ang sandalan ko, sila ang laging nandyan sa tuwing may problema ako. I might look cool and strong but no, for me, I'm the weakest alive.

Buo ang pamilya ko pero hindi ko ramdam, hindi ko ramdam na nandyan sila kasi lagi nalang nag-aaway ang parents ko and I am the only child, wala akong kapatid kaya sa tropa ako sumasaya.

Gideon Hernandez, now you know me..

"Gi, tara laro pa tayo sa ibang games." pag-aaya ni Chesa sakin at sa dalawa pa. Quad kami and our quad is the strongest.

"Tara, pag nanalo to libre nyo ako ha." pang-aasar ko sakanila, pero hindi naman sila papayag, napaka-kuripot kaya ng mga to akala mo naman may pinag-iipunan.

"Luh, asa ka!" biglang saad ni Yumi, sabi na nga ba e.

"Ako ba may pag-asa sayo, Yumi?" tanong naman ni Aidan. Nako, dumada-moves nanaman to.

"Oo, gusto mo ng hampas?" saad ni Yumi habang may pilit na ngiti sakanyang labi. HAHAHAHA lagot Aidan.

"Yan, banat pa more Aidan. Alam mo naman na napaka-bitter nito e." saad naman ni Chesa habang natatawa.

"Tara na nga." saad ko at umakbay kay Aidan, "Goodluck next time, tol." saad ko sakanya at sinamaan nya ako ng tingin kaya natawa nalang ako.
_____
Nakaka-ilang laro na kami, pagod na din kami kaya naisipan naming lumabas na ng arcade at kumain muna.

"San tayo kakain?" tanong ni Chesa habang naka-hawak kay Yumi, parang kambal tong dalawang to.

"Jabi syempre." sagot naman Yumi.

"Always the best Jabi, mwa!" saad ni Aidan at may pa-flying kiss pa, parang bakla.

"Gutom na ako. Sayang last game di na--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang may nakabangga sa akin. Grabe ang sakit nun ah.

"Hala gago Yanna ginagawa mo." saad ng isa nyang kasama, parang kilala ko ata to ah.. hmm.. Aexyne?

"Xyne?!" sigaw ni Yumi at Chesa. Si Aexyne nga.

"Yumi! Chesa!" saad naman ni Xyne habang papalapit sa dalawang babaita, pinabayaan yung kasama nya.

Tinignan ko ang babae na naka-bangga ko kanina. Naka-yuko sya, pinapagpag nya ang damit nya.

"Okay ka lang? Sorry, di kita nakitang paparating." pag-aapproach ko sakanya.

"Ayos lang, sorry din." saad nya tsaka ako tinignan, "Ikaw?!" gulat nyang tanong. Familiar sya sakin, parang nakita ko na sya noon.

"Ako?" takang tanong ko sakanya.

Ah! Sya nga pala yung babae sa library!

"Teka, kilala nyo isa't-isa?" pag-lapit sa amin ni Aexyne sumunod naman sila Aidan, Chesa at Yumi.

"Not really, na-meet ko sya nung isang araw sa library." pagpapaliwanag ko sakanila.

"Seriously, Yanna? Sya yung sinasabi mo na cute at gwapo sa library? E mukha nga yang stick." saad ni Aexyne, grabe maka-lait.

"A-ano? Wala naman akong sinasabi na ganun ah." nauutal na saad ni Yanna.

"Cute at gwapo pala ha." pang-aasar ko sakanya.

"Baka love life mo na yan, tol." saad naman ni Aidan.

"Kami ninang sa kasal ah." saad naman ni Yumi at Chesa.

"H-hindi 'no." saad naman ni Yanna, "Tara na, Aex." nagmamadali nyang hinila si Xyne papalayo samin. May nasabi ba akong mali?
____________________
Chesa's POV

Hays nakaka-pagod ang araw na to, daming ganap.

Kumuha ako ng junk foods at softdrink sa ref at binuksan ang tv, movie time.

Ili-lipat ko na sana sa Netflix ngunit napunta ang atensyon ko sa balita, dahilan para malipat doon ang interest ko.

"Isang dalaga ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto. Makikita dito na nag-suicide ang dalaga ngunit ang sabi ng mga magulang nito ay masayahin at masigla ang ipinapakita ng anak nila, wala itong nabanggit na problema." saad ng reporter sa tv.

"Pretender. Wag mag papadala sa pinapakita ng mga tao dahil nasa loob ang totoo nilang nararamdaman, hindi sa labas." saad ko at pinagpatuloy na ang pakikinig sa balita.

"Sa ngayon ay susuriin at iimbistigahan pa ang pangyayari sa lugar na ito." saad pa nito at nag-commercial break na.

Hays, condolence..

Alright, let's watch some series or a movie.

I love you, MurdererWhere stories live. Discover now