Chapter 9

258 35 20
                                    


"Ako na nga, mamaya ka na lang sa likod ko," ani Cindy na katatapos lang magpahid sa kanyang mga braso. Nabagalan siya kay Fritz sa ginagawa nitong pagpahid ng langis sa mga hita niya.

Kapagdaka'y yumuko na siya upang siya na ang magpatuloy niyon. Sa kanyang pagkakayuko ay tumambad kay Fritz ang malulusog niyang dibdib. Nandilat muli ang mga mata nito.

Sa bawat paghagod ni Cindy ay kumalog-kalog pa ang mga iyon. Naramdaman ni Fritz na pumintig-pintig din ang kanyang sundalo. Dahil sa nipis ng balat ng dibdib ni Cindy, naaninaw pa niya ang mga maliliit na ugat na nakagapang dito. Lumakas din ang kabog ng dibdib niya na tila tinatambol.

Parang may bumubulong sa kanya na hawakan ang bahaging iyon ni Cindy. Nakakakita man siya ng mga ganoon sa litrato at sa mga pelikula, unang pagkakataon niyang makakita ng malapitan.  Napaawang pa ng bahagya ang kanyang mga labi; nang makasinghap siya ng bahagyang hangin ay muli siyang napalunok.

Halata kay Cindy ang pagmamadali, nang matapos niya ang magkabilang hita ay mabilis siyang tumayo at muling humingi kay Fritz nang langis.

Mabuti na lang at kalong ni Fritz ang bag ni Cindy, kundi ay tiyak na mahahalata nito ang paninindig ng kanyang kabahagi. Muli niyang piniga ang bote ng langis sa nakasahod na palad ni Cindy. Bahagya na ding nabawasan ang kanyang panginginig dahil unti-unti na siyang nasasanay sa mga nakikita niya.

Pagkakuha ng langis ay mabilis na ipinahid iyon ni Cindy sa parteng tiyan niya. Ginagawa niya iyon dahil maganda ang kalalabasan nito sa litrato. Hindi lamang siya ang gumagawa niyon, pati na din ang ibang mga naroroon na magpapakuha ng litrato.

Matapos sa tiyan ay ang leeg naman ang pinahiran ni Cindy, idinamay na din nito ang batok. Hindi na nito ibinaba ang kamay at naglandas iyon sa pagitan ng kanyang mga dibdib.

Mabilis namang gumana ang imahinasyon ni Fritz, iniisip niyang siya ang gumagawa niyon. At habang pinapahiran niya ito ng langis ay nasasanggi niya ang mga malalambot na laman na nakapagitan sa kanyang kamay.

Hindi alintana ni Cindy ang kainosentehan ni Fritz. Bukod sa nagmamadali siya sa ginagawa, iniisip niyang balewala lang kay Fritz ang mga ganoong bagay.

"Tayo ka na d'yan, last na, ' yung likod ko na lang," ani Cindy. "Tropafritz, baka isipin mo ginagawa kitang alalay ha. H'wag kang mag-alala, makakabawi din ako sa 'yo. Geh na, tayo ka na." Tumalikod na si Cindy.

Laking pasalamat ni Fritz at tumalikod agad si Cindy bago siya tumayo.  Hindi pa din kasi lumalambot ang nagwawala niyang kawal sa loob ng kanyang pantalon. 

Nakakuha ng pansin sa ibang naroroon ang kanyang pagtayo dahil sa kanyang tangkad. May ilan pa siyang nakita na tumingin agad sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Nang tingnan niya ang sarili ay nakita niyang bukol na bukol ang bahagi niyang iyon.

Pasimple niyang sinabihan si Cindy na humarap sa dingding upang matalikod sila sa mga naroroon. Mabilis namang tumalima si Cindy, naging pabor pa iyon kay Cindy dahil may pansamantala siyang tutukudan habang pinapahiran siya ng langis ni Fritz sa kanyang likod.

Habang ginagawa iyon ni Fritz ay napababa ang kanyang tingin sa nakausling puwitan ni Cindy. Napuna niyang halos dumikit na iyon sa bagay na nakabukol sa kanyang pantalon. Halos magkatapat din ang mga ito. Tila naman nananadya ang kanyang sundalo, lalo iyong nanggalaiti na tila gustong abutin talaga ang kalaban.

Malaki ang bahagi na iyon ni Fritz. Kung iyon ay naka-direksyon paitaas; dahil sa galit nito ay tiyak na lumagpas na iyon ngayon sa kanyang pantalon. Mabuti na lang at laging palihis niya iyon iniaayos.

"Ibaba mo naman, sa gawing beywang," ani Cindy.

Pagkasabi nu'n ay bahagyang iniyuko ni Cindy ang kanyang katawan. Sa kanyang pagkakayuko ay bahagyang umatras ang kanyang puwitan at nadikit sa nagngangalit na bumbilya ni Fritz.

MAMA'S BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon