Chapter 18

272 27 11
                                    


Gaya ng nakagawian, paglalaro ng basketball ang libangan nina Fritz at Pieter tuwing walang pasok. Hindi man ganoon kalaki ang kanilang pinaglalaruan sa likod bahay, sapat na iyon para sa kanilang dalawa.

"Malapit na naman ang intrams ah, wala pa ba kayong practice?" tanong ni Fritz habang nagsisintas ng sapatos.

"Baka itong weekend na darating Kuya," tugon ni Pieter. Eh kayo ba?"

"Baka ganu'n din, magpapa-try-out daw ulit 'yung coach namin, may mga bago daw na gustong sumali. Pero malakas na 'yung team namin last year, ewan ko kay coach kung bakit magpapa-try-out pa."

"Baka nabalitaan n'yang may mga bagong sasali sa team namin?" ani Pieter habang nagpapakaldag ng bola. "May mga transferee kasi na mga players daw sa dating school nila."

"Hindi naman kayo mananalo sa 'min, panay pa kuha n'yo ng players," biro ni Fritz habang nagpapandagan ng kanyang jersey.

"Kuya naman, bilog ang bola. Remember last year, kaya lang kayo lumakas eh dahil din sa mga transferee."

"Let's see." Inagaw agad ni Fritz ang bola mula sa pagpapakaldag ni Pieter. Itinakbo niya iyon patungo sa ring, tumalon siya nang malakas at saka ipinasok ang bola nang padakdak.

Pagka-shoot niyon ay muling niyang sinapo at mabilis na ipinasa kay Pieter. Mula sa kinatatayuan ni Pieter ay initsa niya ang bola sa ring. Pumasok din iyon na tila pinaghandaan niya dahil hindi  iyon sumayad sa rim.

"Gumagaling ka na ah," nakangiting wika ni Fritz.

"Practice makes perfect," tugon ni Pieter nang nakangiti din.

Muling pinakaldag ni Fritz ang bola habang palayo sa ring. Nang medyo malayo na ito ay saka umasinta sa pag-shoot.

"This is for Dolly," aniya at saka hinagis ang bola.

Tumama ang bola sa rim pero hindi ito pumasok, mabilis na tinakbo iyon ni Pieter, nang makuha niya ang bola ay pinakaldag niya iyon ng isang beses bago tumalon upang i-shoot ang bola.

"This is for Rose!" aniya kasabay ng pagtalon. Pero gaya ng pagkakaitsa ni Fritz, hindi rin iyon pumasok.

"Lakas ng tama mo du'n sa Rose ah," ani Fritz pagkakuha ulit ng bola. Pansamantala itong huminto sa pagpapakaldag. "Nagkausap na ba kayo in person?"

"Sa chat lang kuya, saka madalang ko siya makita sa school eh. Magkaiba kasi schedule ng breaktime namin. Kayo ba ni Dolly?"

Muling nagpakaldag ng bola si Fritz. "Hindi pa din, akala ko nga nu'ng birthday ni Mama. Pero minsan nagkasalubong na kami, kaso papunta naman siya ng CR."

"Are you planning to court her?" ani Pieter habang nakikipag-agawan ng bola sa kanyang kuya.

"Wala pa sa point na 'yun, sa ngayon eh kwentuhan lang kami sa chat, getting to know each other," tugon ni Fritz sa gitna ng pagbakod nito sa hawak na bola.

Naagaw ni Pieter ang bola at maagap nitong inilayo iyon habang pinapakaldag. "So it means kilala n'yo na isa't isa. Tinanong mo na ba kung may boyfriend?"

Lumapit si Fritz kay Pieter upang subuking agawin mula ang bola. "Sabi ni Cindy wala daw eh, pero balak ko ding itanong. Naisip ko kasi, once na tinanong ko siya, alam kong ibabalik din niya sa 'kin 'yung tanong."

Patuloy sa pag-ilag si Pieter sa kanyang kuya upang hindi nito maagaw ang bola.  Naroong tumalikod siya dito, padaanin sa pagitan ng hita niya ang bola upang hindi ito maagaw.

"Like what?" aniya.

"Kung itanong niya sa 'kin kung bakit ko tinatanong kung may boyfriend s'ya," ani Fritz.

MAMA'S BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon