Chapter 10

270 32 10
                                    


Samantala, ilang sandali matapos nagpaalam ni Fritz sa kanyang Mama Belle, si Pieter naman ang nakagayak na paalis. Naka-walking shorts lang ito na checkered, puting polo shirt at rubber shoes.

Dahil wala si Clifford, kay Belle dumiretso si Pieter para magpaalam. Kasalukuyan namang naglilinis si Belle sa kusina nang datnan ni Pieter.

"Ma, aalis muna ko ha," anito.

"Oh?" Bahagya pang nagulat si Belle. "Umalis din ang kuya mo ah! Saan ka naman pupunta?"

"Ma, nakallimutan ko lang magpaalam kahapon eh." Napakamot pa ng ulo si Pieter.

"Eh pa'no mo maaalala eh busy kayo lagi ng kuya mo sa cellphone, sa pag-cha-chat? Naghapunan tayo kagabi hindi mo pa sinabi para narinig ng daddy mo. Ang kuya mo kahapon pa nagpaalam."

"Sorry na Ma, half day lang naman ako mawawala. Du'n na din ako mag-la-lunch."

"Eh ano ba meron sa school? Sabadong-sabado eh pupunta ka du'n!"

"Sasamahan ko lang Ma si Greta, unang practice nila ng cheerdance ngayon eh."

Napataas bigla ang kilay ni Belle. "Bakit ba mga babae ang naging barkada n'yo ng kuya mo? Sabihin n'yo habang maaga kung. . . hmm." Makahulugang tingin ang ibinato niya kay Pieter.

Nangiti naman agad si Pieter dahil alam niya ang ibig sabihin ng kanyang Mama Belle.

"That we are gay?" anito. "Ma naman, one hundred percent straight boy 'to!"

"Sabagay, may Rose ka nga palang iniirog."

Napakunot-noo si Pieter. "What's iniirog Ma?"

"Aah," naglumikot pa ang mga mata ni Belle habang hinahagilap ang isasagot. "Sinisinta!"

Mas napakunot ang noo ni Pieter. "What? Ano'ng sinisintas Ma? Sa sapatos ba 'yun?"

"Sinisinta hindi sinisintas! Ah, crush. . . humahanga . . tinatangi! Ay kalimutan mo na 'yung huling sinabi ko, basta crush, ayun!"

"Ah, 'yun lang pala Ma ang dami mo pang sinabi." Napangiti si Pieter dahil batid na ng kanyang Mama Belle na humahanga siya kay Rose.

"Ano'ng oras ba usapan n'yo ni Greta?" tanong ni Belle habang kumukuha ng pera sa kanyang pitaka.

"Mga thirty minutes pa naman Ma," tugon ni Pieter.

"Oh eto baon mo, saan ka kamo mag-la-lunch?"

"Magpapa-deliver na lang daw si Greta Ma?"

"Ahh, pero kung kulang, ayan ipangdagdag mo na 'yang binigay ko sa 'yo, o kaya ibili mo na agad ng tubig si Greta, nakakapagod kasi 'yung practice nu'n. Tiyak namang sarado 'yung canteen n'yo."

"Hmm, sige Ma. Wait, paano mo naman nalaman na nakakapagod 'yung practice n'ya?"

Natawa ng kaunti si Belle. "Dati kaming cheerdance ng Tita Apol mo nu'ng high school kami. Kami lagi 'yung iniitsa, itinataas sa pyramid, tumatayo sa balikat ng lalaki."

"Talaga Ma?!" Namimilog ang mata ni Pieter sa tuwa dahil sa kwento ni Belle. "Ganyan din 'yung ginagawa ni Greta eh."

"Ah talaga? Siya ang star dancer kung ganu'n?"

"Oo Ma, kaya nga sikat din sa campus 'yun eh. Ibig sabihin Ma, sikat ka din nuon sa school n'yo? Kayo ni Tita Apol?"

"Of course, bukod pa du'n, may sarili pa kaming grupo ng dancers ng Tita Apol mo."

"It means magaling kayo sasayaw ni Tita Apol? So marunong ka ding mag-split at tumbling Ma?"

"Hmm, dati oo. Pero ang tagal na nu'n eh, baka hindi ko na kaya. Tagal ko na ding hindi sumasayaw. Huling sayaw ko eh one year old pa lang si Luna." Natawa pa si Belle dahil biglang nagbalik sa alaala niya ang showdown nila; siya at si Apol laban kina Beyonce at Shakira.

MAMA'S BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon