Chapter 11

324 32 13
                                    

Tumukod pa si Greta sa dibdib ni Pieter bago ito bumangon; sa pagkakaangat ng katawan nito ay naupuan pa ng bahagya ang junjun ni Pieter. Bago tuluyang nagising si Junjun ay nakatayo na si Greta. Umalalay naman ang dalawang lalaki pa nitong kasama upang itayo si Pieter.

"Ulitin natin ha, basta, kapag bumilang ng tatlo, sabay pitik, sabay bitaw then sapo," saad ni Greta. "Pero sure hindi ka nasaktan ha?" Humimas pa ng pino ito sa mukha ni Pieter.

"No okay lang ako," tugon ni Pieter. "S-sige, alam ko na. Kinabahan lang ako kanina."

"H'wag kang kabahan, tatlo naman kayong sasapo sa 'kin," ani Greta.

Sa muli nilang pagsubok ay nagawa na nila ng maayos ang pagbagsak ni Greta.

"Okay, 'yung twist naman. Walang ipinag-iba 'to Pieter, ako ang mag-ti-twist habang pabagsak, sasapo ka lang ulit," turan ni Greta.

"Okay," tugon ni Pieter na humanda na sa muling pag-angat ni Greta.

"One, two, three, up!" sabay na bilang ng dalawang lalaki. Mabilis nilang naitaas si Greta sa tulong at alalay ni Pieter.

"Ready sa bounce down," saad ng isang lalaki kay Pieter.

Bahagya naman siyang tumango at humanda naman sa pagbagsak ni Greta.

"One, two, three, bounce!" sabay na sambit ng dalawang lalaki.

Bahagya nilang initsa paitaas si Greta na sinamahan nila ng pwersang patulak pakanan upang umikot sa ere si Greta pabagsak.

Nakaabang naman si Pieter sa pagbagsak; dahil kulang sa pwersa, padapa itong nasapo ni Pieter at ng dalawa pa nitong kasama. Sa gawing beywang nakasapo ang isa, sa hita naman ang isa at si Pieter ay sa dibdib, imbes na likod sana nito ang kanyang sapo-sapo.

Hindi man sinasadya ay nahawakan ni Pieter ang dibdib ni Greta; kung kanina ay dibdib niya ang nakaramdam niyon, ngayon ay mismong palad na niya. Mabilis naman nilang itinayo si Greta na may kasama pang tawanan. Nakitawa na din si Pieter pero nanatili sa kanyang isip at pandama ang pagkakahawak sa dibdib ni Greta.

"Okay lang 'yun, hindi pa naman niya kasi alam eh," turan ni Greta. "Ang mahalaga eh nasapo n'yo 'ko."

Ilang stunts pa ang kanilang ginawa at hindi naiiwasang napapahawak si Pieter sa iba't ibang parte ng katawan ni Greta. Napansin niyang tila walang anuman sa dalawang lalaki ang mga ganoong pangyayari kagaya ng kanyang nararanasan. Kahit si Greta ay hindi din binibigyan iyon ng malisya.

Pero para sa kanya na noon lang nakahawak ng katawan ng babae, pakiramdam niya ay may dala iyong malakas na boltahe na dumadaloy sa kanyang katawan at nagugustuhan niya ang bagay na iyon. Mabuti na lamang at maluwag ang suot niyang shorts kaya't hindi nahahalata ang madalas na  maalimpungatan niyang  junjun.

"Barkman, thank you ha," saad ng cheerdance instructor matapos ang pag-eensayo. "Kayo, kailan ang practice n'yo?"

"Wala pa pong sinasabi si coach Sir," tugon ni Pieter.

Kinuha ng instructor ang atensyon ng kanyang mga dancers.

"Guys, support kayo sa team nila Barkman ha!," malakas na turan nito. "Tiyak na paghahandaan ng grade twelve ang laban nitong darating na intrams."

"Yes sir!" sabay-sabay na sagot ng mga mananayaw.

"Pieter, wait lang ha, magpapalit lang ako ng damit, then uwi na tayo," ani Greta.

"Sure." Matipid na sagot ni Pieter.

"Ay teka lang," muling lumingon si Greta, "Nabusog ka ba? Gusto mo ba kumain ulit?"

MAMA'S BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon