Chapter 4

429 47 13
                                    


Sadyang naging makulit si Cindy sa pagsunod  kay Fritz saan man ito pumunta sa loob ng paaralan. Hindi naman Ito madiretsa ni Fritz dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin nito.  Marami na ang tumutukso sa kanya na girlfriend niya ito.

Isang bagay na naging advantage sa kanya ng pagdikit ni Cindy ay nabawasan ang mga babaeng lumalapit sa kanya pero may isang bagay din na naging disadvantage ito sa kanya.

"Alam mo Cindy, i'll be honest with you," aniya dito habang nasa canteen sila. "Nu'ng una naiilang ako na kasama ka eh, lalo na nu'ng napapagkamalang girlfriend kita."

"Ayaw mo ba nu'n, may celebrity girlfriend ka!" tugon ni Cindy.

"Yan pa isang ayaw ko sa 'yo eh, pwede ba tanggalin mo 'yung pagiging celebrity mo kapag magkasama tayo?"

"It's on my nerves, pa'no ko naman tatanggalin?" tugon ni Cindy. "Or na-i-insecure ka kaya hindi mo 'ko maligawan 'no? Alam mo nararamdaman ko naman 'yun eh, na gusto mo 'kong ligawan kaso nu'ng nalaman mong artista 'ko, medyo nakaramdam ka ng insecurity kasi alam mo naman sa showbiz, ang dami ding gwapong katulad mo.

"Pero bakit ka naman ma-i-insecure? Kung tutuusin nga mas gwapo ka pa sa ibang artista eh, saka imagine, lagi akong sumasama sa 'yo so it means may chance na sagutin kita kapag niligawan mo ko."

"Hey, wake up Cindy," ani Fritz. "Pwede ba patapusin mo muna 'yung sasabihin ko? Kapag hindi ka tumigil iiwan kita dito!"

"LQ kaagad tayo?" tanong ni Cindy. "Hindi pa nga tayo mag-on?"

"Isa pa, aalis na talaga 'ko!" seryosong turan ni Fritz.

"Joke lang, ito naman. Ano ba 'yung sasabihin mo kasi?"

"As i said, maraming nag-aakalang girlfriend kita, pero i don't care kung ano isipin nila dahil alam naman natin ang totoo, right?"

"Yes! Manliligaw ka pa lang!"

"Makaalis na nga," ani Fritz at umakma nang tumayo.

Humawak agad sa braso ni Fritz si Cindy. "Ito naman, masyado ka kasing serious eh, sige na, ituloy mo na."

Tiningnan muna ng mabuti ni Fritz si Cindy. Nang makasigurado siyang makikinig na ito sa kanya ng seryoso ay saka siya muling umayos ng upo.

"Okay, tanggap na kita ---

"Yes, sabi ko na nga ba eh," maluwag ang pagkakangiti ni Cindy nang sinabi iyon.

"As barkada," pagtutuloy ni Fritz.

"Aray ko naman," bulong ni Cindy.

"Ano 'yun?" tanong ni Fritz.

"Ah w-wala, sige, nakikinig ako," tugon ni Cindy.

"Actually, may crush ako dito sa campus ---

"Ouch!" bulong ulit ni Cindy.

"Cindy, are you listening?"

"Ah eh oo n-naman, kumikirot kasi 'yung ingrown ko sa paa, sige lang tuloy mo lang."

"But the problem is hindi ko pa siya kilala. B-baka naman pwede mo kong tulungan," biglang naging malumanay ang pagsasalita ni Fritz.

"Ayun, lumabas din ang totoo. So ang plano mo eh gamitin ako para d'yan sa crush mo? Friends with benefits ganu'n?"

"Barkada lang hindi friends?" pagtutuwid ni Fritz.

"Doon na din papunta 'yun, maraming ng istoryang ganito. Nagsimula sa barkada, tropa-tropa, naging friends, naging bestfriend tapos sila din pala sa huli. Kaya bakit kailangan ka pang magka-crush sa iba? Eh tayo din naman pala bandang huli?"

MAMA'S BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon