Tawa

14 3 1
                                    

'Tumawa ka nalang', sinabi ni Inay,
Payo ng magulang, hindi ko sinuway,
Kagaya ng Hyena, sumunod ako,
Tawang-tawa, may baliw sa bahay-kubo,

Bawat gabi, may naririnig na iyak,
Lalaking ting-ting, may sinturon na hawak,
Namumulang sahig, malagkit na hamog,
Pulang tubig, ang bungo ay nalamog,

Takbo, sige, takbo, huwag kang lilingon,
Tumama sa bato, pag natumba bumangon,
Sinabunutan ang buhok, 'la nang takas,
May dalang tubo, hinga 'tulad ng ahas,

Nanginginig, humihingal sa pagod niya,
Naririnig, pag-ugoy ng gumamela,
Tumahol ang hangin, sumikat ang buwan,
Halimaw na patpatin, basa sa ulan,

Bago ang katapusan, naalala ko,
Lasa ng durian, at lasa ng champorado,
Sablay, isang pakete, sangkap na taboo,
Ipakita kay 'Nay, iyong pinagtaguan ng shabu.

My Little Black Book of Poems and StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon